24

1.3K 42 8
                                    


Volleyball Team

"I'm glad that my vice captain came here too!" Galak na wika ni Coach nang makita ako. We were at a samgyupsal restaurant, ang naabutan lang namin ay si Coach at si Waki. Wala sina Alas, Uno at Brent.


Awkward akong ngumiti sakanila, saka bahagyang nagtago sa likod ni Dave kahit na mas matangkad ako sakan'ya. Palagi akong binubuyo ni coach na para daw kaming iisa ni Ion, dahil kayang-kaya naming dalhin pareho ang laro kaya pag wala si Ion, ako ang inuutusan n'ya na magpaka captain sa team namin.


"Hanggang ngayon mahiyain pa'rin 'tong si Farrel eh. Parang hindi tayo tropa n'yan." Si Waki, saka naglakad sakin at umakbay.


Magsasalita sana ko nang magsalita si Ion. "Kumain na tayo." Tipid na aya ni Ion, saka tinaas ang kamay para tumawag ng waiter.

Awkwardness...

Nang maupo kami, katabi ko si Dave at nasa harap namin sina Coach, Waki at Ion.


"Hindi mo nabanggit saakin na member ka ng volleyball ng school natin. Ikaw ba ang nag recommend saakin sa team nila?" Bulong saakin ni Dave. "Pero bakit hindi ka kilala ni Captain?" Dagdag n'ya pang takang tanong.

Mahina akong napatikhim. Shemey, kahit ako hindi ko alam kung bakit biglang hindi na lang ako kilala ni Ion.

"Ehem." Bahagya akong napalayo kay Dave nang mag cleared throat si Ion. Tiningnan ko s'ya, pero nakatingin s'ya sa pork na nakasalang sa grill.

Nakita ko ang mata ni Waki na nagpapabaling-baling saamin ni Ion. Mukhang bubuka na naman ang maingay n'yang bibig kaya inunahan ko na s'ya.

"Coach nasaan po sina kambal?" Takang tanong ko, kay coach saka kinuha ang tong at naglagay 'rin ng pork sa grill para tulungan na si Ion mag ihaw.

"Susunod 'raw sila, si Brent wala pa. Hindi pa sure kung makakabalik pa s'ya sa Palawan. Buntis raw ang shota. Kaya nga naghahanap pa kami ng bagong member ng volleyball... Kung nagkataon na umalis si Ion. ikaw, si Ion st si Brent tatlong ace player ang nawala sa team ko." Ramdam sa boses ni coach ang pagkadismaya.



I feel sorry, dahil sa sariling kakyondian ay nadadamay ang ibang tao.


"Bakit ba kasi umalis ka sa team Farrel?" Biglang tanong ni Waki. Dapat talaga hindi nagoopen ang mouth si Waki, laging nakaka cevalus ang sinasabi.


Natanaw ko na biglang sinubuan ng karne ni Ion si Waki.


"Aray! Shet ka. Ang init!" Reklamo ni Waki habang hirap na hirap nguyain ang karne na sinubo sakan'ya ni Ion. Umuusok-usok pa ang bibig n'ya.


"Hindi kaba pwedeng kumain nang hindi dumadaldal?" Inis na tanong ni Ion kay Waki.


"Tama na 'yan, kumain na kayo." Awat sakanila ni coach.


Habang kumakain, wala halos kumikibo. Kung hindi mag open ng topic si Waki. Nang nasa kalagitnaan nang pagkain dumating ang kambal.


"Farrel!" Tuwang-tuwa nilang sabi.

Nilingon ko sila pareho, ganon pa'rin naman ang hitsura nila. Magkamukha pa'rin sila, medyo mahaba lang ang buhok ni Alas ngayon. Mukhang hindi papagupit, samantalang si Uno naman ay naa clean cut as usual.


"Namimiss kana namin, huhu." Kunwaring naiiyak na wika ni Uno, saka naupo sa tabi ko. Kaya nasa pagitan na na nila ako ni Dave na pinagmamasdan lang kami habang kumakain.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now