Chapter 25
Nanatili kami sa probinsiya ng limang araw bago namin napagdesisyunan na bumalik sa University. Simula nang sinagot ako ni Pres ay hindi ko na hinayaan pang mawala siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit napapa-paranoid ang isang napakagwapong katulad ko.
Palagi kong iniisip na baka mabilis niya akong sinagot dahil mabilis niya rin akong hihiwalayan. Hindi ako mapakali dahil palaging tumatakbo sa isip ko na baka may mangyaring masama na may kinalaman kay Athena.
Hindi lihim sa mga kaibigan ko at kay Dean ang relasyon namin ni Pres. Kahit daw hindi namin sabihin ay halatang-halata raw sa kinikilos namin na kami na.
Lumipas ang mga buwan na palagi kaming magkasama ni Athena, minsan ay nag-iinisan kaming dalawa pero humahantong rin iyon sa pagso-sorry at pag-aayos, iyong parang tipikal na nangyayari sa magkarelasyon.
Ito na ang pinakahabang pakikipagrelasyon ko sa isang babae at alam kong ako rin ang first boyfriend ni Loveydabs and probably her last.
"Pwede ko bang malaman kung anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Athena na ngayon ay kararating lang. Napagdesisyunan naming dito magkita sa park sa loob ng campus.
"Alam mo namang ikaw ang palagi kong iniisip diba?" Pabiro kong sabi sabay kindat sa kanya.
Napaismid naman siya sa sagot ko at tinabihan ako sa pagkakaupo dito sa bench. Kaagad kong hinawakan ang kamay niya saka ako umunan sa mga hita niya. Ito ang palagi kong gustong gawin, ang hihiga ako sa hita niya habang sinusuklay niya ang medyo may kahabaan kong buhok.
"Napagalitan na naman ako ni Mr. Dimaano, Loveydabs," Nakangusong sumbong ko kay Athena.
"Sinong hindi ha-highblood-in sa itsura mo, Madrigal? Pangit ka na nga baliw ka pa," Kita mo 'tong babaeng 'to. Alam kong kami na pero kung maka-bully sa akin si Athena ay parang no'ng dati lang, iyong mga araw na puro biro lang ang nasa isip ko at puro kalokohan lang ang ginagawa ko.
"Oo, pangit nga ako at baliw pero mahal mo naman," Napahalakhak ako ng kurutin niya ang tenga ko. Naa-attract yata siya sa tenga ko, palagi niya kasing ginagawa 'yon eh.
"Hades," Mahinang tawag niya dahilan kung bakit ako napataas ng tingin sa kanya.
"Ang ganda pala ng view mula dito no?" Diretso lang ang tingin niya sa kaparangan habang ako ay patuloy siyang pinagmamasdan.
"Oo, matagal na, Athena. Mas lalo ngang gumanda dahil nandito ka," Nakangising sabat ko.
"Talaga? Nagagandahan ka sakin? Tch! Kung alam ko lang ay baka sinusumpa mo ako noon tuwing nahuhuli ko kayo nina Tyler," Nangingiting sabi niya. Napanguso naman ako.
"Dati lang naman iyon, Pres pero ngayon hindi na kita isusumpa, gagayumahin na lang kita para masabi mo na sa akin yong three magic words," Kumunot ang noo niya.
"Ang alin? Iyong I love you?" Tanong niya. Napangisi na lang ako. Sa tuwing magkasama kami ay parang napakainosente niya kung ikukumpara sa ipinapakita niya sa ibang tao.
"I love you too, Athena," Sagot ko sa sinabi niya.
Huli na nang maisip niya kung anong sinabi niya. Kaagad niya akong pinalo sa braso gamit ang mga kamay niya.
Napahalakhak ako. Sana hindi magbago ang lahat.Hinuli ko ang kamay niyang patuloy na humahampas sa akin saka tinitigan iyong mabuti.
"Sigurado akong mas gaganda pa itong mga daliri mo Loveydabs kapag nilagyan ko na ng singsing," Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Bakit, handa ka bang pakasalan ako?" Naaaliw na tanong niya.
"Kahit anong oras, basta pumayag ka lang," Tiniis kong huwag pansinin ang lungkot na dumaan sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing mapapatingin siya sa akin ay hindi ko maiwasang mapansin ang emosyong iyon na bahagya niya pang tinatago sa likod ng berdeng mata niya.
"Wala ka bang planong pakasalan ako?" Hindi ko napigilan ang sarili kong isatinig ang katanungang iyon.
"Hindi pa natin masasabing tayo talaga ang para sa isa't isa, Hades. May makikilala kang iba, ganoon din ako," Bakit napakasakit ng dating nang sagot niya sa akin?
Bumalikwas ako sa pagkakahiga saka hinuli ang mukha niya upang mahalikan ko siya sa noo. Hindi pa ako nakuntento at niyakap ko siya sa tagiliran niya at sumandal sa balikat niya. Pinanood niya lang akong gawin iyon. Mariin niyang hinawakan ang braso kong nakapalibot sa bewang niya na para bang ayaw niyang umalis ang mga iyon.
"Alam kong walang kasiguraduhan na tayo talaga hanggang sa huli pero hindi ako tatanggi kung yayain mo ako, hindi man ngayon pero kapag nasa wastong edad na tayo," Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sa naging sagot niya. Mangyayari iyon, Athena.
"Hindi ko alam kung bakit humantong tayo sa ganito. Dati halos magpatayan tayong dalawa pero kabaliktaran non ang nangyayari sa atin ngayon. Baka totoo talaga iyong sabi-sabi na 'The more you hate, the more you love,'" Dagdag ko pa. Ang corny ko na talaga ngayon.
"Ilang araw na ba simula nang sinagot kita, Hades?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko kung saan litrato naming dalawa ang nagsisilbing wallpaper. Tiningnan ko ang oras doon.
"Two months, seven days, twelve hours, twenty-nine minutes and 10 seconds na tayong magkarelasyon, Loveydabs," Mabilis kong sagot.
"Paano mo naman nalaman ang eksaktong araw at oras, Hades?" Natatawa siya sa hindi ko alam na kadahilanan. Baka nawe-werduhan na sa'kin si Athena.
"I counted, Athena. Those times were so special so I counted it. Ayaw kong makalimutan ang oras na iyon dahil iyon ang araw na nakaramdam ako ng ganoon ka saya," Nakita ko ang mapait niyang pagngiti.
"Ang bilis naman, parang kailan lang nong umamin ka sa'kin at sinagot kita sa gubat," Napabuntong-hininga siya.
"Mabilis talaga ang oras, Loveydabs. Mas bibilis iyon kapag lalo mong pipigilan," Mas lalo lang naging malinaw ang lungkot sa mukha niya.
"Bakit mukhang malungkot ka? Hindi ka ba masaya na nagtatagal tayo?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi, masaya ako, Hades," Ngumiti siya pero hindi ko magawang gumanti dahil alam ko ang totoong ngiti ni Athena sa peke.
"Malapit na pala ang birthday natin, Hades. Anong gusto mong regalo?" Nakapangalumbaba niyang tanong.
Sa susunod na buwan na ang 20th birthday ko at magkasabay kami ni Loveydabs. It's Valentine's Day and it's also our Birthday. Double celebration will be held.
Wala naman akong ibang hihilingin dahil ang dapat na hihilingin ko sana ay natupad na at iyon ay ang makasama si Athena.
"Hoy! Nababaliw ka na naman, Hades," Saway niya sa akin nang natahimik ako.
"Makasama lang kita ay wala na akong mahihiling pa," Sagot ko na kaagad na ikinatigil niya.
"Ikaw, anong wish mo?" Tanong ko.
Kinagat niya ang labi niya bago niya ako niyakap. Ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko.
I combed her long black hair saka hinalik-halikan ang ulo niya. Napatigil ako nang maramdaman kong bahagyang nababasa ang uniform ko.
"Are you crying?" Mahinang tanong ko. Tanging iling lang ang sagot niya. Napangiti ako. Totoong maldita nga si Athena pero napaka soft-hearted niya. Bakit hindi ko na-realize iyon noon?
Hinalikan ko ang sentido niya.
"Nagiging iyakin ang Loveydabs ko," Tukso ko.
"Hindi naman ako mawawala kaya huwag ka nang umiyak," Pagpapatahan ko sa kanya.
"Shh..stop crying, tinanong lang naman kita kung anong wish mo," Pinasigla ko ang boses ko kahit na masakit sa dibdib ko.
Alam kong may hindi sinasabi sa'kin si Athena pero hindi ko alam kung bakit sa simpleng tanong kong iyon ay umiyak siya. Iyon ba talaga ang rason kung bakit siya umiiyak o may iba pang dahilan? Kung anuman iyon ay nanaisin ko na lang huwag iyong malaman.
*****************
AUTHOR:
Sinisipag si author kaya sunod-sunod ang pag-add. I dedicate this chapter to Miss GianneNicole9 lovelots anak^_^thank you🥰. Stay safe kayong lahat mga anak especially tuwing lalabas kayo ng bahay. ❤️
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
RandomAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...