06

1.6K 58 6
                                    

Dark secret

"Pumila na kayo rito mga bata."  Naka ngiting sabi ni Ion, habang may hawak ng box ng mga laruan.

Nandito na kasi kami sa plaza, at pagkakita sakan'ya ng mga tao 'rito mapa bata 'man o matanda. Tuwang-tuwa sila na tila ba sabik na makita si Ion. Same reaction tayo mga teh tuwing nakikita ko s'ya.

Kaagad pumila ang mga bata sa harap n'ya, ako naman ay nanatili sa tabi n'ya at nginingitian ang mga tao 'rito. Paminsan ay tinutulungan ko 'rin siyang mag abot ng mga laruan at pagkain.

Marami 'rin palang volunteers, hindi lang si Ion. Pero halos lahat, dito saamin pumila. May yumakap, humalik, at nakipag shake hands pa kay Ion, lahat iyon ay ayos sakan'ya.

Pwera dito."Papa Ion!!" Boses palang, alam ko na kung anong kulay ng dugo n'ya. Sabay kaming napatingin sa beshie ko na patakbong papalapit kay Ion.

I saw how Ion's jaw moved, at ang kamao n'ya ay sumara. Akmang dadambahin ng beshie ko si Ion nang humarang ako. Kaya saakin s'ya napayakap.

Nagulat ang mga taong nakapaligid saamin, lalo na ang beshie ko na ngayon ay nakayakap saakin. Awkward akong ngumiti sakan'ya nang magtama ang paningin namin. Kaagad naman s'yang kumalas, "anue ba yan. Bakit ka humarang? Abot kamay ko na si Papa Ion!" Inis na sabi n'ya saakin, pero hindi ko s'ya pinansin at nilingon si Ion.

Nakasarado pa'rin ang kamao n'ya, pero ang mga mata n'ya ay halatang nagtataka, dahil siguro sa ginawa ko. I smiled at him, to assure him na okay lang.

'ako ng bahala.' i mouthed to him, saka inakay ang beshie ko  palayo sakan'ya.

"Bitawan mo nga ako!" Inis niyang sabi saakin, pinagmasdan ko s'ya. Naka gupit lalaki s'ya, pero naka spaghetti stap at naka pekpek short na kulang nalang lumitaw ang balls n'ya. Grrr.

Magsasalita sana ako, nang ikutan n'yako at tingnan ako mula ulo hanggang paa. Inamoy-amoy n'ya pa ako. Napa atras ako dahil sa ginawa n'ya, alam kong pareho kaming bading pero, duh ang creepy ng ginagawa nya.

Bigla s'yang tumawa saka ako hinampas sa braso. "Huwag kang mag panggap na nandidiri ka sakin, nakakaamoy ako ng kadugo ko. Bakla." Ismid na wika n'ya saakin na ikinagulat ko.

Tumawa s'ya muli ng malakas, saka natatawa akong tiningnan. Halatang nang iinsulto."Gupit lalaki, bihis lalaki, kahit na ang tindig mo ay lalaki. Kung makikita ka ng ibang tao, iisipin nilang straight ka, e kaso. Bakla rin ako, kaya kilala ko ang kadugo ko." Wika n'ya pa saka kumindat pa, para bang confident siya sa sinasabi. Pahawi-hawi pa ng buhok, wala namang hinahawi. Baklang 'to.

"Huwag mong lapitan si Ion." Iyon lang ang nasabi ko.

Tinaasan n'yako ng kilay, "bakit ko naman gagawin 'yon? Iyong ibang tao nakakalapit sakan'ya bakit Ako hindi pwede?" Inis niyang sabi at namewang pa.

Baklang 'to.

"He hates gay, baka kung anong magawa n'ya sayo, ayokong makasakit s'ya ng tao. I love gays, I'm concerned about you-

"Edi He hates you?" Laban n'ya namang tanong saakin. Kaya napaikom ang bibig ko.

"O hindi n'ya alam?" Dagdag n'ya pang tanong. Hindi ako makasagot.

