CHAPTER 04 [My Trials]

1.6K 187 26
                                    

CHAPTER 04
[MY TRIALS]

(A/N: Before you read this chapter, please download or listen I HAVE A DREAM BY: ABBA when It comes to MAXXIMO'S POV)

***

MAXXIMO.

Paulit-ulit kong binabasa yung sagot niya sa diary ko este sa diary niya.

Dear Diary,
Dear ka ng dear mukha kang dear, sino ka?!

Dear Sino Ka,
Kung maulit muli ang nangyari, please lang, huwag kang gumawa ng kahit anong kalokohan.

PS; Yuriko Nakahara Canlas.

Totoo ba itong nangyayari sa amin? Hindi ako makapaniwala.

Napatingin naman ako sa teacher na nagdi-discuss sa unahan. Ginulo-gulo ko yung buhok ko at isinubsob ang mukha sa bagong table ko.

“Nababaliw na yata ako,” sabi ko sa sarili ko.

Kinalkal ko naman yung bag para makahanap ng panali ngunit wala akong nakita. Kinalabit ko naman yung babaeng nasa unahan ko para tanungin kung may panali ba ito.

“Pst!” Sabay kalabit sa kaniya kaya't napalingon ito sa akin. “May panali o goma ka?” Mahinang tanong ko sa kaniya. Naghanap siya sa kaniyang gamit at may inabot ito sa aking dilaw na goma. “Thanks.” Pagpapasalamat ko.

Tumunog na ang bell pero bago ako umalis ay itinali ko muna ang aking buhok. Pinagmamasdan ko silang lahat at bakit parang ni isa wala siyang kaibigan. I mean, si Yuriko.

Pumunta ako sa canteen at tumingin ako ng makakain kaso wala namang masarap kainin. Pinagtyagaan ko na lang yung sandwich na binili ko. Habang naglalakad ako dahil ayokong mag-stay sa may canteen, paakyat na sana ako sa classroom ng may maabutan ako na ganitong eksena.

“Sorry. Sorry.” Paghingi ng tawad nung babaeng estudyante sa mga maaangas na lalaki.

“Anong sorry?!” Sabay inihagis nang lalaki yung hawak niyang inumin. “Nadumihan mo ang sapatos ko.” Inis na sabi nito.

“P-pupunasan ko na lang.” Kaagad namang lumuhod yung babae at naglabas ng panyo para punasan ang nadumihan niyang sapatos

“Punasan mo gamit iyang dila mo.” Napahinto naman ang babae sa ginagawa niya.

“P-pero…”

“Ikaw na nga itong nakaperwisyo, ikaw pa may ganang magreklamo?!” Pasindak na sabi nito sa babaeng estudyante.

Bakit may mga ganitong klaseng tao sa mundo? Ano ba tingin nila sa pangbu-bully, biro? Oo, aminado ako na nananakit ako pero sa piling tao, hindi yung naisipan ko lang manakit sa mababaw na dahilan. Naalala ko na naman yung nangyari noon kay Ed, siya na ngayon ang leader sa gang namin.

<FLASHBACK>

Napahinto ako bigla sa paglakad nung may nadaanan ako na nagkukumpulang estudyante sa may bakanteng lote.

“Sorry po. Sorry po.” Paghingi niya ng tawad habang nakaluhod ito sa harapan nang limang lalaki na highschool students.

“Hindi ba sabi ko sa iyo ayoko ng tatanga-tanga!?” Sabay tinadyakan niya ito sa tiyan kaya napapulupot ito sa sakit. “Malboro lights pinabibili ko sa iyo hindi marshmallow!” At tinadyakan niya ito ulit.

“H-hindi nila ako pinagbilhan sa tindahan maski sa convenience store dahil minor pa lang ako.”

“Eh 'di sana gumawa ka ng paraan! Anong silbi ng utak mo?!” Matapang na sabi nito.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon