CHAPTER 33 [Let's Meet]

892 117 14
                                    

CHAPTER 33
(Let’s Meet)


Dear diary,
Pupunta ako ngayon sa Manila. Gaya ng napag-usapan namin ni Max ay magkikita kami pagbalik namin sa mga katauhan namin. Max ito na at magkikita na tayo at may gusto rin akong ipagtapat sa’yo.

PS; Solar Eclipse today. Aagahan ko din ang uwi para makabalik sa Masigran.

-Yuriko.

***

YURIKO.

[birds chirping]

Umaga na at simula ng panibagong buhay. Nakabalik na kami sa kanya-kanyang katawan namin at ngayon ay magkikita kami ni Maxximo.

“Good morning kuya.” Bati sa’kin ni El. Nginitian ko lang siya at ginulo ko ang buhok niya. Nakita ko naman si mama na naghahanda na ng pagkain namin.

“Ang aga mo gumising nak, may lakad ka ba?” Hindi ako sumagot dahil nahihiya akong sabihin sa kanya na sa Manila ako pupunta. Tinignan ako ni El ng nakakaloko at nginitian ako.

“D-dyan lang po, kikitain ko lang sila Primo at Leona.” Pagpapalusot ko sa kanya.

“Mamaya sa may tabing dagat gaganapin ang pagsalubong sa Eclipse ‘wag kang mawawala at lahat tayo ay pupunta don.” Napalingon naman ako kay papa at nakasuot ito ng pang-alis.

“May lakad ka Pa?” tanong ko sa kanya.

“Pupunta muna akong City Hall at tutulong na rin ako mag-prepare sa event mamaya. Kaya nakabihis na ako para hindi na ako babalik sa bahay at doon na tayo magkita-kita ha?”

“Anong oras daw po pala?”

“Saktong Alas-singko daw eh.”

“Sige po pupunta kami.”

“Nga pala nak, kung may lakad ka ngayon ay kitain mo muna si Ernesto at may ibibigay daw siya sa’yo.”

“Sa’kin? Ano naman kaya ‘yon?”

“Hindi ko rin alam. Magkita daw kayo sa tindahan ni Mang Anton ha at aalis na ako.”

“Mahal di ka ba muna kakain?” tanong ni mama na kakagaling lang sa kusina.

“Doon na lang ako kakain mahal, sige na ha magkita na lang tayo mamaya.” Lumapit si papa kay mama para halikan ito.

“I love you mag-iingat ka.”

“I love you too.”

Nagtinginan naman kami ni El at sabay pa kaming nagsabi ng..

“Ang cheesy.” sabay tawa.

Lumapit naman samin si papa at parehas kami ni El na hinalikan sa ulo.

“Selos pa kayo haha sige na alis na ako.”

“Bye-bye papa!” Paalam naman ni El.

“Ingat po.” sabi ko naman sa kanya.

Kumain naman na kaming tatlo at napatingin naman ako sa orasan. Mag aalas-syete na ng umaga at hindi pa ako nagliligo. Naisip ko naman bigla yung sinabi sa’kin ni papa na kung bakit gustong makipagkita ni Erna sa’kin ngayon. Natapos na akong maligo at nagbibihis na. Kinuha ko naman ang singsing na ginawa ko at humarap ako sa salamin para doon ko suotin ito.

“T-teka? P-para saan naman 'to?”

Nasuot ko na ang singsing at pagharap ko sa salamin ay natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak. Umaagos ang luha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

SWITCH (COMPLETED) ✅ [SOON TO BE PHYSICAL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon