29

1.4K 42 10
                                    

POINTS FOR ION

"Wala pa iyung mascot?" Takang tanong ko kay Vida habang chinecheck kung nakaayos na ang design ng stage at iba pang kakailanganin para sa gaganaping program dito sa school.

Ako pa'rin ang class president ng buong school kaya ako ang nag aasikaso ng mga ganitong events. Nagsisisi na ako, dahil pinasok ko 'to. Nagkataon pa kasi na ang dami kong plates na pending, may paparating kaming laban sa volleyball at may event pa'kong inaasikaso.


"Pogi kahit stress." Pagcocompliment saakin ni Maye. Ang secretary ko, nang dumating s'ya. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil sa sinabi n'ya.



"Thank you. Ikaw, ang ganda mo." Compliment ko sakan'ya pabalik. Sabi ko naman sinyo, beklush ako sa loob, pero lalaking-lalaki ako sa labas.


Habang abala ako sa pag aasikaso sa mga kailangan dito sa gym. Dumating ang buong volleyball team para tumulong na magbuhat ng mga upuan at iayos ang mga iyon.


Nasa  taas ako ng stage at mula rito, tanaw na tanaw ko kahit na medyo malayo si Ion. Angat ang tangkad n'ya at kagwapuhan sa lahat. Shit, bading na bading talaga ako sa kapogian n'ya.

"President, ayos ka lang?" Nagising ako sa kasalukuyan nang bahagya akong itulak ni Vida.



"H-Ha?" Gulantang na wika ko.


"Nakatulala ka? May chix kang nakita 'no?" Natatawang sabi n'ya, saka ginala ang paningin sa buong gym.

Inakbayan ko s'ya, "wala. Binibilang ko lang ang mga upuan." Tugon ko, wala naman talagang chixs. Pogi lang ang meron.


Nang matapos magbuhat ang mga ka-teamates ko ng mga upuan, lumapit ako sakanila para magpasalamat. "Salamat sa pagtulong." Naka ngiting sabi ko sakanila.


"Basta ikaw." Wika ni Waki saka kumindat pa.


"Wala naba kaming maitutulong?" Takang tanong ni Ion. Shemey, mas okay talaga na magkaibigan kami. Para akong Disney princess. Hihihi.


Patago akong napangiti saka hinarap s'ya, "wala na, Captain. Salamat." Pasasalamat ko.


Nang paalis na sila, saktong dumating si Vida na mukhang nag aalala. "What happened?" Takang tanong ko sakan'ya.



"Hindi raw talaga makakarating iyong mascot." Hindi mapakali niyang wika.


Kumunot ang noo ko, "what? Hindi pwede. Hindi pwedeng walang mascot. That mascot represent our school and the students." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung medyo napataas ba ang boses ko.


"Sorry pres. Gagawan ko ng paraan." Nahihiyang sabi saakin ni Vida. Tumango na lang ako saka bumalik na sa pag aasikaso ng paparating na event.


What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now