CHAPTER 20 [Checkmate]

1K 136 72
                                    

CHAPTER 20
(Checkmate)

***

[MASIGRAN HIGH]


ERNA.

Easy peasy lang makapasok dito sa loob ng school, dumaan ako sa likuran para walang makakita. Walang cctv o bantay kapag ganitong oras, binuksan ko naman ang dala-dala kong flashlight dahil madilim na ang paligid. Hindi na ako mahihirapan hanapin kung saan ko siya kukunin dahil ilang beses na namin ito ginagawa dati. Hanggang ngayon pa rin ay naiirita ako sa attitude ni Jebs bakit siya ganyan? Ngayong dalawa na lang kami bigla na lang ako iiwan, naalala ko naman si Pupu at hanggang ngayon ay naiirita ako sa kanya. Hindi ko naman ginawa iyon para ipahiya siya pero nakapagtataka lang kung paano napunta yung video na iyon sa school at pakiramdam ko ay pinagplanuhan ito.

[FACULTY]

[door opens]

Dali-dali akong pumasok sa loob at pumunta na ako sa drawer para hanapin yung folder para sa exam ngayon.

“Baby where are you?” patuloy pa rin ng paghalungkat ko hanggang sa..

“Gotcha!” nakita ko na.

Umupo ako sa lamesa para kopyahin, inilapag ko ang hawak kong flashlight at nagsimula na akong magsulat para makopya ang sagot. Nahinto ako bigla noong may narinig akong papalakad papunta dito.

[footsteps approaching]

Nataranta ako bigla at isinara ko ang drawer, ipinasok ko sa bag yung folder at pinatay ko ang ilaw ng flashlight ko, nagtago ako sa ilalim ng lamesa buti na lang at mahaba ang table cloth nito. Palakas ng palakas ang hakbang papalapit dito faculty, sinilip ko yung pintuan at napamura na lang ako bigla.

“Sh*t!” naiwan ko pala itong bukas, nakalimutan kong isara dahil sa kamamadali ko.

Patay ako nito, patay ako nito.” nangangatog na sabi ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba. Nakakainis! Kung nandito lang si Jebs madali na lang ito.

[door opens]

Bakit nakabukas ito?” pumasok ang isang guard sa loob habang may hawak itong flashlight, binuksan naman niya ang ilaw ng faculty kaya mas lalo akong kinabahan. Naririnig ko ang bawat tunog ng yapak niya habang nag-iikot dito sa loob, sumilip siya sa likuran ng drawer, sa bintana at sa cabinet na parang may hinahanap ito.

Noong wala siyang nadiskubre na kahit ano ay palabas na siya ng faculty kaya nakahinga-hinga ako ng maluwag, pinatay na niya ang ilaw at..

“Sh*t!” inilock niya ang pintuan.

[guard whistling]

“Arouch!” nagmadali akong tumayo kaso bigla akong nauntog sa lamesa, napakamot ako ng ulo ko dahil ang sakit.

Aray + Ouch = Arouch.

Ganyan dapat, kahit nasasaktan tayo may class. Pumunta kagad ako sa pintuan at hinawakan ko ang siradura ngunit nakalock na ito, sumilip ako sa kabilang bintana na matatanaw mo ang pintuan at pagkita ko ay may nakakawit na lock dito, so double lock ang nangyari sa’kin.

“Bwisit talaga! Aaaaargh!” tinadyakan ko ang sahig at ginulo-gulo ko ang buhok ko, paano ako makakalabas nito lint*k talaga! Napatingin naman ako sa bintana at dali-dali akong pumunta doon, sumilip ako at hindi naman ganon kataas kung tatalunin ko.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon