CHAPTER 17 [Your Dirty Secrets]

1K 147 44
                                    

CHAPTER 17
(Your Dirty Secrets)


Dear diary,
May binuo kaming plano, plano kung paano hatakin pababa si Ernesto. Madaming napagdaanan si Maxximo na hindi inaasahan, kasabwat naman ang dalawa kong kaibigan na sina Leona at Primo, suportado ang dalawa para sa pagbagsak ni Ernesto.

PS; Marami pa kaming pasabog kaya abangan ninyo.

-Yuriko.

***

MAXXIMO.

[phone alarm rings]

Narinig ko naman na tumunog ang alarm ng phone ko, bakit may pag-alarm eh hindi naman ako nag-aalarm. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tila’y inaantok pa talaga ako.

“Max patayin mo na yan,” paninita ni Ross habang nasa tabi ko.

Maxximo!” niyugyog naman ako nito kaya napamulat ako.

“Tsk!” kinapa-kapa ko yung table na nasa tabi ko ngunit wala doon yung phone ko.

[alarm rings continue]

Maaaaax!” may pagkainis na boses ni Ross.

Bumangon na ako dahill nababanas na ako sa kakatunog ng phone ko, sinilip ko ito at natagpuan ko sa sahig, medyo nagloading pa yung utak ko dahil may nabasa akong reminder.

Maxximo!” patuloy pa rin ang pag-alarm at saka ko lang pinatay nung tinawag muli ako ni Ross.

“You have a message.” pagkakabasa ko doon sa reminder, anong ibig sabihin nito?

Napalingon naman ako sa cabinet ko, wala pa ako sa ulirat kaya nahihirapan akong bumangon pero in the end tumayo na rin ako dahil sa pagka-curious ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng cabinet ko bumungad sa’kin ay isang litrato, saka ako natauhan nung nakita ko yung litrato at hindi ako makapaniwala dito.

“Recorder.” pagkabasa ko sa likuran ng litrato.

Napatingin naman ako kay Ross at natutulog muli ito, kinuha ko yung litrato at pumunta ako ng banyo. Naupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ko yung hawak ko.

“Thank you Yuriko.” nakangiting sabi ko.

Makikita mo sa litratong ito ay yung ngiti ng papa ko, ngiti naming pareho na parang wala kaming pinoproblema sa mundo, hindi ko alam pero biglang tumulo yung luha ko kasi. [maxximo crying] ngayon na lang kami muling nagkaron ng litrato kasama ang papa ko, halata sa mga ngiti nito yung saya na nararamdaman niya nung kasama niya ako. Ang sarap sa pakiramdam dahil kahit sa litrato lang ay nakita kong masaya ito.

Binuksan ko naman ang cellphone ko at pumunta naman ako sa voice recorder, may nakita akong isang voice record na pinamagatan niyang Secrets & Truths.mp3 at sinimulan ko na itong pakinggan habang nakatingin ako sa litratong hawak ko.

-- FLASHBACK --


YURIKO.

Nung nagkaroon na ay sumakay na kami at pumasok na sa loob, dahan-dahan lang ang pag-akyat nito bago ka makarating sa pinaka tuktok.

Anak.”

“Pa.”

Tahimik kaming dalawa, hinihintay ko lang yung kasunod niyang sasabihin. Nagulat na lang ako at nagpunas ito ng mata niya.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon