CHAPTER 03 [Switching Places]

1.9K 196 53
                                    

CHAPTER 03
[SWITCHING PLACES]

Dear diary,
Nu'ng isang araw sobrang weird ng panaginip ko. Para akong nasa loob ng panaginip na totoo. Ang hirap i-explain pero nu'ng nanaginip ako, napunta ako sa ibang lugar na hindi ko alam kung nage-exist ba ito.

PS; May nakita akong anaconda sa loob ng boxer short ko. Hindi ko alam kung akin ba iyon o sa ibang tao. -Yuriko

***

YURIKO.

Umunat muna ako at nagkamot ng bay** dahil ito naman madalas kong ginagawa tuwing babangon ako sa umaga.

"Huh?" Pagtataka ko.

Himala at wala akong narinig na paang paparating para gisingin ako sa pagkakatulog ko. Naasan na si El? Routine niya na parati siya ang nagsisilbing alarm clock ko tuwing umaga.

Bumangon na ako at nagsimula nang maligo. Habang nasa loob ako ng banyo napatingin ako sa salamin.

"Back to reality," sabi ko sa sarili ko.

Nu'ng matapos na ako maligo, nagsuot na ako ng uniform at lumabas na ng kwarto.

"Good morning!" Masayang bati ko sa kanila.

Napahinto naman si Mama at El sa pag-aasikaso nila ng pagkain. Nakatingin sila sa akin na may halong pagtataka.

"Good morning 'nak, kain na." Pag-aaya naman ni Mama. Tinignan ko si El pero hindi niya ako pinapansin.

"Morning, El." Bati ko sa kaniya.

"Morning, Kuya." Matamlay niyang bati sa akin.

"May sakit ka ba?" Umiling lang siya bilang sagot.

Ang weird ha? Last night ang weird ng panaginip ko tapos ngayon ang weird naman nila. Ang gulo!

"Kain po tayo!" Masayang pag-aalok ko sa kanila.

Tinignan ko naman yung inihanda sa akin ni Mama. Nagtaka ako kung bakit ang kaunti ng kanin at isang piraso lang ng ulam ang ibinigay nito sa akin.

"Para kay El ba iyan, Ma?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Sa iyo iyan, Anak."

"Sa akin?" Tumango lang si Mama at dumako na siya sa kusina.

Okay ang weird. Sobrang naguguluhan na ako ano nangyayari.

After naman namin kumain ni El sabay na kaming pumasok dalawa.

"Alis na po kami!" Pagpapaalam naming parehas.

Habang naglalakad kaming dalawa hindi ako pinapansin niya. Mukhang may problema yata itong kapatid ko. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit ayaw niya akong tignan sa mata.

"El." Pagtawag ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang sagot. "Okay ka lang? May masakit ba sa iyo?"

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon