04

1.9K 64 10
                                    

Homophobic

Confirmed. May girlfriend s'ya, noong mismong araw na iyon, Isang buwan na silang magkarelasyon. Nanlulumo akong umuwi sa bahay ni lola. Dahil da nalaman ko.

"Hoy, Farrel. Bakit tulala ka?" Nagising ako sa kasalukuyan nang itulak ni ate ang noo ko.

"Ha?" Tanong ko.

Tumabi s'ya saakin at hinawakan ang leeg at noo ko. "Okay kalang? Ilang araw kanang tulala?" Takang tanong n'ya.

"Ate..." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Oh?" Takang tanong n'ya.

Sumubsob ako sa balikat n'ya. "Ate... May girlfriend 'yung crush ko!" At umiyak na nga ang bakla.

"Sino ba yang crush mo?" Takang tanong n'ya.

"Basta, team captain namin s'ya sa volleyball." Umiiyak na sabi ko.

She hugged me, "sis. It's okay, asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya." Pang cocomfort n'ya saakin. Kaya napa irap ako, saka kumalas sa pagkakayakap saknya.

"Ano ako Shubet? No way." Maarteng sabi ko, saka nag flip hair pa, khit naka gupit lalaki ako.

"Tsa! Edi mag dusa ka." Inis 'ring sabi n'ya.

"Farrel para sayo."  Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria nitong school may mga babaeng humarang sakin.

May hawak silang mga boxes, mukhang regalo na naman. Lagi namang ganito sa halos araw-araw, may binibigay silang love letter, gifts at pagkain saakin.

Inabot ko naman iyon, "thank you." Naka ngiting sabi ko. " I have to go, inaatay ako ng teamates ko." Sabi ko, saka tinuro sina Waki na ngayon ay kinakawayan ako.

Ngumiti sila saakin, ako naman ay nagtuloy-tuloy nang nagpunta sa mga teammates ko. "Si Ayin?" Takang tanong ko nang makitang ang tatlo lang ng naroon. Sa team kasi laging nakahalo si Ayin dahil girlfriend nga s'ya ni Ion.

Day by Day, kaming apat. We're getting closer, hindi nila pinaramdam na hindi ako belong sa grupo nila, lalo na si Ion. he's so kind na lalong nagpapa turn on saakin. Mali 'man dahil may girlfriend s'ya, pero hindi ko talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko.

Nirerespeto ko ang relasyon nila, tsaka wala naman akong balak umamin dahil may girlfriend s'ya. Okay na na friendzaru kami.

"Na'ko, don't say bad words." Biglang singit ni Waki. Kaya nagtaka akong nilingon s'ya, habang paupo sa tabi ni Ion."Hiwalay na sila." Bulong n'ya pa, pero narinig naman ni Ion dahil dinuro s'ya nito ng tinidor.

Nagpanggap si Waki na walang sinasabi at kumain nalang.

Para akong nabingi. Ano raw?

That fast? Akala ko one month palang sila?

"Ha? For real? Bakit? One month palang kayo ah?" Kunwaring sunod-sunod na tanong ko kahit saloob-loob tuwang tuwa ako. Single na ang bebeque

"Wala, 'di lang kami swack, tsaka busy iyon pagtatrabaho. S'ya nakipag break, okay lng naman sakin. Naiintindihan ko s'ya." Bored na sabi ni Ion. Tayo kasi ang swack, bebe ko. Sabi ko sa isip.

"Nomi nalang." Aya ni Brent.

"G. Lang, basta libre n'yo." Si Waki.

"Hard pass, ang dami kong readings sa law rules-

"Kill Joy." Putol ni Waki sakan'ya.

"Umiinom kaba?" Bulong ni Ion sa tenga ko, na nagpakilabot saakin. Kahit na umiinom ay napa iling ako. Hind ko alam kung bakit! Shala sa kalandian o kilig ate itetxh.

"Sasama ako pagsumama si Farrel." Biglang sabi ni Ion, saka kinindatan pa'ko. Shems, ang heartbeat ko tumatalon ng bongga.

"S-Sige lang." Wika ko, saka nag iwas ng tingin. wait nga. Teka lang, baka nag b-blush ako, mahalata pa nila na berde ang dugo ko. Napa inom ako sa bottled water ko. Dahil sa kilig sa kindat n'ya. Alam na alam ako kung paano kunin.

Hindi natuloy noong mismong gabing iyon. Kaya noong sumunod na araw kmi natuloy. Dinaanan ako ni Ion sa bahay gamit ang puting wrangler jeep n'ya. I'm wearing, plain white v-neck shirt, saka board shorts lang na black. Ito lang ang sinuot ko, dahil sa bahay lang naman mismo nila Ion kami mag iinuman.

"Gwapo  natin ah." Sambulat n'ya saakin nang makita ako. Nakasilip siya mula sa loob ng wrangler jeep n'ya, naka white din s'ya pero dog tag.

Tumawa ako, "salamat. Mas gwapo ka." Pinaka gwapo ka, sobrang gwapo mo. Top 1 ka sa kagwapuhan, mwa mwa. Papuri ko sakanya pabalik. Kung straight ako normal lang ang ganito, pero dahil hindi. Syempre may pagnanasa ito.

Nakarating kami sa bahay nila, halos malula ako, dahil mas malaki ito sa inaasahan ko. "Ang laki ng bahay n'yo? Buong palawan ba ang nakatira dito?" Tanong ko sakan'ya habang iginagala ang paningin sa buong bahay.

Tumawa s'ya, " maliit lang yan. " Humble na sabi n'ya, "halika na sa taas." Anyaya n'ya, nauuna s'yang maglakad saakin, umakyat kami sa third floor kung nasaan ang rooftop nila. Naabutan namin don, sina Waki at Brent. Inimbita raw nila ang ibang kasama namin sa volleyball, pero nag hard pass dahil second year sila at pang umaga.

Umikot kami sa isang mini table, si Waki ang tanggero. Nakapagitna ako sakanila ni Brent, samantalang si Ion nasa harap ko.

Marami silang pinagkukwentuhan, tungkol sa mga babaeng hindi ko naman kilala. Hanggang sa ibinaling nila saakin ang topic.

"Ikaw ba, Farrel. May girlfriend kaba?" Tanong ni Waki.

Awkward akong ngumiti, "wala." Tipid sagot ko, huy, no 'to kadugo no no na no sa babae.

"Talaga ba? Artistahin ka pa naman." Si Ion, habang iniikot ang yelo sa baso ng alak. Ngumiti lang ako.

"Eh fling, m.u. o crush?" Sunod-sunod na tanong ni Waki.

"Tanong nang tanong, type mo ba si Farrel?" Singit ni Brent.

Nalukot naman ang mukha ni Waki, " 'di ako bakla uy. E kung itiwalag ako ni captain sa grupo." Iling ni waki.

"Gago, malaman ko lang na bading ka.  Sa kangkungan ka pupulutin." Natatawang singit ng Ion sa mga kaibigan.

"Bakit?" Takang tanong ko naman. Gulong-gulo ako sakanila.

"Na'ko, iyang si Captain. Homophonic." Si Brent.

"Homophobic 'yon bobo." Pagtatama naman ni Waki sa kaibigan.

"Talaga." Inis na sabi ni Ion sakanila na ikinagulat ko. Ano homophobic si Ion? "Kadiri kaya mga bakla," dagdag n'ya na naging dahilan nang panlulumo  ko.


Pinandidirihan n'ya ang mga bakla, pag nalaman n'ya na bakla ako. Pandidirihan n'ya 'rin ako...


___

:)

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now