Special Chapter

593 30 5
                                    

Hades Pov

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng pagkabasag mula sa kusina.

"Loveydabs! Nasaan ka?!"natataranta kong sigaw habang tumatakbo papalabas sa kwarto namin ni Athena.

Una kong pinuntahan ang kusina at nandon nga ang asawa ko.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"L-loveydabs a-anong problema?"tanong ko. Habang mabagal na naglalakad papunta sa kanya.

"Diba sabi ko hugasan mo ang mga pinggan? Bakit nandiyan pa rin iyan?!"sigaw niya. Naku po, nagalit na ang asawa ko.

"Sorry, loveydabs. Gagawin ko na huwag ka nang magalit."pagmamakaawa ko.

Ayoko ko siyang ma-stress lalong-lalo na dahil kabuwanan na niya. Yes, magkaka-baby na kami. Sinadya naming hindi malaman ang gender ng baby namin para ma-surprise kami kapag ipinanganak na ni Athena ang panganay namin.

"Mabuti, dahil kung hindi mo gagawin babasagin ko ang mukha mo!"sigaw niya.

Simula ng mabuntis siya ay palagi nang mainit ang ulo niya. Minsan ay ayaw niya akong makita o maamoy ang pabango ko.

"Huwag nang magalit ang loveydabs ko, baka bigla na lang lumabas ang baby natin."sabi ko.

Uumpisahan ko na sana ang paghuhugas ng pinggan ng biglang mag-iba ang mukha ni Athena habang hawak-hawak ang tiyan niya.

"Putangina mo, Madrigal!"sigaw niya.

Nakaawang ang labi ko habang nakikita ko ang sakit sa mukha niya. M-manganganak na siya?

"Pumutok na ang panubigan ko dahil sa pangit mong mukha."sabi niya.

Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at ang mga gamit ni Athena. Natataranta ako habang nakikita ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Athena.

Inalalayan ko siya papasok sa kotse ko at mabilis kong tinahak ang daan papuntang hospital.

Kaagad kaming inasikaso ng mga doctor doon dahil si Athena ang may-ari ng hospital.

Habang papasok si Athena sa delivery room ay sinasamaan niya ako ng tingin.

"Bwesit ka, Madrigal! Hindi ka na ulit makakaisa sa akin!"sigaw niya. Napangiwi na lang ako ng makuha namin ang atensiyon ng mga tao sa hospital.

"Sorry loveydabs, I love you!"sigaw ko.

Ipinasok na siya sa delivery room pero ako ang mas kinakabahan. Magiging lalaki kaya? O babae? Napangiti ako pero parang maiiyak. Magiging tatay na talaga ako.

Maya-maya ay dumating na ang mga magulang namin, hindi ko alam kung isang barangay ba ang dinala nila o isang batalyon.

"Kumusta na, Hades? Lalaki ba o babae?"excited na tanong ni Mommy.

"Hindi pa lumalabas, Mommy."sagot ko.

Sunod na dumating sina Mommy Hera at Daddy Zeus kasabay nina Tyler at Fiona na bitbit ang anak nilang si Zayden na nagpapalobo pa ng laway niya.

"Nasaan na ang baby? Babae ba? Babe nanalo ako sa pustahan, ibigay mo na sa akin ang credit card mo."sinamaan ko ng tingin si Chelsea. Talagang ginawa pa talaga nilang pustahan ang anak ko.

Napanguso na lang si Nate na mukhang pagod na pagod sa kakabantay ng anak niyang si Ulrick.

Mas nagulat ako ng dumating sina Greg at Gianne na may dalang mga lobo at cake.

Napapikit na lang ako sa pinanggagawa nila.

"Kayo po ba ang asawa ni Ma'am Athena?"tanong ng doktor.

Kaagad kong nilapitan ang doktor.

"Oo, ako nga. Kumusta ang asawa at anak ko?"tanong ko.

"Maayos naman ang kalagayan ng asawa at mga anak niyo, Sir."sagot niya.

Natigilan ako. MGA?

"Quadruplets po ang anak niyo, lahat lalaki." Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ng doktor.

"A-apat?"tanong ko.

Nang makita kong tumango ang doktor ay unti-unting dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari.

Nagising na lang ako ng maramdaman kong may sumusuklay sa buhok ko.

"Hades,"iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng asawa ko.

"Loveydabs."tawag ko.

"Anong ipapangalan natin sa mga anak natin?"tanong niya.

Nabaling ang tingin ko sa mga babies na nakahiga sa kama ni Athena.

Tumayo ako at isa-isa silang tinignan.

Lahi talaga kami ng mga gwapo.

"Ang pangalang gusto ko para sa panganay natin ay Zeus, sa pangalawa ay Cadmus, sa pangatlo ay Hermes at sa bunso ay si Apollo."

"Gusto ko ang napili mo."sagot ni Athena.

Napangisi ako, siguradong pag-aagawan ang mga anak ko.

............

This part is dedicated to jescjade❤️

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon