CHAPTER 41
(SWITCH)(A/N: Before you read this chapter please download or listen A THOUSAND YEARS BY: CHRISTINA PERRI when It comes to MAXXIMO’S POV.)
FINAL CHAPTER
***
MAXXIMO.
“Ys-ra-el?” Isa-isa kong binanggit ang pangalan n’ya ngunit hindi ako mapalagay noong sinabi ni papa ang pangalan ng lolo ko.
“Ano apo natatandaan mo na ba ako?”
Unti-unti namuo ang luha ko at pumatak ito na ikinagulat nila papa at lolo. Hindi, hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang nangyayari sa’kin. Ano ito? Para saan ang luha ko na ito?
“Apo ayos ka lang?”
“Anak ano nangyayari sa’yo?”
“E-excuse lang po.”
Tumayo ako sa kinauupuan ko at umalis ako para pumuntang banyo. Doon ko inilabas ang nararamdaman ko habang nakaharap sa salamin.
“Max anong nangyayari sa’yo? Bakit ganito kabigat ang nararamdaman mo?!”
Hinampas ko ang pader habang patuloy na umaagos ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko, hindi ko alam para saan ang luha na ito. T*ng ina nababaliw na ba ako?! Ngayon na lang kami nagkita ni lolo pero ganito pa ang nireaksyon ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako ng mahimasmasan kahit papano, muli akong humarap sa salamin at tinitigan ko ng mabuti ang itsura ko.
“Ako nga ba talaga ‘yung nasa panaginip ko o ibang tao?” tanong ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng banyo at bumalik sa pwesto kanina. Kita sa kanilang dalawa ang pag-aalala sa’kin.
“Ayos na po ako.” Ngumiti ako ng pilit sa kanila.
“S-sige apo kumain na muna tayo.”
Tahimik lang ako kumakain habang sila ay nagkukwentuhan. Parang may bumabagabag talaga sa isipan ko ngunit hindi ko alam kung ano? Natititigan ko na lang ang pagkain ko habang hawak ko ang kutsara at hindi ginagalaw ito, bumalik naman ako sa ulirat noong hinawakan ni papa ang balikat ko.
“Anak ayos ka lang?”
“Hmm, hmm.” Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Nagtinginan pa silang dalawa ni lolo at nagtataka ito. Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito ang pinapakita kong attitude sa kanila, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko at pakiramdam ko ay may hinahanap ako na bagay o tao. Lumipas na ang ilang sandali ay natapos na rin kami kumain. Nanatili lang akong tahimik at kung hindi mo pa ako kakausapin hindi ako magsasalita. Pumasok sa loob si lolo at naiwan naman kaming dalawa ni papa dito.
“Maxximo ano ba nangyayari sa’yo?” may pagka-inis na tono na tanong ni papa sa’kin.
“H-hindi ko rin alam pa.”
“May masakit ba sa’yo? Sabihin mo lang kung ano ang problema at nag-aalala ang lolo mo sa’yo.”
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasi(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...