EPILOGUE

1.8K 192 259
                                    

EPILOGUE
(SWITCH)

(A/N: Ang mga sumusunod na eksena ay bago mangyari ang birthday ni Maxximo. Kung natatandaan ninyo sa Chapter 1 ay sasalubungin nila ang birthday nito at ang mga mababasa ninyo dito ay iba pang eksena na kadugtong ng unang kabanata.)

***

[SEPTEMBER 06. 2020]

ERNA.

"Ang tagal naman ni bakla."

"Kumalma ka muna kasi Jebs! Taeng tae ka na ba?"

"Nako sasapukin ko na talaga 'yon pag nagkita kami."

Nandito kami sa airport habang hinahantay si Pupu. Napalingon naman ako sa orasan at 10:37 P.M na ng gabi. Kahit kailan talaga ang baklang 'yon palagi na lang kami pinaghihintay.

"Natatae na talaga ako sis."

"Seryoso ba Jebs? Lintek ka talaga!"

"Ang bagal naman kasi ni bakla at totoong natatae na ako."

"Sige na, umalis ka na at tumae. Ako na mag-aabang dito sa pitseng bakla na 'yon!"

"Go girl!"

Naglakad na ng ilang hakbang si Jebs at bigla namang lumitaw si Pupu sa di kalayuan. Hatak-hatak nito ang maleta n'ya habang may sunglasses ito sa ulo.

"BAKLA NANDITO NA SI PUPU!!"

"Nasaan?"

Hinatak ko naman si Jebs na nagpipigil ng tae n'ya. Sinalubong namin si Pupu at nagsisigaw pa kaming tatlong bakla.

"MGA BAKLA!!"

"VAKLAH!!!"

Nagyakapan naman kaming tatlo habang nagtatatalon sa tuwa. Huminto din kami at nag beso-beso sa isa't isa.

"Bakla ka pumuti ka!" Papuri ko sa kanya.

"Ganon talaga at naka bingwit ng afam sa canada." Pagmamalaki nito.

"Alam mo ba kanina ka pa namin inaantay dito ni bakla at napakatagal mo!"

"Malay ko bang may traffic sa ere, nakita ko nga don 'yung ex mo na iniwan mo sa ere at kinakamusta ka."

"Ul*l dami mong alam bakla ka!"

"Taray ni baklang Jebs at pumuti, daig mo pa ko ha?"

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon