CHAPTER 28
(Hide And Seek)
(A/N: Before you read this chapter please download or listen MY WAY BY: FRANK SINATRA when It comes to ANTOINETTE’S POV.)
***
YURIKO.[party sounds playing]
“Yes naman pre!” Salubong sa’kin ni Ed sabay yakap, nagsidatingan na rin ang mga bisita ko at walang kulang sa kanila.
“Second party, ano ‘to twenty one ka na? Hahaha!” Pagbibiro naman ni Ed sa’kin.
“Sixty nine pre baka gusto mo partner pa tayo.” Pagbibiro ko sa kanya sabay binatukan ako.
“Charing lang ‘to naman hahaha!” sabay piece sign sa kanya.
“Ops kayong dalawa bakit sabay kayo?” Paninita ko kila Ross at Jobert.
“Hoy anong tingin mo hindi siya kasama sa Gang?” Magkasalubong na naman ang kilay ni Ross sa paninita ko sa kanila ni Jobert.
“Ang defensive mo naman kagad hahaha!”
“Parang baliw ‘to si Max iniissuehan pa kami ni Ross,” sabi naman ni Jobert.
“Ang cute ninyo kasi, bagay kayo hahaha!”
“Tigil-tigilan mo nga ko Yuri— este Maxximo makakain na nga.” Kinabahan ako at muntikan pa siyang madulas.
“Feel at home.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
Malaki ang bahay nila Max, may swimming pool sa likuran at malawak din ang bakuran. Naghanda kami sa may bakuran para doon na lang kami magpaparty imbes na dito sa loob ng bahay dahil magsisiksikan pa kami dito. Lumapit ako sa tatlong babae na nakaupo sa gilid ng pool habang may iniinom itong red wine.
“Hey girls!” bati ko sa kanilang tatlo.
“Hey Max.” - Maria.
“Bebe boy.” - Agatha.
“Ang gara ng bahay ninyo at ang laki, pwedeng pwede mag churvahan sa bawat sulok, ay bet ko yung cr ninyo pwede na akong matulog don.” - Hailey.
“Puro ka kalandian bakla ka!” - Agatha.
“Kung nandito lang si Zero baka mamaya ginahasa ko na 'yon sa banyo.” - Hailey.
“Asang-asa girl? Tandaan mo sa talong siya babagsak! Palibhasa yung petchay mo lasug-lasog na.” - Maria.
“Hahahahaha lantang petchay!” - Agatha.
“Alam ninyo mga puny*ta kayo! Palibhasa may mga love life.” - Hailey.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...