Chapter 29

318 21 4
                                    

Hades Pov

"Dean, pinapatawag niyo raw ako?"tanong ko kay Dean na ngayon ay nasa harapan ko.

"Tama,"sagot niya bago ako tinignan. Bakit parang may mali? Bakit may awa akong nakikita sa mata niya?

"May gustong makausap ka, Hades."sabi niya. Kumunot ang noo ko, imposibleng sina Mommy iyon dahil tuwing binibisita nila ako ay dumideretso sila sa dorm ko.

"Sino?"tanong ko.

"Wala ako sa posisyon para sabihin kung sino siya, Hades."sabi niya.

Mas lalo lang akong nagtaka, mas mataas pa ba ang posisyon ng taong iyon kaysa kay Dean?

"Maiiwan kita dito, Hades. Hintayin mo na lang siya."hindi pa ako nakasagot ng tumayo na si Dean mula sa swivel chair niya at iniwan ako sa loob ng office niya.

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng pinatawag ako ni Dean, nagtataka man ay pumunta pa rin ako. Nagmamadali nga akong makaalis dito dahil kikitain ko pa si Athena sa park.

"Madrigal."nabalik ang atensiyon ko sa reyalidad ng pumasok ang isang lalaking may katandaan na dito sa loob ng office ni Dean.

"Mr. Albert Mendez?"tama, ang lolo nga ni Athena. Siya ang gustong makausap ako? Anong kailangan niya sa akin?

"I see, marami na ngang nagbago sa'yo."sabi niya habang inaaliw ang sariling sa pamamagitan ng pagtingin sa mga paintings at mga pictures sa loob ng opisina ni Dean.

"I heard about your relationship with Athena,"dahil sa sinabi niya ay nakuha niya kaagad ang atensiyon ko. Sabi sa'kin ni Athena ay wala pa siyang sinabihan sa pamilya niya tungkol sa relasyon namin. Paanong alam iyon ng lolo niya?

"Yes, Sir. I love-"pinutol niya ang sanay sasabihin ko.

"Break up with her."para iyong bombang sumabog sa tenga ko.

"W-what?"tanong ko. Nabuhay na naman ang kaba sa dibdib ko.

Nilingon niya ako bago ibinalik ang picture frame kung nasaan ang litrato namin nina Athena noong nangako kami sa isa't isa.

"Hindi ikaw ang para sa kanya, Hades."napamaang ako. Ito na ba iyon? Ang lolo ba ni Athena ang hahadlang sa amin.

"Okay, I guess hindi pa niya nasasabi sa iyo."napakuyom ang kamao ko. Ito na ba ang araw kung saan malalaman ko ang tinatago ni Athena? Bakit ngayon pa na masaya na kaming dalawa?

"Hindi ko kayo naiintindihan, Mr. Mendez ."sagot ko. Napailing na lang siya sa sagot ko. Bakit niya gustong maghiwalay kami ni Athena?

"You don't deserve, Athena. You're not the one for her."sa sinabi niyang iyon ay parang pinunit ang dibdib ko at kinuha ang bagay na nasa loob non at dinurog.

Sino siya para sabihing hindi kami ang para sa isa't isa ng apo niya?

"Nagkakamali po yata kayo, Sir. Mahal namin ang isa't isa."sagot ko. Napakuyom ang kamao.

"Athena is destined to marry someone else at hindi makakatulong kung ipagpapatuloy niyo pa ang namamagitan sa inyong dalawa."sabi niya. Oo, hindi ko na kailangang sabihing nasasaktan ako.

Hindi ako makahinga, nanginginig ang nakakuyom kong mga kamao. Ito ba ang hindi ko alam, Athena? Ito ba ang itinatago mo sa'kin na ayaw mong malaman ko? Kaya ba nasabi mong kahit sa maikling panahon lang ay iparamdam ko sayong espesyal ka? Dahil alam mong hindi magtatagal ay maghihiwalay tayo at may pakakasalan kang iba?

"Ang batang iyon, hindi niya talaga sinunod ang utos kong hiwalayan ka,"doon na nanlabo ang paningin ko. Isa lang ang ibig sabihin non, na ayaw niya akong bitawan, na tutuparin niya ang pangako niyang lalaban para sa aming dalawa. Gusto kong sabihin iyon sa lolo niya.

"Ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na sabihin sa iyo na hindi kayo pwede,"hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Sana ay naging manhid na lang ako.

"Maaari ko bang malaman kung sino ang lalaking pakakasalan niya?"kung sino man iyon, gusto kong malaman kung mas karapat-dapat siya kay Athena. Ayaw ko mang sabihin pero hindi maalis sa akin ang takot na malamang mas higit pa sa akin ang lalaking iyon.

"Someone you know,"sagot ng lolo niya.

Kilala ko? Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Nate at kung paano siya mag-alala kay Athena. Is it Nate?

"Is it Nate?"tanong ko. Napangiti ang lolo ni Athena.

"You're wrong, Hades. Hindi si Nate ang lalaking iyon."kung hindi si Nate sino?

"It's his cousin."simpleng sagot pero iyon ang ikinagulat ko. Pinsan ni Nate? Wala akong alam o kung sino man sa amin nina Tyler na may pinsan si Nate.

"His name is Dion." Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon. Simula ng magpakilala sa amin si Dion, hindi man lang sinabi sa amin ni Nate na pinsan niya si Dion. Ito ba ang ikinagi-guilty niya? Ako ba ang kaibigan niyang tina-traidor niya? Pinahirapan niya pa akong isipin kung sino sa amin ang tinutukoy niya noon, nagmukha akong tanga dahil mismong ako pala ang kaibigan niyang tinutukoy niya.

"D-dion?"tanong ko. Gusto kong umiling, all this time, alam ni Nate na ikakasal si Athena pero hindi niya man lang sinabi sa amin, sa akin.

"Athena and Dion were bestfriends since they were child, so we decided to let them marry each other."kaya pala, kaya pala nasabi ni Dion na magwawala ako kapag nalaman ko ang sekreto niya.

Tanging sakit lang ang nararamdaman ko ngayon, paano kita pakakasalan Athena kung ikakasal ka pala sa iba?

"I hope that what I said was clear to you, Madrigal. Huwag mo nang tangkain pang gumawa ng paraan para mapigilan iyon, Hades." Hindi ko magawang ipagtanggol ang nararamdaman ko dahil mas nangingibabaw ngayon ang sakit at galit sa puso ko.

"Hades!"napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Athena kasama si Dean na napailing na lang, sunod nilang dumating ay si Dion kasama si Nate.

"Anong ginagawa mo?"binaling niya ang tingin niya sa lolo niya.

"Ginagawa ko lang ang tama, Athena. Karapatan niyang malaman na walang patutunguhan ang ginagawa niyong dalawa." Pinigilan ni Dean si Athenang lumapit sa lolo niya.

Hindi magawang tumulo ng luha ko. Ayaw kong ipakita sa lolo ni Athena na iiyak ako dahil magiging senyales lang iyon ng pagsuko ko.

"Hades,"pangalawang beses na tawag ni Athena sa pangalan ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiling at mas minabuting umalis sa lugar na iyon. Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko.

Kailangan kong mag-isip muna, Athena, kailangan kong mapag-isa, kailangan kong alisin ang sakit na nararamdaman ko.

Hinawakan ko ang kamay niya saka kinalas iyon sa pagkakahawak sa isang kamay ko.

Dire-deretso akong umalis doon, malayo na ako ng magsimulang pumatak ang ulan mula sa langit, nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko. Ito ba ang kapalit ng ilang buwang kasiyahan? Sana hindi niyo na lang ipinaranas sa akin ang ganoong kasiyahan kung babawiin niyo lang naman kaagad.

******

AUTHOR

Good morning mga anak😁Enjoy reading ❤️ Alright, I dedicate this chapter to Gunding_21❤️thanks for the support. I appreciate all of your efforts mga anak.❤️❤️❤️

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon