Athena's Pov
"Athenang amazona, Athenang amazona.."masama kong tinignan ang apat na lalaking tumutukso sa akin pero ang mas nakakuha ng atensiyon ko ay si Hades na ngayon ay nakanguso na naman. Tch! Isip bata.
Kakatapos lang ng foundation day namin at pauwi na kaming lahat ng makita na naman nila ako. Marungis ang mukha ko dahil sa icing nang cake na ipinahid sa akin nang mga kaklase ko. Kapag talaga nabanas ako bubugbugin ko silang apat.
Nasa kabilang bahagi ng kalsada ang kotse ni Lolo kaya tatawid pa ako para pumunta don.
Inirapan ko muna silang apat bago tumawid sa gitna ng kalsada. Nagulat ako ng biglang may bumusinang sasakyan na papalapit sa akin. Hindi ko namalayang may paparating pa palang truck. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang gulat. Unti-unting lumalapit ang truck ng makaramdam ako ng mga brasong humila sa akin ng mabilis papunta malapit sa kotse namin.
Nanatili akong nakapikit bago ko namalayang wala na ang taong nagligtas sa akin. Sobra ang pasasalamat ng lolo ko sa batang iyon at nakakahiya mang aminin pero ang batang iyon ang first love ko.
Araw-araw akong pumupunta sa bahay nina Tita Hera dahil gusto niya raw akong makitang kasama ang anak niyang si Hades pero sa tuwing pumupunta ako roon ay hindi ko na siya naaabutan dahil tumatakas sila nina Greg para maghanap ng pusang gala na ipapanakot sa akin. As if namang takot ako sa pusa.
Dumating ang Valentine's Day, grade six kami non ng sinabihan kami ng teacher namin na gumawa ng isang valentine's card at ibigay iyon sa kaklase naming gusto naming maging malapit na magkaibigan.
Naghintay ako ng kaklase kong magbibigay sa akin ng card pero ako lang yata ang hindi pa nabibigyan, alam ko naman kung bakit, dahil iyon sa masamang ugali ko. Uwian na at wala pa ring nagbibigay sa akin at tanggap ko na iyon. Nalungkot talaga ako dahil walang gustong makipagkaibigan sa isang katulad ko.
Naglalakad ako papunta sa parking lot ng biglang may humarang sa akin. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino iyon. May kinakain siyang lollipop gaya ng palagi niyang ginagawa.
"Anong kailangan mo?"hindi ko maiwasang hindi magtaray, malungkot na nga ako mukhang mapagtitripan pa ako ni Hades.
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. May kinuha siyang card sa bag niya at iniabot iyon sa akin. Nanatili ang tingin ko sa card niyang kulay pula at hugis puso.
Nang makita niyang hindi ko iyon kinuha sa kamay niya, siya na mismo ang naglagay ng card sa palad ko.
Napakurap ako ng kumuha rin siya ng lollipop sa bulsa niya. Binalatan niya ang lollipop na iyon saka inilapit sa bibig ko. Gusto niya bang kainin ko ang lollipop na binibigay niya?
Kahit nahihiya man ay kinuha ko iyon sa pagkakahawak niya at inilagay sa bibig ko.
"Hindi bagay sa'yo ang malungkot, Athena. Mas bagay sa'yo ang magtaray."sabi niya habang nakanguso siya.
Tinapik niya muna ang balikat ko bago kumaripas ng takbo. Ibig bang sabihin gusto niyang maging malapit kaming magkaibigan? Pero aaminin kong sa araw na iyon at sa bata ko pang edad, nahulog na ako sa isang Madrigal.
Nasa harap kami ng gate ng University na papasukan namin at sobrang saya ko ng malaman kong dito rin mag-aaral si Hades. Nakatingin ako sa kanya habang siya ay masayang nakikipagbiruan kina Greg. Bakit ba napakagwapo niya?
Nagulat ako ng may tumikhim at iyon pala ay ang Dean ng University namin. She welcomed us all and let us enter the University.
Humahangos pa ako ng maabutan kong nakikipag-away na naman sina Hades. Paano na lang kung masaktan siya?
