CHAPTER 38 [Behind My Dreams]

855 114 30
                                    

CHAPTER 38
(Behind My Dreams)


CLIMAX


***

MAXXIMO.

[inhale deeply]

“YURIKO!!”

Napabangon na lang ako bigla at pagkita ko ay wala na sa harapan ko si Yuriko. Nagsimula na naman mamuo ang mga luha ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ko ang sudyad ng Masigran.

“Maraming salamat at nailigtas ko ang taong mahal ko.”

Kinuha ko na ang bisikleta para bumalik kung nasaan sila. Nakabalik ako mismo sa katauhan ko. Sa pamamagitan ng Saishū Yume nakipagpalitan ako ng kapalaran kay Yuriko. Alam ko kahihitnan niya kapag nanatili pa siya sa mundong ito, sa pamamagitan ng tulay na kung saan kami nakatapak dalawa ay isa sa amin ang maiiwan sa kasalukuyan at babalik sa nakaraan. Noong nasa katawan n’ya ako ay nakatapak ako sa kanang bahagi ng tulay na kung saan ay doon ang Buhay at nakatapak naman siya gamit ang katawan ko sa kaliwang bahagi na ito ay ang Kamatayan. Sa pamamagitan ng Bukhang Liwayway ay bumalik kami sa sarili naming katawan ngunit noong lumabo ang mundo ay bumalik ako sa nakaraan. Ito ang gusto ko, ang mailigtas ang buhay ng taong mahal ko.

Yuriko patawarin mo ako, patawarin mo ako at iniwan pa rin kita dahil kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan mo. Wala na akong pakealam kung mamamatay ako pero ang gusto ko lang ay deserve mong mamuhay ng matagal. Deserve mong sumaya mahal ko, lahat gagawin ko para sa’yo dahil utang ko ang buhay ko sa'yo. Hindi ko akalain sa pamamagitan ng pagpapalitan natin ng katawan ay matututunan kong magpatawad, mahalin ang sarili, maging mabuting tao at sumaya. Ikaw ang kaligayahan ko kaya ingatan mo ang sarili mo. Alam kong hindi mo na ito maririnig pero gusto ko lang malaman mo na importante ka sa buhay ko at mahal na mahal kita Yuriko.

Nakarating na ako sa venue hinahanap ko sila Leona at Primo. Napatingin naman ako sa relo ko laking pagtataka ko ay huminto ang orasan ko. Alam kong gumagana pa ito pero bakit hindi na tumatakbo ang mga kamay nito? Nag-aayos na ang karamihan ngunit hindi ko pa rin sila makita. Anong oras na ba? Dumadagsa na ang ilang tao kahit hindi pa natatapos ang pagse-set up nila. Hindi pwedeng tumunganga lang ako at bumyahe ako papuntang City Hall. Nagkasalubong kami nila Leona at Primo ngunit nilagpasan nila ako.

“PRIMO!! LEONA!!” sigaw ko kaya napahinto sila at napalingon sa’kin. Bumaba ako sa bisikleta at lumapit sa kanila.

“Sino ka?” tanong ni Leona sa’kin.

“Ako ‘to, si Master.”

“HA?!” sabay pa nilang sabi sa gulat.

“T-teka, paano nangyari?” - Primo.

“Paano kami nakakasigurado na ikaw si Master? Sino ka ba talaga? Wala na kaming oras dahil—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Leona.

“Ako ang kapalitan ng kaluluwa ni Yuriko noon. Magka-klase tayo at ikaw Leona ang nasa unahan ko. Primo, ikaw naman ang palaging nasa tabi ni Yuriko. 4-B ang section natin at Tatlong Tae ang tawag ko sa Mean Beks. Kaen Tae kapag nag-aaya akong kumain. Magkakasama tayo sa paggawa ng krimen at importante kayo sa buhay ko kaya maniwala kayo sa’kin.” Mabilis na pagpapaliwanag ko sa kanila at hindi sila makapaniwala dahil nasa harapan nila ako.

“MASTER!!!” sabay pa nilang sinabi at niyakap ako. Niyakap ko rin sila ng mahigpit pero kumawala din ako.

“N-nasan na si Yuriko?” - Primo.

“Oo nga at paano ka napadpad dito?” - Leona.

“Ginawa ko ang ritwal na Saishū Yume. Nakipagpalitan ako ng kapalaran kay Yuriko dahil gusto ko pa siya mabuhay sa mundo. Ngayon ay naiwan siya sa oras at mundo ko, ako naman ay naiwan sa nakaraan at sa mundo niya.”

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon