Chapter 5

643 53 0
                                    

Chapter 5

Habang nasa biyahe ay tinawagan ko ang Mommy ko. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot si Mommy. Kailangan kong magpalakas sa kanya para hindi ako pagalitan ni Daddy kung talagang hindi mabuti ang kalalabasan nang gagawin namin. Takot kasi si Daddy kay Mommy kaya sigurado akong mananahimik na lang siya sa gilid kahit gusto niya akong pagalitan.

"Hades?" Sagot ni Mommy sa kabilang linya. Si Mommy talaga, nagpapatawa. Alangan namang maging si Athena ako diba?

"Mommy!" Masigla kong sagot. Kailangang maging extra sweet ako sa Mommy ko, siya lang ang magiging pag-asa ko laban sa sinturon ni Daddy.

"Why did my baby boy called me?" Baby face lang ako Mommy pero hindi na ako baby. Makakagawa na nga ako ng apo niyo eh.

"I love you, Mom," Malambing kong sabi sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Napanguso na lang ako. Ang gwapo ko talaga.

"I love you too. What do you need?" Napangiti kaagad ako. Si Mommy talaga, kilalang-kilala ako.

"I just missed you, Mom," This time totoo na talaga ang sinabi ko. My mom and I are very close to each other. Nagkahiwalay lang kami no'ng nag-aral na ako sa Krympton.

"Malapit na rin naman ang semestral break. Magkikita na ulit tayo," Alam kong nakanguso siya nang sabihin niya yon. Nasa kalagitnaan kami nang pag-uusap ng may naramdaman akong mga matang nakatutok sa akin.

Hinanap ko ang may-ari ng mga matang yon. Napakurap ako.

Athena?

Nagsalubong ang tingin namin. Bakit ang sama niyang tumingin? May nagawa ba akong masama? Para siyang tigre at ako naman ay parang tuta pero cute syempre. Mas lalo pang tumalim ang tingin niya sa akin.

"What?!" Malakas na tanong niya. Napaatras pa ako sa upuan ko dahil sa inasta niya. Napailing na lang ako. Problema ng amazonang to? Hindi naman inaano pero parang mangangain ng tao.

"Hades, is that Athena?"May saya sa boses nang Mommy ko nang banggitin niya ang pangalan ni Pres.

"Yeah, Mom," Bagot kong sagot. Basta talaga si Athena ang pinag-uusapan ay ganadong-ganado si Mommy. Dinaig niya pa nga ang mga batang umiinom ng tiki-tiki.

"Are you two dating? Did you do some moves to make her fall for you? Did you-" Pinutol ko na ang sinasabi ni Mommy dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin.

Ako? Magkakagusto? Kay Athena? Magugunaw lang ang mundo hindi mangyayari yon. Baka nga mauna pang pumuti ang uwak bago kami magkasundo.

"Tell me baby, please? Kayo na ba? Magkaka-apo na ba ako? OMG! Wala akong pakialam kung tumigil kayo sa pag-aaral basta maalagaan niyo lang nang mabuti ang apo ko," Napatampal ako sa noo ko. Grabe, ang OA ng Mommy ko. Sobrang advance mag-isip.

"It will never happen Mom, never and ever," Sinusumpa ko! Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kapag nagkataon? Sigurado ako na parang giniling akong karne kapag nangyari iyon.

Natahimik si Mommy sa sinabi ko. Parang alam ko na ang mangyayari. Oh, no..

"Tawagan mo na lang ulit ako kapag kayo na, bye," Napamura ako. Nagtampo tuloy ang Mommy ko. Gustong gusto niya kasi si Athena para sa akin. Psh! No way! Yucks!

"Si Tita ba yon, Bro?" Sinamaan ko nang tingin si Greg. Ang chismoso ng higad na to, sobra.

"Oo, bakit? Huwag mong sabihing pati Mommy ko ay lalandiin mo? Huwag kang magkakamali dahil may tuta kami sa bahay! Nangangagat yon," Banta ko kay Greg. Sinamaan niya ako ng tingin. Aba't ang pangit!

"Ikaw, Pres? Kumusta si Tita?" Nabaling ang tingin ko kay Pres. Ang lakas ng loob ni Greg na itanong 'yon ah. Sumeryoso ang mukha ni Pres dahil sa tanong niya.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon