05

1.7K 54 15
                                    

You belong with me

"Cheers!" Sigaw namin nang sabay-sabay, saka itinaas ang kanya-kanyang baso na may lamang alak.

Nanalo kami, sa Barangay volleyball. First runner up, kaya after ng local, sa Division na kami lalaban. Worth it ang pagod ng buong team. Training sa umaga, aral sa tanghali at training sa gabi. Sa buong apat na buwan ko dito sa Palawan nasanay na'ko sa ganitong set up ko.

Marami akong nalaman na, ikinasakit ko. Pero pag pala talaga espesyal para sayo ang isang tao, kahit na siya pa ang pinakamasama gugustuhin mo pa'rin siya.

He loves everyone, except gays.

Nalaman ko na, ayaw talaga ni Ion sa bading. Naalala ko, isang araw no'n at dadaanan ko sana siya sa law room kung saan nagkaklase ang mga Law students para sana sa evening training namin. Pero hindi ko inasahan ang aabutan ko.

"Ion para sayo."  Napahinto ako sa paglalakad, nang makita ko si Ion na nakatayo sa harap ng pinto ng room nila, may isang lalaki 'rin sa harap n'ya. Naka gupit babae ito, pero sa tikas at dahil kadugo ko s'ya, naramdaman kong berde rin ang dugo n'ya. In short, bading 'din s'ya.

"Alis." Mula sakilalang Ion, ibang-iba ang tono ng pananalita n'ya. Malamig at ramdam ko na nandidiri s'ya.

"Matagal na kitang gusto, simula elem-

"Alis sabi e, matagal ko nang sinabi sayo na layuan mo'ko. Ayoko sayo, ayoko sa bakla. Babae ang gusto ko." Parang kulog ang boses ni Ion, kahit na medyo malayo ako sakanila napa atras ako sa takot. Alam ko na may pagka-homophobic siya, pero hindi ko naman inaasahan na masasaksihan ko ito mismo.


Akmang hahawakan ng gurla si Ion, nang itulak n'ya ito at tinalikuran. Kinurot ang puso ko, dahil sa napanood ko noong mga panahong iyon, kaya mas pinili ko nalang na sarilinin at itago ang nararamdaman.

"Sir, nandito na po si ma'am Tanya." Biglang may umakyat na maid nila Ion dito sa Rooftop.

"Awit, ayan na nga po." Singit ni Alas. Isa sa mga kateammate namin sa volleyball.

"Akala ko ba pag nanalo na tayo sa Division, saka mo ipapakilala saamin?" Takang tanong naman ni Waki.

Tumawa si Ion, saka tumayo sa kinauupuan. "I can't wait e, tsaka Feeling ko s'ya na talaga." Natatawa pa niyang sabi.

Nasabi ko na'rin ba sainyo na, may kinukwento na naman siyang babae samin. To be honest nasasaktan ako dahil May feelings nga ako sakan'ya, pero sabi nga nila just go with the flow.

Sumunod s'ya sa maid nila at bumaba na ng rooftop. "Ikaw ba Farrel? Kailan ka may ipapakilala saamin? Lahat kami may girlfriend na. Ikaw nalang ang wala." Biglang pagsasalita ni Uno na kakambal ni Alas, isa 'rin sa teamates namin.


"W-Wala, acads at sports muna ako." Iwas na tingin na sabi ko, lagi nalang akong binubuyo ABOUT sa pag gigirlfriend ko.

"Wala ka kahit crush 'man lang?" Tanong ni Waki.


Uminom ako sa alak na nasa baso ko, saka nagpiga ng lemon sa bibig. "Mayroon." Tipid na sabi ko, para hindi na nila ko kulitin. Nagkantyawan ang mga kuya mo.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now