33

1.2K 36 12
                                    

Comfort

"Sorry, sinubukan namin ang lahat nang makakaya namin pero masyado nang mahina ang puso ng pasyente sa katandaan. Time of death, 4:23 A.M." parang bumagsak ang katawang lupa ko dahil sa hinatid na balita saamin ng Doctor.

Nabalot nang hagulgulan ang buong waiting area nitong hospital nina Ion Dahil sa binalita ng Doctor. Si mama ay napa upo sa sahig si ate naman ay nag huhumiyaw sa pag iyak na mas ikinadurog ng puso ko.

Wala na si Lola.

Galing ako sa mansyon nina Ion, doon kasi ako namamalagi noong mga nakaraang araw para mas mapadali ang pagre-review para sa darating na board examination ko. may Internet at PC si Ion na gamit na gamit ko.

Ako lang mag isa ang nagtungo sa Hospital nang tumawag saakin si ate, naka out of town si Mayor at Ion para sa isang Political Business. Ayaw sanang sumama ni Ion, pero sabi ni Mayor kailangan na nandoon raw si Ion. Gusto rin akong isama ni Mayor, pero hindi pwede. Kailangan kong mag review para sa papalapit kong board exam.

Nagulat ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Ate, umiiyak s'ya at sinabing sinugod nila si Lola dahil inatake sa puso.

Nanlamig ako nang mga panahong iyon, buti na lamang at nandoon ang puting wrangler ni Ion at nasakyan ko papunta sa Hospital.

Pagdating na pagdating ko sa Hospital, isang malungkot na balita ang sumalubong saakin.

Hind ako makapaniwala. Madalang ko nang makita si Lola sa sobrang busy sa pag aaral at ngayong nakita ko s'ya, nasa kabaong pa.

Mapakla akong napangiti habang nag pipigil ng luha, at tinititigan si lola na nakahiga sa kabaong. Ang daming ala-ala na nagbalik saakin kung paano ako alagaan ni lola mula pagkabata ko hanggang ngayon. Lola, bakit? Kaunti na lang magiging Architectural Engineering na'ko oh...

Umiiyak ang buong pagkatao ko sa kaloob-looban ko. Pangarap ni lola na maging architect noong bata s'ya, pero sa hirap ng buhay hindi s'ya nagkaroon nang pagkakataon na maging architect.

Noong malaman ni lola na architecture ang course ko, tuwang-tuwa s'ya at nabanggit n'ya saakin ang pangarap n'ya. Kaya nangako ako sakan'ya na magiging architecture ako, hindi lang para sa sarili ko ku'ndi para punan ang pangarap ni lola.

Gusto kong umiyak, pero tuwing nakikita at naririnig kong umiiysak si mama at ate mas nadudurog ang puso ko. Tingin ko mas masasaktan sila kung makikita nila akong umiiyak rin. Si lola, alam kong masasaktan s'ya kung nakikita n'yang nagkakaganito si Mama at si ate. Naisip ko rin na mas masasaktan s'ya kung makikita n'ya akong umiiyak, ang paborito niyang apo. Kaya pilit kong pinipigilan ang sarili na umiyak.

Lumipas ang ilang araw at kahit ilang araw na ang lumilipas, hindi pa rin magawang umiyak. Balot pa rin ng lungkot ang buong pamilya namin. Maraming kamag anak at kakilala na nakiramay.

Bawat sulok ng bahay, ramdam ko pa rin ang mainit na presensya ni lola at kahit ilang araw a ang lumipas, hindi pa rin ako makapaniwala.

Marami ang pag sisisi, sana'y dito na lang ako sa bahay nanatiling mag review para mas nakasama ko pa si lola.

Lola, paano ko tatanggapin na wala ka?

Nag pakatatag ako para kina mama. Dahil kailangan nila nang masasandalan sa panahon na ito. Pero tulad nila, nawalan din ako, kailangan ko rin ng masasandalan.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now