19

1.6K 57 4
                                    

HBD!

"Okay na pala 'tong seaweeds." Panimula ko, habang hinahawakan isa-isa ang pinatuyong seaweeds sa araw.

Hindi naman ako pinansin ni Ion,  bumusangot ako nang inalis ko mula sa bilao ang seaweeds.

"Try it." Naka ngiting sabi ko sakanya.

Kumuha naman s'ya ng isang piraso saka tinikman iyon. Naka ngiti akong inaatay ang sasabihin n'ya.

"Hmm. Pwede na, makakatawid na 'to sa gutom natin." Tipid niyang sabi saka humiga sa duyan at pumikit. Mukhang matutulog s'ya.

In the past few days malamig pa'rin s'ya saakin, pero ayos lang. Alam ko naman na hindi madaling magpatawad. At kaya ko 'rin namang mag tiis, para sakan'ya.

Kung ayaw n'yakong makita, Magtatago ako sa lugar kung saan hinding-hindi n'yako makikita. As long as hindi na madagdagan ang pagkamuhi n'ya saakin.

"Ion..." Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita kong pumasok si Ion dito sa loob ng bahay.

Huminto s'ya sa paglalakad saka, Binalingan n'yako ng tigin.

"Ah..." Nahihiyang sabi ko, habang naka tingin sa ibaba at nilalaro-laro ang mga daliri ko sa kamay.

"Ano?" Tanong n'ya.

"Ahh, kasi..." Alanganing sabi ko.

"Ano nga?" Ang boses n'ya ay bahagyang iritable na.

"B-Birthday ko kasi bukas..." Pahina nang pahina na sabi ko.

Hindi s'ya sumagot kaya nag angat ako ng tingin sakan'ya. Nakita ko na naka kunot ang noo n'ya habang naka tingin saakin.

Mahina akong tumikhim, saka nilunok na ang pride ko. "P-Pwede bang saakin na lang 'yung huling alak na ginawa natin? Sanay kasi ako na nag c-celebrate ng birthday..." Nahihiyang sabi ko.

"You want me to celebrate your birthday?" Sarkistadong sabi n'ya.

Umiling ako, "no. Okay lang, kahit ako lang ang mag celebrate. Gusto ko lang talaga na mag celebrate, para saakin kasi. Sabi kasi ni mama saakin, makalimutan nang i-celebrate ang ibang events, huwag lang ang birthday..."

Tinaasan n'yako ng kilay, saka itinaas ang kamay at tinalikuran ako. "Bahala ka." Tipid na sagot n'ya saka nagtungo ng kusina.

"Salamat!" Pahabol kong pasasalamat sakan'ya.

Gabing maulan. Tanging ilaw lang mula sa ginawa naming sulo ang nagbibigay liwanag sa buong salas.

Hindi ako makatulog.

Iba't ibang pwesto na ang sinubukan ko, pero ayaw pa'rin akong tamaan ng antok.

Shemey naman.

Niyakap ko ang unan saka dinama ang lamig ng paligid dahil sa pag ulan.


'i miss being with my family.'

Masaya kung tutuusin, dahil kasama ko si Ion. Pero nangungulila pa'rin ako sa pamilya ko. I miss Ate's Loud voice, Dawi's Soft voice, Lola's story time.

Bukas, 19 year's old na ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa'ko gano'n ka matured at my age. Nakakagawa pa'ko nang pagkakamali...tulad noong nagawa kong pagkakamali kay Ion.

Siguro ang sitwasyon namin ngayon ang gigising sakin sa katotohanan na, wala talaga kaming pag-asa. Kahit na gustong-gusto ko siya.

What's Our Secret Beneath The Island? Where stories live. Discover now