Pinagalitan ko silang lahat. Ayokong maging unfair dahil obligasyon ko rin namang disiplinahin sila. Nang araw din iyon mas lalong kumabog ang puso ko ng hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao. Kahit na nanginginig dahil sa kakaibang nararamdaman ay binugbog ko siya para ipakitang galit ako sa ginawa niya kahit na kabaliktaran naman non ang totoong nararamdaman ko.
Ayaw kong gumawa o magpakita ng mga bagay na makakapagbigay sa kaniya ng ideyang gusto ko siya dahil natatakot ako baka pagtawanan niya lang ako at e-reject ng walang kahirap-hirap.
Nag-alala ako sa kanila ng hindi pa rin sila lumalabas sa abandonadong building kaya minabuti kong sundan sila. Kilala ko si Gina dahil naging kaklase ko siya at nagalit ako ng matamaan si Hades ng baston na itinapon ng nanay niya kaya ko nagawang sipain siya sa ilong.
Kailangan kong makahanap ng bagong Vice President at hindi ko inaasahang sasali doon si Hades. Nang araw ng debate, kahit na maraming ipinagawa sa akin si Dean ay pinilit kong pumunta sa field at bantaan si Hades para magawa niyang makasagot sa tanong at para siya ang manalo.
Hindi niya alam kung gaano ako ka saya na hindi ko na magawang makatulog ng yayain niya akong lumabas kasama siya. Hiniling ko na sana ay mahulog na siya sa akin dahil matagal ko nang pinapangarap na mangyari iyon at natupad nga iyon ng umamin siyang mahal niya ako, pinigilan ko ang sarili kong sabihin sa kanya na mahal ko rin siya dahil sa takot na baka mawala rin bigla ang nararamdaman niya at nagkakamali lang siya.
Tuwing may umaaligid-aligid sa kanyang ibang babae umiinit ang ulo ko dahil nagseselos ako kaya si Hades na lang ang napagbubutungan ko palagi.
Tinawagan ako ng lolo ko at sinabi niyang nahanap na niya ang batang nagligtas sa akin at si Dion iyon, nanlumo ako ng sabihin niyang ipapakasal niya ako kay Dion sa ayaw ko man o gusto. Pinilit kong huwag magpa-apekto pero hindi ko kaya lalo na sa tuwing kaharap ko si Hades.
Ang pag-alis ko papuntang France na yata ang pinakamasakit na nagawa ko dahil maiiwan ko si Hades.
Alam kong maikli na lang ang panahon na maaari kong mahalin si Hades kaya ako na mismo ang nagdesisyong magkaroon kami ng relasyon. Masaya na ako sa isiping kahit sa maikling panahon lang ay maranasan kong mahalin ng lalaking matagal ko ng mahal.
Ngayong araw na ito, masaya akong ang maikling panahong iyon ay mapapalitan ng panghabang-buhay.
Unti-unting binuksan ang pinto ng simbahan at awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang lalaking naghihintay sa akin malapit sa altar. Lahat ng mga taong espesyal sa buhay naming dalawa ay magiging saksi sa sumpaan namin ngayon sa harap ng Diyos.
Nakagat ko na lang ang labi ko ng hindi pa man ako nakakahakbang ay namunas na siya ng luha niya. Parang tanga talaga itong si Madrigal, gusto rin ba niyang umiyak ako?
Hawak-hawak nina Mommy at Daddy ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa lalaking mahal ko.
"Hades is all yours now, sweetie."bulong ng Mommy ko.
Napatawa ako ng mahina. Nasisilaw ako sa mga camerang kumukuha sa amin ng litrato. Napangiti ako ng makitang tinutukso si Hades nina Greg sa gilid niya.
Yes, he's finally mine.
BINABASA MO ANG
In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~
De TodoAthena is her name. Ang presidente naming pinaglihi sa sama ng loob. Napakasungit na tila ba may galit siya sa mundo. Siya ang huling babaeng naiisip ko na magugustuhan ko sa buong buhay ko. Makakaya ko kaya siyang magustuhan kung kami ang the best...