Chapter 33

434 27 0
                                    

Hades Pov

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling si Dion?"nakakunot ang noo ni Sir Albert habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Oo, nagsasabi ako ng totoong hindi siya ang batang lalaking iyon."sabi ko.

"Ginagawa mo ba ito para pigilan ang gusto kong gawin?"tanong niya.

"Hindi, may patunay akong hindi siya ang batang iyon."kahit na kararating ko lang ay hindi na ako nagsayang ng oras at dumeritso na kaagad dito.

Sinabi ko na kina Mommy ang tungkol dito at alam kong mayamaya ay nandito na sila ni Daddy. Kailangan ko ang suporta nila ngayon.

"Nasaan ang patunay mo?"tanong niya. Ibinigay sa akin ni Nate ang camera upang maipakita ko kay Sir Albert ang picture.

Lumapit ako sa kanya saka ko ibinigay ang camera. Kinuha niya ang picture sa drawer niya saka ikinumpara ang batang nasa picture na hawak niya at ang batang nasa camera ko.

"Naniniwala na ba kayo sa'kin?"tanong ko. Itinaas niya ang tingin niya sa akin bago bumuntong-hininga.

"Kung ganoon sino ang batang lalaking ito?"tanong niya.

"Ako, Sir Albert. Ako ang batang nagligtas kay Athena at hindi si Dion."sagot ko. Nanliit ang mga mata niya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Lolo Albert."sabay kaming napatingin sa pinto ng biglang pumasok si Dion na humahangos.

Tumayo si Sir Albert.

"Umamin ka sa akin, Dion. Totoo bang nagsisinungaling ka lang na ikaw ang batang lalaking ito? Sabihin mo sa akin ang totoo!"sigaw ni Sir Albert.

"Hindi po totoo ang sinasabi nila. Gusto lang nila akong siraan sa'yo para magalit ka sa akin."sagot ni Dion.

Bakit hindi niya na lang aminin ang totoo?

"Dion, umamin ka na lang."sabi ni Nate.

Nilapitan ni Dion si Nate saka kinwelyuhan.

"Kumakampi ka na sa kanya, Nate? Ako ang pamilya mo!"sigaw niya pero iwinaksi lang ni Nate ang kamay niya.

"Ginagawa ko lang ang tama, Dion. Mas higit sa akin ang pagkakaibigan namin ni Hades."sagot ni Nate.

Walang nagawa si Dion kundi ang itulak ng malakas si Nate na hindi man lang nagpatinag.

"Lolo Albert, huwag kang maniwala sa kanila."lumapit siya sa amin ngunit kaagad na pinatigil siya ni Sir Albert.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, kailangan kong malaman ang totoo."sabi ni Sir Albert.

"Nagsisinungaling po si Hades. Ako ang nagsasabi ng totoo."depensa niya. Ramdam ko ang galit niya ng tumingin siya sa akin.

"Huwag ka nang mag-maang maangan. Mayroon akong ebidensiyang ako iyon at hindi ikaw!"sigaw ko. Nanginginig ang kamao niyang gustong sumapak sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa pinapakita niyang ugali niya ngayon. Hindi ako papayag na manalo siya dahil sa kasinungalingan niya.

Nagulat kami ng bigla siyang tumawa ng malakas na para bang nababaliw.

"Akala ko hindi niyo na malalaman ang plano at pagkukunwari ko, matalino nga talaga kayo."sabi ni Dion habang pumapalakpak.

"Totoo ngang nagsisinungaling ka."sabi ni Sir Albert.

"Tama, si Hades nga iyon at hindi ako."sabi niya habang nakangisi. Mukhang wala na nga siya sa sarili niya.

"Ngayong alam niyo na ang lahat ng iyon, pwede ko na kayong dispatsyahing lahat."sabi niya saka kinuha ang kutsilyong itinatago niya sa tagiliran niya.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon