CHAPTER 35 [FORTY FOUR]

865 123 51
                                    

CHAPTER 35
(FORTY FOUR)


***


MAXXIMO.

Yuriko!”

Bigla akong napabangon sa kinauupuan ko. Napatingin naman sa’kin sila ate at tita dahil sa nireaksyon ko.

“Max ayos ka lang?” tanong ni ate Marra. Hindi ako sumagot bagkus ay napalingon ako kay papa.

Nananaginip ka ba?” Natatawang sabi niya sa’kin. Namuo naman ang mga luha ko at dali-dali ko siyang niyakap.

“PAPA KO!!!” Niyakap naman din niya ako habang tumatawa ito.

Bakit naman umiiyak eh ang laki-laki mo na?” Pagbibiro niya sa’kin.

Syempre nag-alala ako sa’yo.” Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ko ang mga luha ko.

Ayos na ako. Pasensya na at pinag-alala ka ng papa mo.” sabi niya sa’kin at hinaplos niya nag ulo ko. Ngumiti lang ako sa kanya sabay tumango ako.

Kamusta? Nagkita ba kayo?” Bigla akong nahinto sa sinabi niya. Napalingon ako sa wall clock ng kwarto at alas-otso imedya na ng gabi.

“Papa si Yuriko.”

Pasaway ka talagang bata ka, sige na at puntahan mo na doon.”

Hindi maintindihan nila ate at tita ang pinag-uusapan namin ni papa. Kinuha ko ang sumbrero ko na nakapatong sa upuan at tumakbo ako papalabas ng pintuan. Huminto ako saglit at bumalik sa kwarto.

“Papa babalik ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya at tinangunan niya ako.

Nagmadali na akong tumakbo papalabas ng ospital. Nagtawag kagad ako ng taxi papunta sa lugar kung saan kami magkikita.

Kuya pwedeng pakibilisan dahil may hinahabol ako.” sabi ko sa driver.

Nagmadali naman ito gaya ng utos ko sa kanya ngunit sa pagdating ko ay wala akong nakitang ni anino ni Yuriko. Na-guilty ako sa sarili ko dahil nakaligtaan ko ang oras dahil sa pag-aalala ko kay papa. Hinintay ko siya hanggang sa mag alas-dose na ng madaling araw. Sumuko na rin ako at ako na bahala magpaliwanag sa kanya kinabukasan. Bumalik ako sa ospital at sabi sa’kin ni papa ay magpahinga na ako sa bahay dahil sila tita na daw ang bahala na sa kanya. Sinunod ko naman ang sinabi niya sa’kin at nagsimula na akong matulog para sa pagbalik ko sa katawan ni Yuriko ay magawa kong magpaliwanag sa kanya.

Kinabukasan noong mga panahon na dapat magkikita kami ni Yuriko ay lumipas ang isang linggo at hindi na kami nagkapalitan pa. Hindi ko alam kung ano nangyari o paano ito nangyari na huminto ang pagpapalitan namin ng kaluluwa. Si papa ay maayos na ang kalagayan niya simula noong na ospital siya. Nangako ako sa kanya na tutuparin ko ang pangako ko na magkikita kami ni Yuriko at pipiliin ko na maging masaya. Sa isang linggo na hindi namin pagpapalitan ay nag-alala rin ako sa kanya dahil wala na akong balita kaya nakapagdesisyon ako na pupuntang Masigran para makita siya.

“I’m ready!” Napalingon naman ako sa likuran ko at pagkita ko ay si Ross na kasama si Jobert.

“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ko sa kanila.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon