Chapter 20
My heart beats fast when I saw Athena sitting on a bench while waiting for me. Why do I like the thought of her waiting for me? It's already 6:00 pm yet nandito pa rin kami sa labas.
I admit, kahit na napakagwapo ko, ngayon lang talaga ako naka experience ng isang totoong date. Mukhang si Athena talaga ang first ko sa lahat ng bagay.
"Pres!" Tawag ko. Lakad-takbo akong lumapit sa kanya.
"Where have you been?" Kita mo tong si Pres, masyadong halata na concern sa akin.
"Are you tired?" Sa halip ay tanong ko. Napapa-english talaga ako kapag gabi na, hehe. Mabagal akong umupo sa tabi niya, alam niyo na, baka bigla niya na lang akong sabunutan. Mukhang nahawaan na ako ni Nate ng pagiging makapal ng mukha niya.
Kunti na lang ang mga estudyanteng makikita mong pagala-gala dito at tanging ilaw na lang sa bawat poste ang nagsisilbing ilaw sa daan pauwi sa dorm.
"May gusto ka ba sa'kin?" I was caught off guard because of what she asked. Talaga bang tinanong niya 'yon?
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay binato niya ako ng tanong na hindi ko alam kung masasagot ko ba ngayon mismo sa harapan niya.
"Do you have feelings for me, Hades?" Ulit niyang tanong. Napaiwas ako sa kanya nang tingin.
Alam kong matalino ako at lahat ng tanong ay kaya kong sagutin pero bakit sa tanong niyang hindi naman nangangailangan ng solvings at formula ay wala akong maisagot?
"It's late, let's go back to the dorm," She diverted the topic at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko. Hindi na niya hinintay ang maaaring maging sagot ko.
Hindi ako kailanman naging torpe pero mas malala ang sitwasyon ko ngayon. Napapikit ako. Ito na yata ang pinakamahirap na tanong niya sa'kin.
Nang marinig ko ang hakbang niya papalayo ay pinilit ko ang sarili kong tumayo at sabayan siya sa paglalakad.
Napapikit ulit ako ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. I'm not a Madrigal for nothing.
"What if gusto nga kita?!" The moment she heard what I said, she stopped. Nakagat ko ang labi ko. Ang pagkabog ng puso ko ay hindi na naman normal.
"Paano kung may feelings nga ako sayo?" Parang bulong lang iyon sa hangin pero alam kong rinig niya ang mga katagang iyon.
Nababaliw na nga yata ako. She's still standing a few meters away from me yet I felt that she's just few inches far.
Habang tumatagal ang pagiging tahimik niya, mas bumibilis at nagiging manhid ang katawan ko.
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong gusto kita? Lalayo ka ba sa'kin kung sasabihin kong mahal na kita?" Ano ba to? Kdrama ba tong ginagawa namin gaya ng palaging pinapanood ni Greg at Tyler? But this is in real life, not just an acting to catch viewers attention.
"Kung magagalit ka ay mas mabuti nang sabihin ko sa'yo na hindi kita gusto huwag ka lang lumayo sa akin at huwag lang tayong bumalik sa dati...sa dati na hindi man lang kita makausap o matingnan," Tangina, pwede niya naman akong e-reject kaagad para pang-isahang sakit na lang. Hindi pa nga ako nakakapagsimula pero talo na kaagad.
Bumuntong-hininga siya na para bang kanina pa niya pinipigilan ang paghinga niya.
"Hindi ko hawak ang puso at buhay mo, Madrigal. Kaya sino ako para pigilan ang nararamdaman mo?" Sinabi niya iyon pagkatapos niyang humarap sa akin. Ang mga berdeng mata niya ay masyadong misteryoso na hindi ko man lang mabasa ang emosyon na dumadaan doon. Ang gulo..
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...