Chapter 24

412 28 1
                                    

Chapter 24

Kanya-kanya kaming hanap ng mga kahoy na gagamitin namin mamaya sa bon fire at sa lulutuin naming mga pagkain.

"Grabe ang lamig dito, no?" Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Fiona. Hindi ko alam kung bakit sunod siya ng sunod sa amin. Kanina pa ako nababanas sa kanilang dalawa ni Tyler. Malapit ko na silang pag-untuging dalawa.

"Sino ba kasing nagsabi sa iyong ganyan ang isusuot mo? Alam mo, para kang tanga," Mabilis na basag sa kanya ni Tyler.

Napapikit na lang ako. Mga kulang sa aruga!

"Nate, kunin mo iyon," Utos ni Greg na kaagad namang sinunod ni Nate. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagay na itinatago niya sa amin. Ganoon ba iyon kahalaga para huwag niyang ipaalam sa amin? Hindi ko pa rin magawang sabihin kina Tyler ang napapansin ko kay Nate dahil siguradong gigisahin nila ito ng tanong.

Nakarinig kami ng mga boses hindi kalayuan sa amin. Hinati kami sa grupo para mas madali raw kaming makahanap ng gagamitin namin.

Hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga boses na iyon.

Heto na naman, ngumiti na naman ako. Kahit hindi man siya ngumingiti ay hindi ko pa rin maipagkakaila na sa likod ng salaming suot niya ay napakaganda niya.

"Athena, nakahanap na ako," Napalis ang ngiting nakapaskil sa mukha ko nang makita kong lumapit na naman si Dion kay Athena.

Kita ko naman ang paghakbang ni Athena palayo sa kanya. Ganyan nga Athena, tch! Tangina, namumula ang pisnge ko. Protect what's mine!

Tanging tango lang ang ginanti ni Athena kay Dion kaya mas lalo pa akong napangisi. Naaaliw ako, Athena.

Nangunguha rin sila ng mga kahoy na ipang-gagatong nila. Ramdam ko ang pagtulak sa akin ng bahagya ni Greg nang makita niya rin sina Pres. Nahiya pa talaga ang tukong 'to. Sana nilakasan niya para makalapit ako kina Pres. Ngayon pa talaga siya nanghina.

Kumunot ang noo ko ng biglang lapitan ng mga kasamahan niya si Athena. Anong nangyari?

Pinahawak ko kay Fiona ang mga dala kong kahoy saka mabilis kong nilapitan si Athena. Hinawi ko ang mga kasamahan niyang nagkukumpulan sa gilid niya upang makalapit ako sa kanya.

Nagulat ako ng makitang dumudugo ang daliri niya. Bakit naman siya nasugatan? Kailangan ko ng ambulance dahil dadalhin ko siya sa hospital ngayon din.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" Sigaw ko kaya napatanga na lang ang mga kasama namin.

"B-bro-" Sinamaan ko nang tingin si Tyler na kaagad namang ibinaling ang tingin sa mga puno at pasipol-sipol lang na parang walang nangyari.

"Ano pang ginagawa niyo? Tumawag kayo ng ambulansiya dahil ihahatid ko don si Athena ngayon." Madiing sabi ko pero walang gumalaw ni isa. Siguradong mahina ang signal ng mga utak nila kaya ang tagal mag-loading.

"Dude, huwag kang OA pwede ba? Hindi ikakamatay ni Pres yan," Sagot ni Greg. Kung siya kaya ang ilibing ko dyan?

Kinakabahan akong napatingin kay Athena. Pilit niyang pinipigilan ang pagdugo ng daliri niya. Nakakagat labi lang siya dahil sa pag-inda sa kirot ng sugat niya.

"Sinabi ko na kasing umupo ka lang diba?" Hinawakan ko ang kamay niya saka sinuri ang sugat niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Magbilang ng dahon ng puno na nalalaglag?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Napanguso ako. Ang sungit niya talaga pero wala akong pake, mahal ko talaga ang babaeng 'to.

"Athena, anong nangyari?" Bago pa makalapit si Dion kay Pres ay kaagad ko na siyang hinarangan. Huwag siyang magkakamali.

"Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat, ayan tuloy," Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko saka nilinisan ang kamay niya.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon