CHAPTER 01
[MEET THE GANGSTER](A/N: Ang istoryang ito ay hango lamang sa malikot na pag-iisip nang author. May mga pangalan, eksena at lugar na maaaring nabaggit at nagkataon lang na naisama rito. Basahin muli ang WARNING kung plano mo ba talaga ituloy ang pagbabasa nito.)
***
MAXXIMO.
“Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay saking mundo
Sana ay panghabang buhay na ito.”Kumakanta ako habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng hair gel sa buhok. Oo hair gel. Huwag ka ng magtaka dahil wala akong pangbili ng hair wax.
“Hanep Max, saan landi mo? May pakanta-kanta ka pa diyan,” sabi naman sa akin nitong lalaking nagse-cellphone sa gilid ko.
“Diyan lang pre, kikitain ko si Agatha at kakantahin ko ito sa kaniya. Hahaha!”
“Tol, sabi ko sa iyo huwag ka ng umasa. Tignan mo mukhang sugar mommy mo lang iyon, este ikaw pala yung sugar baby.”
“Support na lang. Kita mong nage-effort ako sa tao.”
“Bahala ka. Sinasabi ko na sa iyo tatawanan kita kapag umiyak ka.”
“Salamat sa suporta Ross, napakabuti mo.”
Paalis na sana ako sa kwarto ng bigla akong napatigil sa pagsasalita niya.
“Anong plano mo mamaya? Sasalubungin ba natin birthday mo?”
“Oo tol, tawagin mo yung gang ha. Wala dapat mawawala.”
“Sure. Message mo lang ako pagtapos mo diyan sa sugar mommy mo.”
“Ga**!” Sabay lumabas na ako ng kwarto.
Panay tingin ako sa screen ng cellphone ko. Todo ayos pa ako ng brush up kong buhok at tigas na tigas ito sa gel na ginamit ko. Ganun talaga para pogi tayo.
Inilabas ko mula sa bulsa ko ang maliit na box na naglalaman ng isang gold necklace, galing pa itong saudi. Pinabili ko pero hindi ko pa nababayaran ng buo.
“Sana magustuhan niya ito,” sabi ko sa sarili ko.
Sinusubukan ko siyang tawagan ngunit hindi ito sumasagot. Iniisip ko na lang na busy siya dahil marami itong ginagawa sa club house nila. Magaala-sais na at mukhang naroon na iyon.
“Manong sa tabi lang,” sabi ko mula rito sa kinauupuan ko.
“Tabi lang!” Nilagasan ko na ang boses ko ngunit hindi pa rin ako naririnig nito. Aba puch* ka ha!
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...