38

1.3K 63 23
                                    

HAPPY

"Hindi nabanggit saakin ni Farrel na bahay mo pala ang project namin."


Nandito kaming tatlo sa labas ng Vernanda ng mansyon nina Ion at nag iinom. Kanina habang inaasikaso namin ni Caspian ang pag gawa ng bahay nina Ion. Dumating si Ion sa site. Hindi n'ya naman iyon ginagawa, actually first time niyang magpunta sa site para silipin ang bahay nila simula noong maumpisahan ito. Hindi naman na sila nagkagulatan dahil nagkita raw sila noong isang araw kaso hindi nakapag inom dahil busy si Ion sa munisipyo. Close pala sila sa isa't isa, dahil siguro cassmate nga sila noong college sa Law.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas, matapos mag confess si Caspian saakin. Syempre, ganda-gandahan ako. Ang gwapo kaya ni Caspian! Pero alam n'yo na, hindi lahat ng gwapo maganda ang hanap. Minsan gwapo rin ang hanap nila.


Natatakot ako dati na sumubok, pero ang saya pala talaga magkagusto ulit kahit na alam mong ang kakambal ng pagmamahal ay sakit.

Naka-uwi na sina mama sa ibang bansa. Si ate naman ay nanatili sa bahay nina Dawi at Dave para tumulong sa souvenir shop. Gusto kong matawa dahil G na G si ate kay Dawi dati. Ngayong friendship na sila. Bongga diba? Gusto rin ni Dawi at Dave na tulad ni ate doon rin ako manatili, pero tumanggi ako dahil tatlong buwan ko nang nabayaran ang pag s-stay inan kong hotel.

Lovelife update. Hindi naman naapektuhan ng pagcoconfess ni Caspian ang pagtatrabaho naming dalawa, dahil pareho naman kaming propesyonal. Baka pag naglandian kami sa site, buhusan na lang kami ng simento ng mga manggagawa.


Kaya pala wala ang pamilya ni Ion noong nag confess saakin si Caspian, may family dinner sila.


"Nag engineer ka pala? Akala ko pangarap mong mag abogado." Tanong ni Ion kay Caspian na nasa harapan n'ya lang. Ako naman, nasa tabi ni Caspian at nilalaro ang yelo sa baso ko na may alak.


"Pagkatapos kong mag-aral ng Law, nag Engineering ako para sa baby ko." Caspian playful said saka hinawakan ang kamay ko at ininom ang alak sa baso n'ya.


Hindi ako naging kumportable sa ginawa ni Caspian. Siguro dahil nasa harap namin si Ion. Pero ano namang pakielam ni Ion saamin? May asawa't anak na. Shemey talaga itong sarili ko. Hinarap ko na lang si Caspian at ngumiti sakan'ya. Piniga n'ya naman ang matangos kong ilong.

Hindi nakatingin saamin si Ion, halatang walang pakielam. Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa Law kaya hindi naman ako interesado, pag kinakausap lang ako ni Caspian saka ako nagsasalita.


"Paano ba kayo nagkakilala?" Kung kanina'y wala akong interes sa pinag uusapan nila. Ngayon ay napukaw ng atensyon ko ang tanong ni Ion saamin. Nilingon ko s'ya, saakin s'ya naka tingin. Ako bang tinatanong n'ya?



"Crush ko s'ya noong college, naalala ko hinahanap ka n'ya noon kaya ko s'ya nakilala." Pagkukwento ni Caspian na halata sa boses n'ya ang pagka lasing. Nakakadalawang bote pa lang kami ng jack daniels.



Hindi nagsalita si Ion at dere-deretso n'yang tinungga ang alak sa baso n'ya. Magsasalin sana ako ng alak sa baso ko nang sumandig na ang ulo ni Caspian sa balikat ko. Knock out.



What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now