25

1.6K 52 9
                                    

Soya Ice Cream


"Farrel may delivery daw para sayo sa labas." Habang inaasikaso ang plates ko, Biglang pumasok si ate sa kwarto.


Nilingon ko s'ya, "Paki received na. May ginagawa ako." Wika ko saka muling binalingan ang plates at binura-bura ang mga lampas na sulat sa drawing ko.



"Wala akong pera pambayad." Sabi n'ya saka nilahad ang kamay sa harap ko. Mula sa kinauupuan, kinuha ko ang wallet ko sa gilid ng kama. Inabutan ko siya ng isang libo.



"600+ lang ata 'yung pencil set kong binili. Kasya na iyan." Wika ko.


"Akin na lang ang sukli!" Hindi pa'man ako nakakasagot lumabas na si ate ng kwarto ko.


Bago ituloy ang plates kinuha ko muna ang cellphone para icheck kung tama bang iyon ang order ko na darating.



Pagtingin ko sa cellphone, nagtataka akong napakunot ang noo nang makitang sa isang linggo pa ang dating ng pencil set na inorder ko.

Shemey. Scam ata 'yon! Pencil set lang ang order ko!


Dali-dali akong lumabas para sundan si ate dahil baka wrong deliver lang saakin, pero nagulat ako nang makita ko si Ion na may hawak na basket ng prutas.


"Ion... Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko nang makalapit sakanila.

"Farrel." Tawag sakin ni ate na mukhang nagulat rin sa paglabas ko.Dumapo ang tingin ko kay ate na ngayon ay naka pamaywang. "Pumasok ka sa loob Farrel Davis." Her voice was in bitch mood.

Bakit ba kasi nandito si Ion? Shemey naman.


"Ate..." Hindi mapakaling wika ko, dahil baka bigla nyang sakmalin si Ion.

"Farrel can we talk?" Hindi pinansin ni Ion ang presensiya ni ate saka akmang lalapit saakin pero humarang si ate sa harap n'ya.

"Anong gusto mo? Lamay agad o ambulansya?" Inis na tanong ni ate sakan'ya saka bahagyang tinulak si Ion kahit na halos manliit s'ya rito.


"Hindi ikaw ang sadya ko rito. Excuse me." Tipid na sagot ni Ion sakan'ya.


"Ibang klase. Kapal ng feslak mo." Rinig kong sarkistadong sabi ni ate. Shet ate naman. Ano bang sinasabi mo?!

"kapatid ko ang sadya mo? magkadugo kami. Kaya parang ako na rin ang sadya mo." Walang connect at Prangkang tanong ni ate na tila ba hindi man lang pinag isipan ang sinabi.


"Ate.." tawag ko sakan'ya para awatin s'ya pero nag mistulang may powers ako ng invisibility dahil hindi n'ya'ko pinansin.


"Diba halos masuka ka noong nalaman mong bading si Farrel? At halos isumpa mo si mama? Bakit nandito ka ngayon? Ano naumpog kaba?" Inis na tanong ni Ate. Naikwento ko kasi sakan'ya lahat ng nangyari sa secret Island. Alam n'yo na s'ya ang mistulang human diary ko.

Tumingin saakin si Ion, pero nag iwas ako ng tingin. Siguro'y nagtataka s'ya bakit alam ni ate.

"Kailangan kong kausapin si Farrel. Ibang issue ito. So please..." Iyon lang ang sinabi ni Ion. RAMDAM ko pa'rin sa boses n'ya ang panlalamig.

"Para saan? Alam mong gusto ka n'ya diba? Hindi kaba nandidiri na may gusto sayo 'tong baklang 'to?" Mataray na tanong ni ate.

Sumingit na'ko sa gitna nila saka hinarap si ate. Konti na lang, she will cross the line. Yumuko ako para magkalapit kami. "Keri ko na'to, pumasok kana sa loob." Bulong ko sakan'ya.


What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now