CHAPTER 25
(It’s My Turn)Dear diary,
Kinabukasan nabasa ko ang magandang balita sa’kin ni Max, wala na si Erna sa school at malaking pasabog ang nangyari kahapon. Sayang walang video para man lang napanood ko kung paano magmakaawa si Erna kay Mayor Valencio pati ang pagsampal sa kanya, sapat na iyan para sa apat na taon kong pagdurusa sa kanya. Masaya na ako dahil tapos na.PS; Punta na kaya ako sa manila?
-Yuriko.
***
ERNA.
“I’m so disappointed Ernesto!” sigaw sa’kin ni papa pagkauwing-pagkauwi namin dito sa bahay after ng nangyari sa school kanina.
“Papa let me explain.” umiiyak ako at nagmamakaawa na pakinggan niya ako ngunit sarado ang isipan niya para makinig.
“Ano pa ang ieexplain mo sa’kin? Kitang kita ko lahat ng ginawa mo at sinira mo ang program kanina!”
Kita mo sa mga mata niya ang pagkamuhi at galit niya sa’kin, namumula na ito kakasigaw at hindi siya mapakalma ng mga tao dito sa loob ng bahay, wala akong magawa kundi mag-iiyak na lang at saluhin lahat ng masasakit na sasabihin niya.
“Kung umamin ka sa’kin na bakla ka matatanggap ko pa pero yung manakit ka ng ibang tao baka hindi na kita matansya!”
“RICARDO ‘WAG!” sigaw ni mama.
Umakma itong pagbubuhatan ako ng kamay ng biglang humarang si mama para yakapin ako at protektahan.
“AKO NA LANG ANG SAKTAN MO WAG ANG ANAK KO!”
Umiiyak si mama habang pinagtatanggol ako nito, hindi ko akalin na ganito ang kahihinatnan lahat ng masamang ginawa ko kay Yuriko.
“Isa ka pa Antoinette!” dinuro naman nito si mama.
“Kinukunsinti mo ‘yang anak mo sa mga mali niya kahit alam mong hindi na tama, nasaan na ang utak mo nasa paa?!”
“Wag mo kong pagsalitaan ng ganyan Ricardo!”
“Anong wag?! Hindi mo ba alam na umabot sa’kin ang ginawa ninyo kay Mang Nando at sa anak niya kaya nasuspinde ito ng dalwang linggo?!”
“Dapat lang sa kanila iyon! Palibhasa mga mahihirap kaya ang papangit ng ugali!”
“NARIRINIG MO BA SARILI MO HA?!”
Nagulat kami ni mama sa pagsigaw ni papa saming dalawa, hindi ako sanay na makita ng ganito si papa. Oo alam kong nagagalit din siya minsan sa mga tauhan niya pero hindi gaya ng ganito, halos hindi namin siya makilala.
“Bakit ang baba ng tingin mo sa mahihirap? Gusto mo bang ipaalala ko sa’yo na isa ka ring mahirap dati at umangat ka lang dahil napangasawa mo ako?!”
Napatingin naman ako sa mga katulong na nakikiusyoso samin, nagulat sila sa sinabi ni papa at natahimik lang si mama.
“IPAPAALALA KO SA’YO!” dinuro-duro pa niya si mama dahil sa sobrang galit niya.
“Pinalaki ka ng magulang mo sa hirap, nag-iisa ka nilang anak kaya lahat ng gusto mo ay ibinibigay nila. Halos wala na kayong makain diba at kulang na lang ay manglimos kayo sa daan para lang may makain kayo?!”
BINABASA MO ANG
SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]
Fantasy(BoyxBoy) (Boys Love Story) (BL Story) Isa ka rin ba sa nakaranas ng pangbubully? Gustuhin mo man gumanti ngunit hindi mo magawa. Humiling ka isang beses na maging matapang na tao ngunit nagising ka na lang sa katawan nang ibang tao na hindi mo kila...