CHAPTER 39
(The Hidden Message)(A/N: Before you read this chapter please download or listen MAGKAIBANG MUNDO BY: KATRINA VELARDE when It comes to MAXXIMO’S POV.)
CLIMAX II
***
MAXXIMO.
Nahinto ako bigla sa pagbibisikleta ko. May nakasalubong akong mga grupo ng kabataan, mga nasa edad siguro sila ng nine years old at nakabihis pa itong mga to na mukhang papunta sa dalampasigan para makisama sa gagawing event. Hinarangan ko sila at kinumbinsi na umalis na.
“Wag kayong pupunta sa event. Umalis na kayo! Magugunaw ang Masigran ngayon at maraming mamamatay, sabihin ninyo sa magulang ninyo na umalis sa lugar na ito.”
Nantataka naman silang lima sa sinabi ko at hindi makapaniwala.
“Anong pinagsasabi n’ya?”
“Nababaliw na yata s’ya?”
Napakuyom naman ang dalwang palad ko dahil hindi sila naniniwala sa’kin.
“Maraming mamamatay pagkatapos ng Eclipse kaya umalis na kayong lahat.”
Nilagpasan nilla ako at patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Lumapit ako at pinigilan muli sila.
“Baliw na talaga yon.”
“Oo nga e nakakatakot.”
“Kung ano-ano pa pinagsasabi.”
“Nakakakilabot.”
“Tumigil kayo!! Iligtas n’yo ang buhay n’yo at umalis na kayo dito hanggat maaga pa dahil—”
Umalis muli sila sa harapan ko at hindi ako pinakinggan. Ang hirap ng ganito at walang naniniwala sa’yo. Kaya maski si Mayor hindi ko nakuha ang tiwala nito. Wala na kong oras para makipagkulitan at kumbinsihin sila. Dali-dali na kong bumalik papunta kila Primo at Leona.
“GUYS!”
Napalingon naman silang dalawa sa’kin at nakita ko na nakapwesto’t nakaayos na ang mga paputok. Lumapit ako para masimulan na.
“Okay na ba?” tanong ko.
“Handa na kami Master.” [both]
Napatingin naman ako sa mga taong unti-unti ng dumadagsa papunta dito. Kailangan na namin silang pigilan at makaalis sa lugar na ito.
“Leona, Primo. Pumunta kayo sa bungad at ituro ninyo sa kanila ang labasan. Sila Erna at Pupu na ang bahala para papuntahin sila sa eskwelahan.”
[intense music plays]
“At ako na ang bahala magpasabog nito.” dagdag ko. Nagtinginan muna sila at tumango.
“Copy!” sabay pa nilang sinabi.
Lumayo na sila sa pwesto ko ngunit huminto si Primo kaya napalingon ako.
“Master!” Tumingin lang ako sa kanya at may inihagis s’ya sa harapan ko.
“Hindi tayo matitinga sa paputok lang. Ang kailangan natin pasabugin ang lugar.”
Nanlaki naman ang mata ko sa hawak ko. Isang granada. Saan n’ya nakuha ito?!
“Master mag-iingat ka.” Nakangiting sabi sa’kin ni Leona.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
خيال (فانتازيا)(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...