His father
"Thank you for coming." Naka ngiting sabi ko sa turista, na palabas ng souvenir shop.
"Grabe, tsaka lng pala lalakas benta natin pag nandito si Farrel." Si Dawi na nasa counter, si Ate Farrah naman ay nag pupunas ng mga alikabok.
"Wala kasi akong training, nahihiya naman ako sainyo. Baka isipin n'yo pabigat ako." I joked.
"Talaga." Si Ate, kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Lumapit s'ya saakin, saka nag flip hair sa harap ko, kaya kulang nalang makain ko ang buhok n'ya.
Pinagtawanan n'ya naman ako dahil don, Syempre nakita tawa 'rin si Dawi. Itong mga babaitang ito!
Actually, may practice game kami ngayon sa volleyball. Hindi lang ako nagpunta, after kong malaman kung saan nagmula ang trauma ni Ion sa mga bakla. I feel so Bad.
Knows n'yo ba 'yorn? 'yung kahit hindi n'yo ginawa. Pakiramdam n'yo, kayo ang gumawa.
Hindi 'rin nga pala kami natuloy mag hapunan sa munisipyo dahil s Tanya ay nagpasundo kay Ion, kaya binili nalang ako ng fast food ni Ion at hinatid sa bahay ni Lola.
"Welcome to Esme Mesmerizing Souvenir Shop-" napatigil ako sa pagsasalita nang pumasok si Ion sa Souvenir shop. He's wearing a Dri-Fit shirt na kulay Itim na bagay na bagay saknya, halos masira 'rin ang manggas ng damit niya dahil sa depinang biceps n'ya. Pinarisan n'ya ang kaniyang damit ng itim na shorts.
Parang nag slow-motion ang lahat, sumikip ang paghinga ko at para bang nawala sina Dawi at Ate na nandito sa loob ng souvenir shop.
Nagtama ang paningin namin. Hindi pa 'man ako nakakapag react, nginitian n'ya na ako na nagpatalon sa aking heart beat. Oh God Save me.
"Sabi mo may sakit ka? Dumaan ako sa bahay n'yo wala namang tao. Nandito ka lang pala." Naka nguso pang sabi n'ya.
Nabitawan ko naman ang floor mop. shemay. Ang gwapo n'ya! Ang gwapo-gwapo n'ya! Bakit s'ya naka nguso, gusto n'ya ba ng kiss?
Pupulutin ko sana ang mop na hawak, nang siya ang gumawa para saakin noon. Isinandal n'ya ang mop sa isang gilid, saka muli akong hinarap. "Hoy, tinatanong kita." Muli n'ya pang sabi, saka bahagya akong tinulak sa balikat.
Nagising lang ako sa kasalukuyan nang pagitnaan ako ni Dawi at ni Ate. "Para kay Farrel ba 'yan?" Tanong bigla ni Dawi kaya dumapo ang paningin ko sa hawak na plastic bag ni Ion.
Naramdaman ko naman ang mahinang pagkurot ni ate sa bewang ko. "Malandi kang bakla ka, umayos ka. Masyado kang halatain."bulong n'ya saakin, kaya dumiretso ako ng tayo.
"Ah oo, nasabi n'ya kasi sakin na may sakit s'ya kaya hindi s'ya makaka attend ng practice game." Si Ion naman. Si Dawi ang kumuha ng plastic bag na hawak ni Ion, lugaw at tinapay pala ang laman non.
Iniwan na nila kami. Mukhang lalantakan na nila ang dalang pagkain ni Ion.
Lumabas kami ni Ion sa Souvenir shop at naglakad sa dalampasigan. Sa walang masyadong tao kami, pumpwesto at naupo sa pinong buhangin dito.
Tahimik lang kami pareho, habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Hanggang sa nagsalita siya.
"Nandidiri kaba saakin?" Bigla n'yang tanong.
"H-Ha?" Nagulat naman ako sa tinanong n'ya. What did He mean?
"Nandidiri kaba saakin, dahil rape victim ako at bakla pa ang rumape saakin-
"No!" Putol na agap ko sakanya. "Hindi, hindi ako nandidiri sayo." Dagdag ko pa.
"Then bakit hindi ka umattend ng Practice kanina? Mukha namang wala kang sakit." Pagpuna n'ya, habang tinititigan ako.
YOU ARE READING
What's Our Secret Beneath The Island?
RomanceIdris Giddeon 'Ion' Velasquez, He's one of Boys at the back. Everyone loves him, because he's handsome and kind. Mabait siya sa lahat pwera lang sa bakla, he's a big HOMOPH*BIC short to say. No na no sakanya ang mga bading. Like me. Farrel Davis Fer...