Chapter 16

486 55 4
                                    

Chapter 16

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa stage kung saan naroroon si Dion.

Hindi ko alam na magkakaroon pala kami ng debate ni Dion ngayong araw. Bakit hindi ako sinabihan? Akala ko kampanya ang gagawin namin ngayon? Bakit biglang naging ganito na? Hindi ako nakapaghanda ng mga isasagot ko sa mga maaaring itanong sa akin mamaya. Hindi umaandar ang pagiging maloko ko ngayon kaya kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

"Dude, mukhang madedehado ka ngayon," Tangina nitong si Greg. Pinapakaba niya pa ako lalo, eh. Kaibigan ko ba talaga 'to?

"Tandaan mo Hades na hindi kami kailanman tatawa kapag nagkamali ka," Sinamaan ko nang tingin si Tyler. Sinong niloko ng lalaking to? Baka nga siya pa ang maunang tumawa mamaya.

Nabaling ang tingin ko sa stage. Nakita ko si Dion na komportableng nakaupo doon. Bakit parang handang-handa siya para dito? Samantalang ako naman ay parang puppy lang na ang cute-cute dito sa gilid.

"Calling Hades Madrigal to go on the stage so we can start the debate," Nakita ko si Dean na siyang tumatayong host. Hindi pa nga ako nakapagbihis ng uniform ko pero dumeritso na kaagad ako dito.

Narinig ko ang palakpakan ng mga estudyanteng nanonood nang makita akong papalapit sa stage. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin ang isang taong hindi ko alam kung bakit naisip ko kaagad. Pakiramdam ko kasi ay hahatakin niya ang confidence ko pataas kapag nakita ko siya.

Napakagat-labi na lang ako ng hindi ko makita ang taong iyon. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko.

"Hades, pumunta kana sa stage," Utos ni Nate pero kaagad ko siyang hinawakan sa braso.

"Ano?" Naiinis na tanong niya. Nakakunot ang noo niya at ang mga kilay niya ay halos magkadikit na.

"Samahan niyo ko," Pagmamakaawa ko. Umiling-iling pa ako at napalabi. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko para magpa-cute sa kanya.

"Bitawan mo ako, Hades, Isa," Sabi niya. Napapadyak ako sa lupa sa sobrang inis.

"Sige na kasi, nahihiya ako, eh," Naiiyak kong pilit. Sinamaan nila ako ng tingin. 

Niyakap ko nang mahigpit ang braso ni Nate. Saka sumandal pa sa balikat niya.

"Ano ba, Hades. Nababakla ka ba?!" Angil niya. Pilit niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Tyler at Greg sa magkabilang braso ko. Malakas nila akong hinatak palayo kay Nate. Humaba pa ang nguso ko nang itulak nila ako papunta sa hagdan ng stage.

"Ang arte mo talaga, Dude. Pumunta ka na sa stage," Akmang tatakbo pa ako palayo nang hinarangan nila ang dadaanan ko.

"Susumbong ka namin kay Pres," Sabay nilang sinabi. Talagang chorus pa sila, sabay-sabay ang mga loko.

Nang makita ako ni Dean ay kaagad niya akong tinawag.

"Mr. Hades Madrigal, proceed to your seat," Kaagad kong sinunod ang utos ni Dean. Ano pa bang magagawa ko?

Hindi ko akalaing halos lahat ng estudyante ay nandito ngayon. Halos inukupa na nila ang buong field. Siguradong mahirap nang daanan pa ang lugar na 'to dahil sa dami ng tao.

"I think these men are now ready to say all of their plans to make this school better," Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni Dean.

Hindi ako makapag focus ng maigi dahil biglaan ang nangyayaring ito.

"Before we start, I want all of you to know that I put a twist in this debate," Kimunot ang noo ko sa sinabi ni Dean kasabay ng pagbulong-bulungan ng mga estudyante.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon