GOOD
Hindi ako mapakali. Kanina pa hindi lumalabas ang mga doctor na nag asikaso kay Ion sa E.R.
Shemey, Lord. Please, iligtas n'yo po si Ion.
Ion fainted habang nasa Ice cream shop kami. Buti na lamang, his white Wrangler was there na nakita ko ang susi sa bulsa ng bag n'ya, so Dave and I immediately rushed him to the Hospital Akala ko kung anong nangyayari pero nang makita s'ya ng doctor, pinasugod kaagad s'ya sa E.R.
Nang maisugod namin si Ion sa Hospital, naiwan ako rito mag-isa. Dahil inutusan ko si Dave na magpunta sa munisipyo para sabihin kay Mayor na naisugod sa hospital si Ion. Dahil hindi ko alam kung pano cocontactin si Mayor at sabihin kung anong nangyari.
"Okay na si Ion..." Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang lumabas na ang doctor sa E.R.
"Doc, ano pong nangyari? Bakit po nagkaganon si Ion?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Anong huling kinain n'ya?" Takang tanong sakin ng Doctor.
Muling nag flashback sa isip ko ang nangyari kanina. At ang huli niyang kinain.
"Ice cream po." Tugon ko. Nang maalala ang huli n'yang kinain.
Nakita ko ang pgkunot sa nood ng Doctor."Anong flavor?" Tanong muli ng Doctor.
Inalala ko muna sandali, saka nagsalita na nang maisip. "Soya Milk flavor." Alanganing sabi ko.
"Hindi kaya s'ya aware na allergic s'ya sa Soya?" Takang tanong ng Doctor.
Allergic si Ion sa Soya?
"He's in danger level of allergies. Sobrang rare ng case n'ya at sobrang delikado dahil halos buong immune system n'ya ang na shut down. Buti na lamang at naisugod n'yo kaagad s'ya sa hospital. Kung hindi naagapan... Magluluksa ang buong El Nido." Makahulugang sabi pa ng doctor.
I've almost kill Ion?
No.
Hindi ko sinasadya.
Marami pang sinabi saakin ang Doctor pero wala na akong naintindihan, dahil sa takot at konsensya.
"I'm sorry, Ion." Bulong ko, habang tinitigan s'ya habang walang malay na nkahiga sa hospital bed. Inilipat na s'ya rito, paglabas sa E.R. Halos isang oras na rin s'ya dito pero wala pa s'yang malay. Kilala s'ya ng mga Doctor dahil sakanila rin pala itong hospital kaya sa VIP room s'ya pina in-charge.
"Ion!" Biglang bumukas ang pinto at sumambulat doon si Mayor na may body guards sa likod n'ya. Naka white polo s'ya mukhang nagmamadali siyang nagtungo dito. Dahil sa gulo-gulo n'yang buhok at gusot-gusot na damit. "Farrel." Tawag n'ya saakin nang makita ako.
YOU ARE READING
What's Our Secret Beneath The Island?
RomanceIdris Giddeon 'Ion' Velasquez, He's one of Boys at the back. Everyone loves him, because he's handsome and kind. Mabait siya sa lahat pwera lang sa bakla, he's a big HOMOPH*BIC short to say. No na no sakanya ang mga bading. Like me. Farrel Davis Fer...