CHAPTER 21
(Best friends Forever)(A/N: Before you read this chapter please download or listen SEE YOU AGAIN BY: WIZ KHALIFA ft. CHARLIE PUTH when It comes to JEBOY’S POV.)
This chapter are talk about FRIENDSHIP.
“kung tunay kang kaibigan pahalagahan mo sila at wag mong iiwan.”***
ERNA.
Lumabas na ako ng banyo at pabalik na ako sa classroom namin, nahinto naman ako bigla sa nadaanan kong classroom at lahat ng estudyante ay nasa unahan katapat ang blackboard. Sinilip ko naman kung ano ito.
“Grabe naman itong nangyayari.”
“Bakit satin sila naghahanap eh hindi naman tayo ganon katigas ang mukha.”
“For sure buong school ang hahalughugin nila.”
“Anong year ba yung nawawala?”
“Sa fourth year iyon.”
“Bat tayo nadamay edi dapat sa fourth year sila magsimula.”
“Bat ka sa’kin nagrereklamo bat di ka kanila?”
“Kakatapos lang yung nangyaring scandal sa fourth year ngayon may panibago na naman.”
“Parang ayoko na tuloy pumasok.”
“Nakakakaba at nakakatakot.”
Nakita ko naman sila na tapos na ang paghahanap nila, pinabalik na nila ang mga estudyante sa kani-kanilang upuan, nagtago naman ako at pumunta ako sa may hagdan. Sumandal ako sa pader nito at pinakinggan ko kung ano ang pinag-uusapan nila.
“After ng lunch break ay maglilibot na tayo sa fourth year.”
“Haynako, hanggang anong oras kaya itong bag inspection na ito?”
“Hanggang makita natin yung hinahanap natin.”
“Hindi ba nila naisip na pwede silang mapatalsik sa school?”
“Walang takot ang gumawa nito.”
Natulala na lang ako bigla at napaupo sa sahig, ang bilis nila kumilos at hindi ko ito inaasahan. Plano ko naman itong ibalik ngunit ang bilis ng pangyayari, bumalik ako sa classroom ng nakatulala. Iniisip ko na hindi ko na maibabalik ito sa faculty at panigurado ay may nagbabantay na doon, sh*t talaga! Napakuyom ako ng palad at hindi ako mapalagay kung ano ang gagawin ko ngayon? Dahan-dahan naman akong napatingin kay Yuriko na nagsusulat sa dulo.
“Humanda ka sa’kin.”
Lumipas na ang oras at hinihintay ko na lang ang pagkakataon para magawa ko ang plano ko, kinausap naman ako ni Jebs kaya napalingon ako.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...