CHAPTER 36
(I’ll Find You)***
MAXXIMO.
“Tara tuloy. Pagpasensyahan na ninyo ang maliit na bahay namin ha? Hindi namin akalain na magkakaron kami ng bisita at hindi pa masyado maayos ang loob.” sabi samin ni Aling Sally habang pinapapasok niya kami sa bahay nila.
“Sige na mga iho ‘wag na kayong mahiya.” Dumiretsyo naman si Mang Alberto papasok sa loob ng bahay nila at hinihintay na lang kami.
Ilang kilometro din ang layo ng bahay nila sa abandonadong lugar ng Masigran. Mag aalas-syete na rin ng gabi kaya dito na kami pinatuloy ng mag-asawa sa bahay nila dahil wala naman pwedeng upahan na kwarto dito para magpalipas. Hindi ganon kalaki ang bahay nila at hindi rin ganon kaliit. Tama lang para sa kanila at sa dalawang anak nilang lalaki. Tumuloy na kami at pumasok sa loob ng bahay, naupo naman kami sa upuan na gawa sa kahoy at inabutan kami ng isang bata ng maiinom.
“Salamat.” Nakangiting sabi ni Jobert sa bata at inabot niya samin ang tig-isang basong tubig.
“S’ya nga pala ang bunso ko, si Nat. At ito naman si Khon, ang panganay ko.” sabi ni Aling Sally na nagsusuot ng apron at mukhang magluluto na ito.
“Feel at home. ‘Wag kayong mahiya.” sabi naman ni Mang Alberto na kakalabas lang ng banyo.
“Oh, kayong dalawa nagawa ninyo ba ang homework n’yo?”
“Opo mama.” sabay pa nilang sinabi.
“O sige na at magluluto na ako ‘dun muna kayo. Tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na.”
Nagsimula naman na magluto si Aling Sally, si Mang Alberto naman ay nanood ng tv kasama sila Jobert at Ross. Ako naman ay lumabas ng bahay, may nakita akong isang malaking bato at doon naupo. Binuksan ko ang phone ko at tinitigan ang notes ko. Paulit-ulit ako sa pag-refresh na baka sakaling mag loading yung sulat sa’kin ni Yuriko ngunit wala talaga. Tinignan ko naman sa trash ng notes ko maski doon ay empty. Gulong gulo ang isipan ko ngayon dahil sa nangyari. Alam ko totoo siya, totoong totoo siya. si Leona, Primo, Erna, Jebs, Pupu, Mang Anton, Mayor Valencio, Misis Valencio, si El, Papa Nando, Mama Yumi at si Yuriko. Lahat sila totoo at naaalala ko ngunit ngayon ni isa sa kanila hindi ko matagpuan. Di kaya tama si Jobert na hindi talaga sila nag e-exist at gawa-gawa lang sila ng isip ko? Pero paano yung pangako ko? Mahal ko na si Yuriko tapos pagdating ko dito malalaman kong lahat sila hindi na nag e-exist sa mundo. Napatingin naman ako sa kalawakan at pinagmasdan ang mga bituin, pumikit ako at iniisip siya, siya nga. S’yang s’ya.
“Max tara na kakain na!” sigaw naman ni Ross mula sa pintuan.
“Ito na!”
Naghanda si Aling Sally ng Sinigang sa Miso kaya ang bango ng amoy nito at natakam kaming lahat. Nakabukas ang tv habang kumakain kami. Sakto ang ibinabalita nito ay ang nangyari sa Masigran. Nagtinginan naman silang lahat sa’kin habang nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon.
“Isang linggo na ang nakalipas ‘noong nagtirik sila ng kandila sa tapat ng syudad ng Masigran. Forty four years ago na ang dumaan simula ng nagkaron ng matinding trahedya sa nasabing lugar. Nagsama-sama ang iilang pamilya at pati na rin ang magkakaibigan sa pagtirik ng kandila para sa mga yumaong mahal nila sa buhay.”
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...