CHAPTER 24 [Karma is a Bitch!]

966 142 46
                                    

CHAPTER 24
(Karma is a Bitch)

Dear diary,
Hindi ko akalain na mas malaki pala ang balik kay Erna sa lahat ng ginawa nito sa’kin, kung ako lang ang nasa katauhan ko ng mga oras na iyon siguro ay maaawa ako sa kanya buti na lang at si Maxximo ang nasa katawan ko.

PS; ‘Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa’yo.

-Yuriko.

***


MAXXIMO.

“Kung tanga ang tingin mo kay Yuriko eh ano ka pa?” nakangiting sabi ko sa kanya, hinawakan ko siya sa balikat at napaupo na lang siya sa sahig habang umiiyak.

“It’s your turn bitch!”

Maglalakad na ako papalayo sa kanya dahil tapos na ang misyon ko na paluhain ang isang talunan ngunit nahinto ako sa paglalakad ko nung hinawakan niya ang binti ko.

[slap]
*PAAAAAAAAAAAAAAKKKKK!!!*

Hindi ko inaasahan ‘yung pagsampal niya sa’kin, nanlaki ang mga mata ko at nanatiling nakatingin ako sa kaliwang bahagi ng corridor dahil sa malakas na pagsampal niya.

“Put*ng ina ka!” malutong na pagmura ni Erna habang tumutulo ang kanyang mga luha. Unti-unti akong humarap sa kanya at dinilaan ang dugo na malapit sa aking labi dahil tumama ang relo niya nung sinampal ako.

“Ops there’s more.” Napasilip ako sa labas dahil nagpi-play pa pala ang video, kitang-kita ang pagbuhos nila ng harina kay Yuriko habang umiiyak ito na nakaluhod sa sahig.

“Wait wait, parang may kulang?”

“HAPPY BIRTHDAY LOSER!” sabay ibinuhos naman nila yung inihandang baon sa kanya ni mama.

“HAHAHAHAHA!” masayang halakhak nilang tatlo, napatingin naman ako kay Erna at nginisian ko ito.

“Bakit hindi mo subukan tumawa ng ganon kalakas ngayon?” tinaasan ko siya ng kilay at nginitian para lalo pa siyang maasar.

Hindi pa rin siya nagsasalita bagkus ay nakakuyom pa rin ang mga palad nito habang umiiyak at ang sama ng titig nito sa’kin. Ito yung pinakagusto ko, ang makita siyang umiiyak habang nanggagalaiti sa galit.

“Anong dahilan mo kung bakit mo ginagawa ito kay Yuriko?”

Inalis ko ang ngiti ko dahil gusto ko ng seryosohang usapan ngayon dahil hindi ko pa rin makuha kung bakit niya ito ginagawa sa isang tao na walang kalaban-laban sa kanya.

“Dahil isa siyang basura.” mariin na pagsabi niya sa’kin at halata sa tono ng pananalita niya na ang laki ng galit nito kay Yuriko.

“Noong una gusto ko lang siya kawawain dahil ang pangit niya pero habang katagalan lalong umiinit ulo ko sa kanya—”

“Sa anong dahilan?”

“Dahil wala siyang karapatang sumaya.”

Ipinasok ko naman ang dalwang kamay ko sa bulsa ko at nginitian ko siya ng malademonyo, patuloy pa rin ang pagdagundong ng boses ni Erna sa eskwelahan habang pinapanood nilang lahat ang pangbubully na ginawa nila kay Yuriko. Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya saka ko siya binulungan sa tainga.

“Dahil naiinggit ka sa kanya.”

Inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya pagtapos kong bulungan siya, kita sa reaksyon niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Bumuhos ang luha niya at ako naman ay nanatiling nakangiti sa kanya, oras na para gisingin kita.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon