27

1.3K 44 7
                                    

Sorry


"Ma, bakit nandito ka?!" Gulat na bulalas ko nang makita si mama sa hospital room kung nasaan si Ion, na ngayon ay gising na at mukhang gulat na gulat 'rin.



Shemey, paano kung makasama kay Ion ang magalit?  Hindi puwedeng nandito si mama!

Naglakad ako papalapit kay mama, saka ko s'ya hinawakan sa braso at inakay papunta sa labas ng hospital room ni Ion.

"Tinext mo'ko diba?" Takang tanong ni mama saakin.

Nagtatakang kumunot ang noo ko. Hindi ko maalalang tinext ko s'ya. Kinuha ni mama ang cellphone n'ya sa bulsa saka may pinakita saakin.

From : Farrel

Nasa hospital ako. Sinugod ko si Ion. Hindi ko alam gagawin ko. Huhuhu.

Pagbasa ko sa sariling text sa isip. Naalala ko na para kay ate ang text na iyon at hindi para kay mama.


"Nang ma-received ko ang text mo. Pumunta kaagad ako rito. Bakit ba? Ano nangyari? Bakit napunta si Ion sa hospital? Kasalanan mo ba?" Sunod-sunod na nag aalalang tanong ni mama.


Napakagat ako sa labi. "Naka kain s'ya ng soya milk dahil sakin ma." Nahihiyang sabi ko.

"Hindi mo alam na allergic s'ya sa soya milk?" Takang tanong ni mama.

"Hindi po."

"Tsk. Kausapin mo si Ion. Manghingi ka ng sorry, ipaliwanag mo sakan'ya nang maayos na hindi mo alam na hindi puwede sakan'ya ang Soya milk." Pangangaral n'ya saakin.


Matapos ang pag uusap namin ni mama, hindi na s'ya sumama sa loob ng hospital room. Pagdating ko rin sa loob, lumabas si Mayor na tila ba sinasabi na mag usap kami kami Ion.

Sobrang tahimik sa loob ng hospital room. Para akong tuod na naninigas dahil sa pagka awkward. Baka bigla kasing bumangon si Ion at suntukin ako.

"I'm sorry." Mahinang paunang salita ko. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Shemey, tama ba na ito ang una kong sinabi?!


Hindi s'ya nagsalita. Siguro'y galit s'ya saakin. Pero may dahilan naman s'ya para magalit sakin diba? Nang dahil saakin nandito s'ya sa hospital. Kaya ayos lang na magalit s'ya saakin.

"H-Hindi ko alam na may allergies ka sa soya milk... I just bought the best seller-


"Bakit naman best seller pa ang binili mo saakin?" Takang tanong n'ya na ikinagulat ko.


"Do you think I deserve the best?" Takang tanong n'ya muli.


Nag angat ako nang tingin sakan'ya, His eyes was sparkling na para bang mga bituin. Walang galit sa mata n'ya na ipinagtaka ko. Halos ilang buwan ko ring  hindi nakita ang kumikintab n'yang mga mata.


"Siguro hindi. Hindi ka makasagot." Natatawang sabi n'ya, habang umiiling.



"You deserve the best." Agap ko. Kahit na nahihiya.

"Hmm. eh, if i deserve the best. Do I deserve your forgiveness?"

Napatanga ako dahi sa sinabi n'ya.


Nakita ko ang pigil niyang pagtawa. Tumatawa s'ya? Really? Ako halos mamatay sa takot na baka galit s'ya pero tumatawa s'ya ngayon?


"Noong mga nakaraang linggo, na-realize ko na... Hindi lang saakin umiikot ang mundo. Hindi lang ako ang nahihirapan at nasasaktan." Ang boses ni Ion ngayon ay malungkot. Umayos s'ya ng upo sa kama ma kinahihigaan saka hinarap ako nang may ngiti sa labi. "Sadyang sarado lang ang isip at puso ko para intindihin at tanggapin ang katotohanan."


What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now