CHAPTER 02
[MEET THE BULLY]Dear diary,
Today nadapa ako sa hallway, buti na lang at walang nakakita sa akin. Pero siyempre joke lang iyon, nakita ako ni Primo na lumagapak ang buong katawan ko sa sahig. Nu’ng una pinagtawanan ako nito ngunit pagtapos niyang tumawa ay lumapit siya sa akin para tulungan akong makabangon.PS; Siya nga pala si Primo, ang puppy love ko. Pero wala akong pinagsasabihan dahil nakakahiya at ang pangit ko. -Yuriko
***
YURIKO.
Nanatiling nakasara ang mga mata ko ngunit rinig na rinig ko ang yapak niya na papalapit sa kwarto ko. Binuksan nito ang pinto at lumapit sa akin. “Kuya, bangon na!” Sigaw niya mula sa pintuan.
Kahit tinatamad pa akong kumilos ay pinilit ko pa rin bumangon para maligo. Umaga na naman at panibagong pagsubok ang tatahakin ko. Actually everyday talaga maraming pagsubok sa buhay ko at malalaman ninyo iyon pagtungtong ko sa school.
“Kain po tayo.” Sabay-sabay naming sinabi.
“Anak oh, breakfast mo.” Si mama na ang nagsandok sa akin nang pagkain. Limang sandok ng kanin, dalawang itlog na nilaga, tatlong tuyo, apat na hotdog at tatlong pritong manok.
“Kain na,” sabi niya sa akin.
Opo, hindi po iyan pangtanghalian o hapunan. Agahan ko lang po iyan.
“Mahal, alis na ako.” Pagpapaalam naman ni papa.
“Ingat po!” Sabay naming banggit ni El.
Siya naman si Ysrael, ang bunso kong kapatid. Grade 3 pa lang ito at sobrang lambing nito sa akin. Para sa kaniya ay isa ako sa mga iniidolo niya, alam mo kung bakit? Palagi matataas ang mga grades ko, may mga award pa ako sa tuwing nakikita niya ang mga projects ko. Tuwang-tuwa siyang tumulong dahil sabi niya sa akin, balang araw ay gusto niya akong maging katulad. Masaya ako dahil kahit wala akong kaibigan narito naman ang pamilya ko para suportahan at mahalin ako.
“Yuri, anak.” Napalingon ako kay mama sa pagtawag niya sa akin. “Happy birthday.” Masayang bati niya at may inabot siyang bento box sa akin. “Sorry anak at iyan lang ang nakayanan ni Mama.”
Ngumiti ako sa kaniya dahil hindi ko akalain na paghahandaan niya ako sa mismong kaarawan ko. “Thank you, Ma.” Pasasalamat ko sa kaniya.
Matagal na akong hindi nagkakapaghanda tuwing birthday ko. Hindi naman kami mayaman. House wife lang si mama at si papa naman ay nagtatrabaho sa city hall bilang isang janitor.
“I love you, Anak.”
“Love you, Ma.”
Half japanese si Mama Yumi. Nagkakilala sila ni Papa Nando rito sa Masigran na kung saan ay dito na kami namuhay. Turista si Mama noon nung nagkakilala sila ni Papa at ayon, hanggang sa nagkapalagayan silang dalawa at nagmahalan na rito. Pangako naman ni Papa na balang araw ay lilipat kami sa manila kaso hindi pa rin matuloy-tuloy ito. Bukod sa malayo, wala pa kaming sapat na pera paluwas dito sa probinsya.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...