Chapter 2

920 63 2
                                    

Chapter 2

"Madrigal! Ayos ka lang ba? Akala ko diretso punerarya ka na?!" Sinamaan ko ng tingin si Browny na mas maitim pa sa uling. Kung makapagsalita siya ay parang hindi ko siya nabalian kahapon, huh?

Dapat talaga Blacky pangalan niya, eh. Hindi ba marunong mag-identify ng colors ang parents niya? Kung tinatanong niyo kung sino siya, siya lang naman ang unggoy na pinaiyak ko  kahapon.

"Tch! Manahimik ka, baka gusto mong pinturahan kita ng white paint para kahit papaano ay pumuti ka naman!" Sagot ko sa kanya saka siya binelatan. Binigyan kasi kami ni Pres. ng punishment. Pipinturahan namin ang lahat ng pader na nakapalibot sa campus. Ang rami kaya nito....

Akala ko talaga, joke niya lang yon, hindi ko inakalang totoo pala.

"A-anong sabi mo? Pangit? Naligo ka lang naman ng gluta kaya ka maputi," Nakangising sabi niya saka umambang lalapit sana sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa paint brush na ginagamit niya. Pikon!

"Hoy, Browny na hindi naman brown, ipinanganak na talaga akong ganito. Namana ko 'to sa mga Greek Gods kong mga magulang at bakit mo naman ako tiwanag na pangit? Kung pangit ako, anong tawag sa itsura mo?" Balik na sagot ko sa kanya saka siya inirapan.  Akala niya magpapatalo ako. No way! High way!

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Madrigal!" Nanggagalaiti niyang sabi. He gritted his teeth because of irritation. Siya naman talaga ang nauna pero siya pa 'tong galit.

"Hindi makapal ang mukha ko. Pero ang mukha ni Nate, oo," Tiningnan ko pa si Nate na ngayon ay binaling na ang tingin sa amin. Lahat kaming sangkot sa gulo nagpipintura ngayon.

"Bakit ako nadamay dyan? Mamaya ay pupunta na si General dito at baka balian tayo ng leeg sa ginagawa niyo," Sabi niya. General? Sino naman yon?

"Sinong General?" Ang chismoso ng tsokolateng to! Feeling close!

"Si Pres! Natural!" Sinabi niya 'yon na parang kami na ang pinaka bobong tao sa balat ng lupa. Napanguso na lang ako. Sinundan ko nang tingin si Nate na kumuha ng iba pang mga kulay ng pintura sa gilid namin.

Napabuntong-hininga ako saka inayos ang sunglasses na suot ko para matago ang black eye ko. Nakakabawas ng pogi points.

"Si Athena na yon? Natatakot kayo sa babaeng may salamin? Nababakla na ba kayo? Baka nga hindi yon makabasag pinggan eh!" Natawa silang lahat dahil sa sinabi ng leader nilang tsokolateng hindi natutunaw sa mainit na sikat ng araw.

"Hindi ako nagbabasag ng pinggan pero nagbabasag ako ng mukha," Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko na naman ang boses ng babaeng kalahi ni Jackie Chan.

Biglang tumulo ang pawis ko dahil sa takot at nanginig ang tuhod ko dahil parang maiihi na naman ako. Namawis ako ng wala sa oras, though alam kong palagi akong nagpapawis dahil napaka-hot at sexy ko, hehe.

"P-pres ikaw pala! M-magandang araw po. Haha..... Ganda mo ngayon hehe," Akala ko ba hindi takot si Browny kay Pres? Eh bakit kulang nalang at maihi siya sa pantalon niyang kasya ang dalawang binti?

"Hindi maganda ang araw ko kapag mukha mo ang makikita ko. Sa halip na ngumiti ka dyan na parang asong maraming garapata, tapusin mo ang parusa mo," I suppressed my smile. Ang hanep niya talaga. Hindi ko alam kung bakit nanalo pa to sa eleksyon dahil mukhang galit naman siya palagi.

I saw her in my peripheral vision. Ngumuso ako para mapigilan ang nagbabadyang paglabas ng nakakaakit kong ngiti. Mahirap na baka maraming ma-fall.

"Ano na namang nginunguso nguso mo dyan, Madrigal? Kapag nabwisit ako ay ikukuskos ko yang nguso mo sa labi ni Browny para magtanda kayo," Bakit ako na naman ang nakita niya? Yucks, kinilabutan ako dahil sa sinabi niya. No thanks. Mas gugustuhin ko pang sa labi niya lumapat tong masarap at matamis pa sa kending labi ko.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa pisnge ko. Naalala ko na naman 'yong nangyari kahapon. Napailing iling na lang ako nang wala sa oras. Lintek ka talaga, Hades! Napakagwapo mo!

