CHAPTER 40
(Back To Reality)***
MAXXIMO.
“Ross patulong naman kay Max ayusin ang gamit n’ya.” Utos naman ni papa kay Ross habang nag-aayos pa ito ng gamit n’ya.
“Pa hindi na, hindi naman ako baldado. Pre okay lang gawin mo na ‘yan.” Pagtatanggi ko sa pagbibigay tulong sa’kin ni Ross.
“Sure ka pre ha? Baka mamaya n’yan..”
“Para kang timang. Kaya ko nang manapak ulit ‘wag mo kong artehan.” Natatawang sabi ko sa kanya.
[chuckled softly]
“Nako may sanib na.” sabi n’ya at natatawa na lang din si papa sa sinabi ni Ross. Nauna nang lumabas si papa sa kwarto para makapunta na sa sasakyan at naiwan naman kami ni Ross.“Pre may mga katanungan ako sa’yo.” sabi ko.
“Seryoso Max sa’kin talaga?” Itinuro naman n’ya ang sarili n’ya.
“Oo kasi nakita kita sa panaginip ko.”
“Panaginip mo? Hmm, sa sasakyan na lang natin pagkwentuhan ‘yan tara na.”
Dala-dala naman ni Ross ang ilang gamit at lumabas na sa kwarto na ito. Pinagmasdan ko muna ng mabuti ang silid at hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.
“Nanaginip nga ba ako?” tanong ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng kwarto at isinara ang pinto. Nakita ko ang pangalan ko sa gilid ng pintuan at binasa ko ito.
“Room 548. Patient Name: Maxximo C. Montemayor.”
Nahinto ako saglit at hindi ko alam sa sarili ko na parang may pumipigil na ‘wag muna akong umalis dito. Napatingin naman ako sa relo ko.
“4:47 P.M”
Akala ko hindi na ito gagana. Napangiti na lang ako bigla at napalingon naman ako sa pagtawag sa’kin ni Ross di kalayuan.
“Pre tara na!” sabi n’ya. Tumango lang ako at ngumiti. Tuluyan ko ng isinara ang pintuan at naglakad papalayo sa kwarto na iyon.
Nakita naman namin si papa na nag-aabang habang nakatayo sa likuran ng sasakyan. Lumapit naman ito samin at kinuha ang ilang bitbit na dala ni Ross. Napangiti naman ako dahil alam kong ayos na s’ya. Inilagay naman ang ilang gamit sa likuran ng sasakyan at sa backseat kami magkatabi ni Ross. Bumyahe na kami ng ilang oras at habang nasa kalagitnaan kami ng traffic dahil isang oras na kami nasa byahe kaya rush hour na. Bigla namang nagtanong si Ross sa’kin.
“Pre ano nga ulit ‘yung tungkol mo sa napanaginipan mo?” tanong n’ya sa’kin.
“Ross may favor ako.”
“Ano?”
“Sa bahay ka muna umuwi, madami pa akong ikukwento sa’yo.”
“Hmm, pwede naman pero paheramin mo ako ng damit mo at wala na kong susuotin.”
“Sus parang yun lang.”
“Tito ayos lang ba na doon muna ako? Makabawi man lang kay Max.” Pagpapaalam ni Ross kay papa habang nakatingin ito sa front mirror ng sasakyan.
“Walang problema.” sagot ni papa habang nakangiti ito. Umusad naman ang traffic kaya nakaandar na din kami. Habang nakatulala ako ay may bigla namang pumasok sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...