Narinig ko na naman ang maloko n'yang tawa na tila ba nang-aasar, "mas bakla ka pala saakin, kasi hindi mo kayang maipakita sa iba kung sino ka." Pang mamaliit n'ya saakin, then walk away.

Huminga ako ng malalim at  napapikit. Correct s'ya roon, sapol ako tagos hanggang buto.

Pinkalma ko muna ang sarili bago bumalik kay Ion. I saw him, na nakaupo sa isang bench dito sa plaza. May hawak siyang cellphone, mukhang may katext.

Nang makalapit ako sakanya, nag angat siya ng tingin saakin. Kaagad n'yang pinatay ang cellphone, saka naka ngiti akong sinalubong. Ang pogi, shemey!

"Pinapatawag tayo daddy sa Munisipyo. Doon na 'raw tayo mag dinner. Ayos lang sayo?" Takang tanong n'ya, saka tumayo sa kinauupuan.

"Okay lang." Kahit saan mo pa gustong kumain. Basta magkasama tayo. Okay lang, promises.

Sumakay muli kami sa puting wrangler n'ya. Habang nasa daan patungong munisipyo, may inabot s'ya saakin.

Isang strawberry milk na may straw, "thank you sa pag-sama sakin ngayong araw." Naka ngiting sabi n'ya, habang nasa daan ang paningin.

Napangiti ako ng palihim, saka lumunok-lunok at binaba ang strawberry milk na binigay n'ya saakin sa harapan nitong sasakyan.

"Ayaw mo?" Bahagya n'yakong nilingon.

Umiling ako, "sa bahay ko nalang iinumim." Pagsisinungaling ko, honestly allergic ako sa strawberries. Kaya hindi ko kayang inumin ito.

Tumango s'ya saka muling humarap sa daanan. Ako naman ay sa bintana humarap at pinagmamasdan ang dinadaanan namin."Nga pala, kanina. Bakit mo ginawa 'yon?" Bigla na naman siyang nagtanong.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Alin?" Takang tanong ko.

"Kanina, 'yung hinarang mo 'yung bakla na yayakap dapat sakin." Seryosong sabi n'ya.

Napalunok-lunok ako, saka nagsalita. "Nabanggit mo kasi noon na ayaw mo sa bakla. Kaya baka kako, magalit ka kanina doon sa yayakap sayo. Nasa harap ka pa naman ng maraming tao. I saw kung gaano ka kamahal ng mga tao na tinutulungan natin kanina, kaya hindi ka nila pwedeng makitang magalit. Baka pumangit ang tingin nila sayo." Seryosong sabi ko.

Huminto kami sa parking lot ng munisipyo.

Halos tumindig ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang magaspang at malaki niyang kamay na humawak sa kamay ko na nasa hita.

Iniligay n'ya ang kamay ko s kambyo nitong wrangler n'ya, saka ipinatong 'rin ang kamay n'ya sa kamay ko na nasa kambyo.

"Sa lahat ng mga kaibigan ko, ikaw lang ang rumespeto sa pag-ayaw ko sa mga bading." Naka ngiting sabi n'ya.

Tipid akong ngumiti, "Can  I ask?" Tanong ko.

Tumango naman s'ya.

"Bakit nga ba kasi ayaw mo sa bading?" Takang tanong ko.


Binitawan n'ya ang kamay ko, saka inihawak ang kamay sa manibela. Nakita ko na nagalit ang mga ugat niya sa kamay at mukang humigpit ang hawak n'ya roon.

"You're my friend..." Mahinang bulong n'ya, saka tumingin saakin. Ang mga mata n'ya ay punong-puno ng sasabihin. "Pinrotektahan mo'ko sa bading, so I trust you." His voice was shaking.

Napakunot ang noo ko, dahil naguguluhan ako.

"I'll tell you a secret. A dark Secret. And please, Keep it secret. Huminga s'ya ng malalim. Saka, tiningnan n'yako nang mata sa mata.

"I hate gays, because I was raped by a gay when I was 13 years old." Doon ako parang nabingi.

Oh no, he's a raped victim.

___

:(

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now