CHAPTER 08
(It’s Me Bitches!)(A/N: Before you read this chapter please download or listern LET IT BE BY: THE BEATLES when It comes to YURIKO’S POV.)
Dear diary,
Hindi ko akalain na may girlfriend pala itong si Max, pero base sa mga nabasa ko sa notes nya ay ito yata yung recent “ex” girlfriend niya na mahal na mahal niya, sana nakabawi ako sa naging desisyon ko sa’yo kung sakaling mabasa mo ito sa diary ko.PS; Pornstar ba 'yang ex mo?
-Yuriko
***
MAXXIMO.
[phone vibrate]
[rubbing eyes]Ang sakit ng mata ko at hindi ko naman alam kung bakit, napatingin naman ako sa kisame na nasa harapan ko at familiar ako dito. Nakabalik na yata ako sa mismong katawan ko.
Tumagilid ako sa pagkakahiga ko at saktong nakita ko sa tabi ko na ang sarap ng tulog ni Ross, napangiti ako dahil back to reality na ako.
“ARAY!” napasigaw si Ross dahil sinampal ko siya mula sa pagkakatulog niya.
“T*ngna naman Maxximo ang lakas ng tama mo!” inis na sabi niya sa’kin.
“I’m back.” nakangiting sabi ko naman sa kanya.
“Oo alam ko at kitang-kita ko naman na nasa tabi kitang dimunyu ka.” sabay tumalikod ito sa’kin.
Umayos ako muli ng pagkakahiga ko at humarap na naman sa kisame. Maya-maya ay biglang nag-vibrate na naman yung phone ko, kinapa-kapa ko ito sa gilid ng ng higaan ko pero wala, sinubukan ko naman yung nasa ilalim ng kama at saktong doon ko ito nakuha, hindi naman ganon kataas yung higaan namin at mahaba naman ang galamay ko para maabot kagad yung kukunin ko.
“P*TANG INA!” napamura na lang ako bigla dahil sa nabasa ko.
“Ang aga-aga nagmumura kang hayop ka.” paninita naman ni Ross sa’kin.
“Ikaw nga ‘tong unang nagmura satin.”
“Sinong hindi mapapamura at bigla mo akong sinampal, ang sarap-sarap ng tulog kong animal ka.”
“Ross look, dali tignan mo ito!”
Lumapit naman ako sa kanya at pinakita ko yung message na natanggap ko ngayong umaga.
“Ang landi mo.” asar na sabi nito sa’kin.
“Bitter mo, siguro nagkakalabuan na kayo ni Arsi no?” pang-aasar ko naman sa kanya.
Dineadma naman nya ko, tumalikod na ito at bumalik muli sa pagkakatulog niya. Pinagmasdan ko muli yung message na natanggap ko.
from: Agatha Ganda.
Goodmorning baby boy jwu.
8:32amNapakagat na lang ako sa aking labi dahil sa kilig, akalain mo iyon at bigla na lang niya ako tinext.
Goodmorning too
baby girl kong maganda,
kain ka na ah. <3 <3
-MaxximoGusto mo ikaw ang kainin
ko? hihihi. :*
-Agatha Ganda.Mabilaukan ka dito bebe ko
hihihi, miss you.
-MaxximoMiss mo kagad ako eh
magkasama lang tayo kagabi,
kaw ah. hihihi.
-Agatha Ganda.Wait, magkasama kami kagabi? HALA SHEMS! Iniwan ko muna yung phone ko sa higaan at dali-dali akong pumunta sa cabinet ko at saktong may iniwang sulat dito si Yuriko.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...