CHAPTER 13
(Time To Change)Dear diary,
Okay lang na ako yung saktan at pagmalupitan nila pero kapag yung pamilya ko na yung kinanti nila, ibang usapan na. Hindi ko na ito kayang palagpasin pa Erna, tandaan mo. Ibibigay ko sa’yo yung hinahanap mo.PS; Wag mong nilulubos ang taong mabait, dahil kapag ‘yan nagalit, matitikman mo ang kanyang hagupit.
-Yuriko.
***
MAXXIMO.
Kakain na kami ng hapunan at nakahanda na ito, hinihintay na lang namin si papa na makauwi. Katabi ko si El at si mama naman ay hinihahanda na ang makakain namin.
“Naghugas ka na ba ng kamay?” pagtatanong ko naman sa kanya.
“Oo naman kuya.”
“Dapat di ka naghuhugas.”
“Edi madaming germs sa kamay ko kapag di ako naghugas.”
“Alam mo ba sa manila, ang pagkaing masarap sikreto nito ay madumi.”
“Seryoso kuya?”
“Oo, lalo na yung lugaw, ay promise kapag masarap ‘yon tiyak may ginawang magic.”
“Anong klaseng magic.”
“Hindi paghugas ng kamay.”
“Ganon pala iyon.”
“Oo, alam mo ba yung ginagamit nilang paminta don ay mula sa hinilod nilang braso at leeg.”
“Kadiri naman!”
“Kapag pumunta tayong manila papatikman kita ng dirty lugaw. Masarap iyon promise!”
“No thanks.”
“Tapos may paa pa ng ipis.”
“MAMA SI KUY—” bigla niyang tinawag si mama mula sa kusina, buti na lang natakpan ko kagad ang bibig nito.
“Wag kang maingay.”
“B-bakit?”
“Malalaman ni mama yung magic kung paano sumarap ang pagkain, sige ka kapag nalaman niya iyon baka gawin niya sa pagkain natin yon, gusto mo ba yon?”
“A-ayoko.”
“Kaya wag mong sasabihin sa kanya yari ka.”
“Okay kuya.”
Napalingon naman si El dahil bumukas ang pintuan, dali-dali niyang sinalubong si papa ngunit bigla na lang kaming nabulabog nung sumigaw si El samin ni mama.
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...