CHAPTER 31 [Sunset Dream]

866 126 45
                                    

CHAPTER 31
(Sunset Dream)


(A/N: Before you read this chapter please download or listen TEKA LANG BY: EMMAN when It comes to MAXXIMO’S POV.)

***

[HOSPITAL]

ERNA.

Dali-dali nila dinala si Yuriko sa Operation Room at naiwan kami dito sa labas. Nakaupo lang kami habang naghihintay sa ireresulta ng doktor.

Yuriko!!”

Napalingon naman kami at pagkita ko ay sila Primo at Leona na papalapit samin.

Tita nasan na po siya? Ano na po ang lagay ng kaibigan namin?” Nag-aalalang tanong ni Leona na halos maluha-luha na ito.

“Nasa Operation Room siya ngayon at—”

[punch]
*BOOOOOOGGGSSSSHHH!*

Nagulat na lang ako at sinalubong ako ng suntok ni Primo, napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ko ang mukha ko.

“Primo!!!”

Kasalanan mo kung bakit napahamak ang kaibigan namin! Kasalanan mo ‘to!!!”

Dinuro-duro niya ako habang sinisigawan, bumuhos na naman ang mga luha ko at wala akong magawa kundi mag-iiyak na lang. Inawat siya ng papa ni Yuriko dahil may plano na naman itong saktan ako.

“Napakahayop mo Erna. T*NG INA KA!!” Sigaw niya sa sobrang galit sa’kin, lumapit sa’kin ang mama ni Yuri at inalalayan ako patayo.

“Primo tama na walang magbabago kung mag-aaway lang kayo.” - Yumi.

“Anak, Primo. Alam kong nag-aalala ka para kay Yuriko pero ‘wag sana kayo magsaktanang dalawa dahil nakakasigurado ako na kapag nakita kayo ng anak ko ay malulungkot ito.” - Fernando.

“Pagdasal na lang natin siya na maging maayos ang kalagayan niya ha?” - Yumi.

“Prims tama na.” - Leona.

Huminahon na si Primo at pinaupo na nila ito. Katabi ko ang mama niya habang hinihimas ang magkabilang braso ko.

“Maraming salamat dahil tinulungan mong iligtas ang anak ko.”

Hindi ko alam pero biglang bumuhos ang luha ko. Napayakap na lang ako sa kanya at wala akong masabi kundi mag-iiyak na lang, hinaplos-haplos niya ang likuran ko habang umiiyak ako sa balikat nito.

“Kuya Ernesto thank you.”

Lumapit sa’kin si El at niyakap din ako. Para na akong nababaliw kakaiyak dahil may mga tao nang naniniwala sa’kin at pinasasalamatan ako. Napayakap na lang bigla ako kay El at hinalikan ko ito sa ulo.

“Kuya wag mo po siyang awayin.” Lumapit ito kay Primo habang umiiyak ito.

“Iniligtas niya po ako, binuwis niya ang buhay niya para sa kaligtasan ko. Mabait po siya kaya wag ninyo siyang saktan.”

Sa sinabi ni El lalong bumuhos ang luha ko, hindi ko akalain na may isang tao na bibigyan ako ng halaga dahil sa kabutihang ginawa ko sa kanila. Ngayon ay unti-unti kong na rerealize na ang sama-sama ko talagang tao dahil ngayon ko lang nakita na nakagawa ako ng mabuti sa ibang tao. Sana bigyan pa ko ng chance ni lord na makabawi ako kay Yuriko. Gusto kong baguhin lahat ng mali ko, gusto kong makabawi sa kanya at nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon