20

1.4K 55 4
                                    

Crossed



"Happy birthday to me..." Bati ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang sand cake na nasa harap ko.

Simula pagkabata, hindi ako nakaramdam ng hirap.Hindi kami sobrang yaman, pero hindi 'rin naman kami ganon kahirap.

Sa sitwasyon naman sa buong pamilya, my parents always fighting. Pero sabi nga nila, hindi natin pwedeng ipilit ang hindi sakto.

Napalaki ako ng parents ko bilang isang Ambivert. Introvert sa labas, extrovert sa loob. I'm scared to disappoint everyone na nakapalibot saakin, kaya hindi ko maipakita kung sino ako.


Pero talagang kahit anong pilit kong itago kung sino at ano ako, hindi ko mapigilan. Lalo na at matagal ko na itong kinekeep sa sarili ko.

Muling nag balik saakin ang pagkaguilty sa ginawa ko kay Ion. Sana hindi ko nalang ginawa.


Sinubukan kong hanapin si Ion sa paligid para pasalamatan s'ya dahil napasaya n'ya ako sa birthday ko kahit na hindi kami ayos. He still, puts efforts. pero hindi ko s'ya nakita kahit saan. Mukhang seryoso s'ya sa sinabi niyang ibibigay n'ya para sa sarili ko ang araw na ito.

Nang mag tanghali, inaasahan ko na, susulpot anytime si Ion para mananghalian, Kaya nagluto ako ng pagkain para saming dalawa para na rin pasalamatan s'ya, pero nag hapon na at hindi pa rin s'ya nagpapakita saakin.


I drank my self nang mag gabi na. Tuwing gabi kasi, tuwing ipipikit ko ang mata ko bumabalik pa'rin saakin ang pagsisisi sa nagawa ko kay Ion. Hindi naman ako ganong klaseng tao, but my intrusive thoughts won.







"Farrel..." Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko dahil sa dami ng nainom kagabi.

Sa kalasingan, sa duyan na ako sa niyugan nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa loob ng bahay at nakahiga na'ko sa mahabang sofa dito sa salas.


Kahit na masakit ang ulo, I forced my self to open my eyes. Nang tuluyan kong maidilat ang mata ko, napakurap-kurap ako when I saw Mama.


"M-Ma?" Takang tanong ko.


She hugged me tight. "Oh my God Farrel. Anak." Her voice cracked then she burst into tears.


Am I Dreaming?


"Anak, I'm sorry. Ngayon ka lang nahanap ni mama." She Cried.


Pumatak ang luha n'ya sa kamay ko na parang totoo.


"Hindi ba 'to panaginip ma?" Takang tanong ko sakan'ya.


Mas lalo s'yang umiyak saka hinawakan ang mukha ko. Ang mga mata n'ya ay punong-puno ng luha pero nangungusap. "Anak, hindi. Nahanap na kita."  Naka ngiting sabi n'ya.


Doon na tuluyang umagos ang luha ko. Pero habang umiiyak, naisip ko si...

Ion...


Napa tayo ako sa kinauupuan ko, nakauwi na kaya s'ya?


"Bakit, Farrel?" Takang tanong ni mama. "May problema ba?" Dagdag pa niyang tanong.


"Kasama n'yo ba si Mayor?" Wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko ang gulat sa mata ni mama nang tanungin ko iyon, saka s'ya nag iwas ng tingin.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now