42

1.9K 75 37
                                    

End

Idris Giddeon Velasquez

"Happy 5th birthday, baby!" Sabay naming sabi ni Raiz, matapos hipan ni Gia ang candle sa birthday cake n'ya.

Yumakap saamin ni Raiz si Gia, kaya napangiti ako.  Para sa anak ko, pinilit kong kalimutan ang nakaraan ko at mahalin ang mommy n'ya. Okay naman si Raiz, medyo selosa lang. Alam ko na hindi ko pa s'ya mahal sa ngayon, pero kailangan masanay na ako dahil s'ya na ang makakasama ko sa habang buhay.

Pero alam n'yo, Totoo pala talagang mahirap kalimutan ang taong minsan minahal mo nang totoo, no matter how long kayong nagkasama, matagal man o kahit saglit na panahon lamang. If you really love that person, patuloy mo lang hahanaphanapin ang presensiya n'ya at ang pagmamahal n'ya.

Ang hirap umusad kung wala namang pila hindi naman masikip ang kalsada, at wala namang check point, pero bakit hindi ako makarating sa gusto kong paroroonan?

Parang ayoko nang bumangon tuwing umaga. Ang hirap pag nasanay kong, nand'yan s'ya sa tabi ko tuwing gigising
Ako. Habang iniisip ko ito ngayong, ala akong ibang balak kundi alalahanin na lang ang magagandang ala-ala. Kasalanan ko naman kung bakit kami nauwi rito.

May pagsisi, pero sa sarili ko na lang iyon. Ayoko rin maramdaman ng pamilya ko na nagsisi akong pinili ko sila, kaysa sa taong mahal kong talaga.

From Kapitan, tumakbo ako bilang Mayor. Suportado ako ni Daddy at ng daddy ni Raiz na senator.

"Ang balak ko gawin ng museum ang mansyon natin. Kung isang termino ka lang tatakbo bilang Mayor."  Si Daddy, habang pinagmamasdan ang mga lumang display dito sa mansyon. Sinabi ko kasi sakan'ya na sayang ang pag-aaral ko ng law kung hindi ko magagamit masyado. Magagamit ko rin naman habang mayor ako, pero wala talaga sa isip ko ang politika. Napilit ako, dahil gusto nang bumitaw ni daddy sa pagiging mayor at kumandidato bilang Congressman.

"Pwede naman, marami naman tayong bahay." Pag sang ayon ko sa sinabi n'ya.

"Ayaw mo ba nang sarili n'yong bahay? Iyong sariling sainyo talaga."

Tatanggi sana ako, dahil sayang ang ibang property namin kung hindi matitirhan.

"Oo nga babe! May nakita akong sketch ng bahay sa ilalim ng kami natin. Siguro iyon ang gusto mong bahay natin!" Excited na wika ni Raiz.

"Anong sketch?" Takang tanong ko.

"Wait ha." Paalam n'ya, saka umakyat sa kwarto namin.

"Kung magpapagawa kayo ng bahay, sa company na ni Farrel. Balita ko sobrang husay ng company n'ya, kaya rin siguro hindi s'ya nakakadalaw saakin. Sobrang busy na n'ya." Itong sa daddy kung ano-anong pinagsasabi bigla. Wala 'man lang warning amp.

Kaya hindi s'ya dumadalaw dito, dahil saakin.

"Baka si Raiz na ang mag asikaso no'n dad, busy ako sa munisipyo." 'yon na lang ang sinabi ko, para hindi mahalatang apektado ako nang marinig ko ang pangalan ni Farrel.

Nang bumaba si Raiz, halos lumuwa ang mata ko nang makitang hawak n'ya ang sketch ng future house sana namin ni Farrel. Paano n'ya ito nakita? Sa Antique ito nakatago. Lahat kasi ng gamit namin ni Farrel sa Antique nakatago, kaya paanong n'ya nakuha iyon?

"Ito ba? Grabe nasira ata ang surprise mo kasi nakita ko ito." Natatawang sabi ni Raiz, kaya wala na akong nagawa kun'di ang umoo sakan'ya na iyon nga ang gagawin na bahay namin.

"Hey, may hindi ka sinasabi saakin. Ex girlfriend mo pala iyong nakuha kong manager ng house natin." Habang nasa munisipyo ako, sumugod s'ya rito na iyon ang ang sinabi.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now