CHAPTER 12 [Who Are You?]

1.1K 149 76
                                    

CHAPTER 12
(Who Are You?)


Dear diary,
Tama ba ang naging desisyon ko? Pinangunahan din kasi ako ng takot pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na rin akong iisipin pa.

PS; Tunay na kaibigan sila.

-Yuriko

***


MAXXIMO.

Sinalubong ako ng mga kaibigan ko at sobrang saya nila nung nakita nila akong may suot-suot na korona at may malaking bouquet akong dala, hindi ko sila maintindihan dahil sa sabay-sabay sila sa pagsasalita nila, iilan lang ang naintindihan ko at ito yung congrats at ang galing mo.

Napansin ko naman si papa na nakatayo lang sa may likuran, iniwan ko silang lahat muna at lumapit ako sa kanya.

“Nanalo ako.” sinabi ko ito sa kanya ngunit walang bakas ng ngiti sa aking labi.

Hinawakan niya ako sa balikat ko at hindi niya nilulubayan ang mga tingin niya sa’kin, tinapik niya ang balikat ko ng tatlong beses at nagsimula na itong maglakad papalayo.

“Hindi mo lang ba ako iko-congratulate?” sigaw ko sa kanya.

Huminto siya sa paglakad niya, bahagya siyang lumingon sa’kin ng hindi iniikot ang katawan niya para humarap, natahimik siya bigla at naghihintay lang ako kung babatiin niya ako sa pagkapanalo ko.

“Ako nga ay hindi mo naisipang kamustahin.”

Iyon lang ang huli niyang sinabi sa’kin at nawala na lang siya muli sa paningin ko, hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating sa’kin at kung bakit talaga siya nandito, kung ano man iyon, malaki na siya bahala na siya sa buhay niya gaya ko na hinayaan lang din niya.

Bumalik ako sa mga kaibigan ko at pumunta kami sa headquarters ng gang, kasama itong tatlong babae na ito samin, doon kami nagsalo-salo at nagsaya, buong gabi kami nag-iingay at nagsecelebrate sa pagkapanalo ko.

Lumapit ako sa tabi ni Ross na nakaupo lang at may hawak-hawak na isang bote ng red horse, napatingin naman ito sa’kin pero walang nabubuong reaksyon sa mukha niya.

“Anong drama mo dyan?” pagtatanong ko.

Umismid ito bilang sagot sa’kin at napailing na lang ito, binatukan ko siya bilang ganti dahil hindi ako sinuportahan nito.

“Wala kang parte at hindi mo ko sinuportahan p*kyu ka.” pabirong sabi ko sa kanya.

“Kung hindi kita sinuportahan edi sana hindi mo ako makikita dito.” natatawang sagot niya sa’kin.

“Bat ganyan itsura mo? May hindi ka ba sinasabi sa’kin?”

“Anong meron sa itsura ko bukod sa pogi ako.”

Natatawa at umiling-iling na lang ako dahil alam kong naglolokohan na kami.

“Pre may payo ako sa’yo.”

At nagsimula na kaming magseryoso ng usapan habang yung iba naman ay nagkakasiyahan.

Hinatak ko siya papalabas ng headquarters at tumambay kami sa tapat ng pinto nito, nagsindi ako ng isang sigarilyo at inalok ko naman ito.

“Pampakalma ng mood.” sabi ko at tinanguan ko siya.

Kinuha naman niya yung inalok kong sigarilyo sa kanya at nagsimula niya na itong sindihan, nung naibuga na niya ang unang hithit niya ay sumandal ito sa pader at ako naman ay nakaupo sa sahig.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon