Chapter 1
Nakasimangot akong nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin na hawak ko. Kaagad kong pinagsisihan kung bakit ko 'yon ginawa.
Napapikit ako dahil sa inis. Hindi na ako gwapo! May mga pasa na ako sa mukha na halatang halata dahil na rin sa maputi ang balat ko.
"Pfft...masakit ba dude?" Binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang kaibigan kong kulang na lang ay gusto kong itulak sa bintana ng hospital na ito.
Hindi ba obvious? Hindi naman siguro ako magkakapasa kung hindi yon masakit diba? Tanga lang?
"Hindi. Masarap nga eh. Gusto mong e-try?" Sarkastikong sabi ko.
Napapikit ako ng biglang kumirot ang labi ko dahil sa pagsasalita ko. Marami yatang na dislocate na buto sa katawan ko. Mabuti na nga lang at hindi nahiwalay ang ulo ko sa leeg ko.
Halos hindi ko magalaw ang braso ko sa sobrang sakit. Hindi ko naman inaakalang may pagka Jackie Chan si Pres. Binali niya lang naman ang seksing muscle ko ng walang kahirap hirap. Nag aral ba siya ng martial arts?
Ngumuso ako.
Pati masasarap kong labi namaga dahil sa sapak niyang walang kasing tindi! Pumutok pa nga to at dumugo. Ang brutal ng babaeng yon!
"Ayan kasi may pakiss kiss pang nalalaman, ayan tuloy emergency room tuloy mo," I heard them laugh. Mga kaibigan ko ba talaga to? O mga matsing galing ng kagubatan?
"Hoy mga gung-gong! Kahit may black eye ako, maga ang labi ko, at bali ang braso ko, marami pang asin ang kakainin niyo para mapantayan ang gwapong mukha ko!" Napangiwi sila sa sinabi ko. Kahit hindi ko man sabihin ay masyado namang halata.
"Tanggap ka namin dude, kahit ganyan ka. Tanggapin mo na lang ang masakit at malupit na kapalaran mo," Napailing iling pa si Tyler.
Abat ang g*gong to! Kung siya kaya ang balian ko.
"Mamaya raw pwede ka nang lumabas at bumalik sa dorm natin. Kailangan mo pa bang isakay sa wheelchair?" Nagbibiro ba siya? Ako? No way! Anong akala niya sa akin?!
"Anong akala mo sa akin baldado? Kaya pa nga kitang buhatin at itapon sa bahay niyo eh," Napakamot ng ulo si Nate. Parang mas lalo pa nila akong kinakawawa.
"Sandali, hindi ba ako binisita ni Pres.?" Siya ang may gawa sa akin nito kaya dapat lang na alagaan niya ako. Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa akin.
"She didn't! Ano ka special?" Bwisit tong asungot na Greg na to. Siya ang may kasalanan ng lahat nang 'to eh!
"Hindi ka nga napuruhan sa away natin kanina, pero napuruhan ka naman kay Pres. Bro! Babae lang yon!" Natatawang sabi ni Tyler. Ha! Kaya pala halos umiyak siya kanina dahil sa pingot ng masungit na Pres. namin. Kaya pala parang gusto na niyang sumama sa puting ilaw kanina.
"Tigilan mo ako! Umalis na tayo rito! Naiirita ako," Sabi ko.
Biglang pumasok ang nurse ng hospital kung saan naroroon ako. Napatingin ako sa kanya.
Woah, sexy nito. Her uniform fits her body perfectly, hindi na masama.
"Hmm Sir, narito na po ang wheelchair," She gave us a seductive smile....
Sinenyasan ko ang mga tropa kong umalis na kahit nakatingin rin sila sa babaeng to.
"Ihahatid mo naman ako sa dorm diba? Masyado kasing tamad ang mga friends ko, you know," Kinindatan ko siya na kaagad niya namang ikinahagikhik. Ano pa bang aasahan?
We're not allowed to go outside the campus. We have our own mall, hospital, salon and everything that can be seen outside. We have dorms as well.
"Sige na sir, umupo na po kayo," Pinalambing pa niya ang boses niya. Tch! Hihiwalayan ko na yong babaeng naging girlfriend ko kahapon.
Inalalayan niya akong umupo sa wheelchair. Ramdam ko ang paghawak niya sa mga seksing muscle ko. Napangisi na lang ako. Chansing eh? Kakaupo ko palang sa wheelchair nang bumukas ang pinto.
Pareho kaming nagulat ng biglang pumasok ang humahangos na si Greg. Habol habol pa niya ang hininga niya habang ang kamay ay nasa dibdib.
"B-bro!" Anong kailangan nito? Kanina ko pa sila pinaalis ha?
"S-sandali tubig muna, iinom muna ako," Mabilis niyang kinuha ang pitsel ng tubig saka tinungga iyon.
"P-papunta si Pres. dito! Nurse umalis kana," Ano naman kung papunta ang pinaglihi sa isang milyong ampalayang President namin. Wala siyang pakialam kung ano ang ayaw at gusto kong gawin. Ngayon pa siya dadating eh may mag-aalaga na sa akin. Kung kanina pa sana siya pumunta rito, edi sana walang problema.
"Anong pake ko? Miss sexy, tara na," Sabi ko.
"Hindi lang pingot ang aabutin mo kapag nagkataon," Hindi niya ako nakumbinsi. Subukan niya lang at hindi ko na siya uurungan! Talagang naputol na ang pisi ng pasensiya ko sa babaeng 'yon.
"Huwag mo nang babanggitin ang pangalan ng napakasungit na Athena na iyon," For the first time in my life, tinawag ko siya sa totoong pangalan niya.
"Let's go," Utos ko sa nurse na kaagad namang tumalima.
*Boogsh*
Halos atakihin ako sa puso ng biglang may sumipa sa pinto ng emergency room. Halos masira na ang pinto dahil sa lakas ng pagkakasipa niya. Iniluwa ng pinto si Pres., nakita ko ang kulang na lang ay mag apoy na mukha niya.
Sa likod niya ay ang pinagsaklubang mga mukha ng mga tropa ko na gusot-gusot ang mga damit at magulo ang buhok. I already guessed what happened to them.
Tiningnan ko kaagad ang kabuuan ni Pres. Mabuti nang nag-iingat baka may dala siyang samurai. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala naman.
May bitbit siyang makapal na libro na kasing kapal ng mukha ni Nate.
Nagdadabog na lumapit siya sa akin. Hinampas niya ako ng libro sa kabilang braso. Pucha! Putangina ang sakit, mukhang hindi na bali ang buto ko, mukhang durog na.
"Aww!" Napahiyaw ako dahil sa ginawa niya sa akin. Ang sakit ng kabilang braso ko. Ang sadista naman nito.
"You're in that state but your still the flirtatious man I've ever seen and imagined. You knew the rules!" Halos malunok ko na ang dila ko dahil sa kaba. Binalingan niya ang nurse na nakatayo pa rin sa likuran ko.
Again, dinuro niya ito ng hintuturo niya. Mahilig talagang manduro nang babaeng 'to.
"And you Miss Nurse, you just did the most prohibited rule in this school. You flirted with this ugly man! You're not even wearing your proper uniform. Bawal ang makipag relasyon o makipagharutan sa mga estudyante rito. Act like a professional." Napaawang ang bibig ko.
G-galit ba siya? B-bakit naman siya magagalit?
"Paano mo naman nalaman na yon ang ginagawa n-namin, Pres.?" Pati si Miss Nurse ay nauutal dahil sa kanya.
Sino ba naman ang hindi? Her grandfather owns this hospital. Isang salita niya lang sa lolo niya ay kaagad na nasusunod.
"K-kami ang nagsabi," Itinaas pa ni Nate ang kamay niya. Aba't ang lintek mukhang proud pa!
"Sorry Bro, natakot lang talaga kami," Anong klaseng mga kaibigan to! Itinaas ni Pres. ang kilay niya sa nurse na hindi pa rin umalis sa pwesto niya.
"Get lost," Agad na kumaripas ng takbo palabas ang nurse. Hindi ko alam na may lahi pala siyang kabayo.
"Your parent just called me. Because I'm the one who made that to you, I will face the consequences. Your parent requested that I will keep an eye on you from now on," Tututol pa sana ako ng magsalita siya ng may pinalidad.
"At wala ka nang magagawa doon," Inirapan pa niya ako bago tumalikod.
"Hoy! Kayong lahat, kayo ang magdala kay Madrigal sa dorm. Kapag hindi niyo ako sinunod, pagbubuhulin ko kayong lahat," Biglang sumaludo ang mga tropa ko. Takot lang nila kay Pres.
Kung hindi lang imposible, iisipin kong nagseselos siya. Pero hindi mangyayari 'yon. Tumataas talaga ang balahibo ko kapag malapit siya. Hayss.. Sinamaan ko ng tingin ang mga tropa kong ngayon ay awang awa sa akin.
"Ano? Tulungan niyo na ako!" Naiinis talaga ako. Kung pwede lang lumabas ay ginawa ko na malayo lang kay Pres. pero hindi eh.
Sana matagalan ko pa si Athena Mendez.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
РазноеAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...