She has the sweetest and softest lips, I think?

Tumawa naman ang iba kong tropa dahil sa sinabi ni Pres. Patay talaga sila sa akin mamaya! Mga traidor! Gagawin ko silang bala ng canyon.

"Ayusin niyo iyang ginagawa niyo. Hindi kayo makakaalis kapag hindi pa naaayos 'yan," Umupo siya sa ilalim ng isang puno habang ang mga mata ay nakatutok sa ginagawa namin.

Hindi ako makakilos ng maayos kapag alam kong malapit siya. Para akong isang sirang robot na hindi makagalaw.

"W-warden okay na ba to?" Rinig kong tanong ni Tyler. Kaagad namang tumango si Pres. Tch! Pabida ang lokong to. Hmmp!

"Pres! Tapos na ako!" Isa pa 'to, ang kapal ng mukha!

"Okay, pwede ka nang umalis," Ang daya talaga ni Pres. Pinaalis na niya kaagad sila Nate. Mas lalong humaba ang nguso ko nang isa-isa nang umalis ang mga kasama ko.

"Eh ako, Pres? Pwede na rin akong umalis?" Tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay niya.

"Sige, kapag natapos mo na 'yan," Sinabi niya 'yon nang hindi man lang tumingin sa napakagwapo kong mukha. Mas pinagtutuunan niya pa ng pansin ang kuko niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi pa nga ako nakakalahati sa ginagawa ko eh. Tuwing yumuyuko kasi ako ay nalalaglag ang sunglasses ko, ayan tuloy pulot ako ng pulot.

"Anong kahanginan na naman ang pumasok sa ulo mo, Madrigal? Magtatakip silim na pero naka sunglasses ka pa rin," Kanina pa siya rito pero ngayon niya lang  napansin ang sunglasses ko? Binili ko pa naman to sa United Kingdom nang napagdesisyunan kong doon mag-meryenda.

"Kahanginan ng kagwapuhan, Pres," Nakangisi kong sagot. Napangiti rin siya ng peke saka napa iling iling.

"Malala ka na talaga, Madrigal. Hindi kana kakayanin ng mental hospital," Ang sakit ng puso ko. Gwapo naman talaga ako sabi ng Mommy at Daddy ko.

"Pfft!" Nagsitawanan ang mga nakarinig non.

"Lahat ng tapos ay umalis na at magpahinga sa dorm. Ang hindi tapos, maiwan," Nagsialisan na ang lahat nang mga kasama ko at mukhang ako na lang ang matitira.

Bitbit nila ang dalawang baldeng may mga laman pang mga pintura. Ang bigat siguro no'n. Hindi ko pa naman masyadong nagagalaw 'tong isang braso ko.

"Pres. baka pwedeng-" Hindi pa man ako natatapos magsalita ng bigyan niya na ako ng tingin na halos ikatigil nang paghinga ko.

"Don't you dare," Sabi niya kaya napalunok na lang ako. Tinapik na lang ni Greg ang balikat ko bago sila umalis at iwan ako. Mga walang hiya!

Mas mabilis pa sa kidlat na tinapos ko ang ginagawa ko. Natatakot ako, hindi dahil sa maga-gabi na kung hindi ay dahil bantay sarado ako ni Athena.

Magkakalahating oras ng natapos ako at hindi pa rin umalis si Pres. sa pwesto niya.

"Pres. okay na, finish na, tapos na, done na-" Tumayo siya. Thank you, Lord!

"Buhatin mo na iyang mga natira at aalis na ako," Tumalikod na siya saka nag umpisang maglakad palayo sa akin.

Tiningnan ko ang bubuhatin kong mga baldeng marami pang mga lamang pintura. Anak ng daga naman oh!

Binuhat ko ang isa at nakayanan ko naman. Ang problema lang ay ang baling braso ko.

Bumuntong hininga ako. Napakapogi mo Hades kaya fried chicken lang iyang gagawin mo, kausap ko sa sarili ko. Binuhat ko iyon pero kaagad ko ring binitawan ng kumirot ang braso ko.

Kaya ko to! Try and try until I die este success.

Hahawakan ko na ulit sana iyong isang balde para buhatin nang may kamay nang naunang bumuhat do'n.

Dug*dug*dug*

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagkaka heart attack ba ako?

Napatingin ako sa babaeng naglalakad palayo sa akin dala dala ang baldeng sana ay ako ang magdadala. Parang hindi siya babae kung gumalaw at umasta.

'Heart, stop beating,' Utos ko sa puso ko.

Ay mali, baka mamatay pa ako kapag nagkataon at wala akong maiambag na kagwapuhan in the future. Bakit ba kasi ang bilis nang tibok ng puso ko?

What are you doing Athena? What are you doing to me?

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon