CHAPTER 30 [Sayonara]

809 116 25
                                    

CHAPTER 30
(Sayonara)


***

ERNA.

Nakayakap pa rin ako kay mama habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko. Kasalanan ko ito, kasalanan ko lahat ng ito at pinagsisisihan ko na lahat ang nangyayari ngayon. Iniisip ko na lang ang kapakanan ni Yuriko at makawala sa bangungot na ito.

“I’m sorry ma.”

“Sorry din anak.”

Nanibago naman ako sa tono ng pananalita niya at parang kakaiba ito. Nanlaki naman ang mata ko ‘nung unti-unti niyang iniangat ang baril at itinutok niya ito kay Yuriko.

“Sorry dahil papatayin ko pa rin siya.”

“MAMA HINDI!!!”

[gun shot]
*BAAAAAAAAAAANGGGGG!!!*

[slowmo]
Napalingon ako kay Yuriko at lalong bumuhos ang luha ko. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong paligid.

“YURIKOOOO!!!”

Dahan-dahang bumagsak ang katawan nito at nawalan ng malay.

“HINDI!!!” Sigaw ko ng ubod ng lakas.

“Yuriko, Yuriko!!”

Dali-dali akong lumapit sa kanya, umaagos ang dugo sa bandang dibdib niya at nawalan ito ng malay. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakapatong sa dalawang hita ko ang katawan ni Yuriko.

“Yuriko gising Yuriko!” Tinatapik ko ang pisngi nito ngunit hindi siya dumidilat, patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan at napatingin ako kay mama na nakatulala.

“TULONG!! TULUNGAN NINYO KAMI!!!”

Malakas na pagsigaw ko habang nababaliw na ako kakaiyak. Napatingin muli ako sa itsura ni Yuriko kaya mas lalong bumuhos ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko. May narinig akong paparating at pagkita ko ang mga pulis ito.

“Ibaba mo ‘yang baril, ibaba mo ‘yang baril!!” Sinunod naman ni mama ang utos ng pulis habang nakatutok ang baril nito sa kanya.

“Kamay sa likuran ng ulo!” Sinunod naman niya ito at pinosasan siya sa kamay niya. Lumapit ang isang pulis samin at nagtawag ng tulong para samin.

***

Bumalik kami sa bahay at makikita mo na sobrang daming tao at sasakyan doon. Nagliliwanagan ang asul at pulang ilaw na galing sa sasakyan ng mga pulis. Nakita ko si El na patakbo sa’kin at hinawakan ako sa damit.

“Nasan na po yung kuya ko?” tanong niya ngunit hindi ko masagot ito. Napalingon siya ‘nung nakita niya ang kuya niya na walang malay at ipinasok ito sa ambulansya.

“Kuya! Kuya ko!!!”

Tumakbo kagad siya papunta sa kuya niya, hinarangan siya ng mga pulis ngunit ayaw magpaawat si El para lang makalapit sa kuya niya.

“KUYA!! KUYA!!!”

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang tinatawag niya ang kuya niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

“Kuya Ernesto puntahan natin ang kuya ko nagmamakaawa po ako sa’yo.”

Pinagdikit niya ang dalwang kamay niya habang nagmamakaawa siya sa’kin. Bakas sa itsura ni El ang pag-aalala nito sa kapatid niya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon