13

1.5K 51 1
                                    

Secret Island

Hindi ko alam kung paano tatanggapin sa isip ko ang mga nangyaring iyon.

Si mama ba ang kabit ni mayor na naging dahilan nang pagkamatay ng mommy ni Ion?

Kung nagkataong si mama nga, baka hindi lang ako kamuhian ni Ion sa pagiging bakla, baka isumpa n'ya rin ako dahil ang sarili kong ina ang ka affair ng daddy n'ya.

"Hoy! Ano? Best of three!" Aya ni Ion saakin, habang pareho kaming nakasakay sa jet ski.

"H-Ha?" Gulantang na wika ko. Shit! Wala na naman ako sarili!

Nandito kami ngayon sa dalampasigan at inaya n'ya akong magjetski may parentahan kasi sila ng jetski at gusto n'ya raw maglibang ngayong araw kaya n'yako inaya. Wala 'man ako sa sarili, pero sumama pa'rin ako. Syempre, siya na ang nag aya.

"Paunahan tayo sa dulo ng isla pabalik dito." Aya n'ya, saka tinuro ang kabilang isla. Hindi tanaw dito, tanging mga puno lang.

"Aabot ba ang gas nito?" Tanong ko, saka inalog-alog pa ang jetski.

Tumawa s'ya, "syempre naman. Kahit tatlong balik, makakabalik tayo e." Pagyayabang niya. Ang tawa n'ya parang musika sa tainga ko, sobrang sarap pakinggan.

Tuwing kasama ko s'ya, lutang 'man, pero panandalian kong nakalimutan ang problema. Oo na malandi na'ko. E sa totoo naman.

"Hoy! Nakatulala ka na naman." Si Ion, saka ako winisikan ng tubig dagat sa muka.

"Ang alat!" Reklamo ko, saka tinampisawan rin siya ng tubig saka inunahan ko na siyang paharurutin ang jetskin.

"Ang daya mo!" Habol n'ya, saakin pero mas binilisan ko ang pagpapaandar ng jetski.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho, biglang kumulog ng malakas. Kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho, dahil mukhang uulan.

Tanaw ko naman mula sa likod ko si Ion na maabutan na'ko. "Bilisan natin, uulan!" Sigaw ko, sakanya nang magkapantay na kami.

"Ulan lang 'yan, ako 'to."

Hinarurutan ko s'ya ng jetski, kaya nailamsikan siya ng tubig. "Sorry captain!" Sigaw ko.  Naka ngiti ako habang nagmamaneho, mapa wrangler o jetski ang manehuhin n'ya. Ang gwapo n'ya!

Aish, kainis!

Napawi ang ngiti ko nang may maramdaman akong patak. Iginayad ko ang kamay ko, at umaambon.

Malayo pa ang kabilang dulo ng isla, pero sa gawing kanan may natanaw akong isang maliit na isla.

Binagalan ko ang pagmamaneho para maabutan ako ni Ion. "Kumanan tayo, may mas malapit na isla 'ron. Doon tayo magpatila, delikado na. Lumalakas ang alon." Wika ko.

"Aye! Aye! Captain!" Wika n'ya, saka sumaludo pa. "Hindi ka pang architect, pang seaman ka." Dagdag niya pa.

Umahon nga kami sa dagat, dahil sobrang lakas na nang hampas ng alon, buti nalang bago tuluyang lumakas ang ulan ay naka ahon na kami.

Nandito na kami ngayon sa isang isla, walang kabuhay-buhay. Mukhang hindi masyadong pansinin. Nasa gitna ba naman kasi ng dagat at nasa liblib pang parte. Pareho kaming nababasa dahil umuulan, wala naman kaming masisilungan. Dahil puro puno lang ng niyog rito.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now