Chapter 18

468 29 2
                                    

Warning! Ang chapter na ito ay hindi kagandahan dahil tinotopak na at malapit nang mabaliw ang author nito. Kung sensitive ka, mag next chapter ka nalang.

Chapter 18

Hindi ako nakatulog kagabi dahil talagang pinag-isipan ko talaga kung paano mapapapayag si Athena na lumabas kasama ko. Marami akong kinuntsaba. Muntik ko na ngang hukayin mula sa pagkakalibing si Sweetie para makausap. Amo niya si Athena kaya sigurado akong may alam siya. Pero patay na siya, eh. Makakausap ko pa kaya siya?

Nag- imbestiga ang mga parents ko sa mga bagay na mahina si Athena. Kung hindi niyo natatanong, secret agents ang mga Greek Gods kong mga magulang kaya chicken lang para sa kanila iyon.

Wala kaming pasok ngayon dahil tuwing may bagong na e-elect na officer, rest day namin kinabukasan.

Napatigil ako sa paglalakad saka napangisi. Dito pala natatakot si Athena? Ang amazona palang iyon ay natatakot sa caterpillar? Pfftttt....hindi natatakot sa pakikibasag-ulo at sa ahas pero takot sa uod. Hay, ibang-iba talaga siya. Hindi ko alam kung sa bagay na iyon ako nahulog sa kanya.

Inilagay ko sa loob ng garapon ang caterpillar na pinahuli ko pa kina Greg at Tyler. Nagulat nga ako nang kaladkarin nila ako papunta sa hospital ng lolo ni Athena. Baka daw pinasukan na ng hangin ang ulo ko kaya kung ano-ano na ang naiisip ko at nandadamay pa ng cute na cute na caterpillar na 'to. Pero nang malaman nila ang dahilan ko aba't ang mga baliw ay nagpaunahan pa sa kakahanap nitong caterpillar. Sa sobrang pagmamadali nila ay nabunot mula sa lupa ang tanim na halaman ni Dean pero tinanim ulit namin 'yon para hindi halatang nasira.

Para sa kaalaman niyo, magkamukha itong caterpillar at si Tyler kaya hindi na ako nagduda nang siya ang nakahuli nito.

Ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako sa ginawa namin. Promise, ibabalik ko naman itong caterpillar kung saan ito kinuha. Mabuti pa tong caterpillar na 'to, hindi nangangagat at hindi rin tumatahol. Ipapalit ko na lang 'to kay Pogi, hehe. Sorry talaga, Lord.

Kaagad akong tumakbo papunta sa dorm ni Athena. Maraming estudyanteng bumati sa akin kaya nginingitian ko sila. Sayang lang ang pagiging pogi ko kung hindi ko maipapakita sa lahat ng tao. Hindi naman kasi ako si Athena na hindi mahilig ngumiti, minsan tuloy ay napagkakamalan na siyang nag-menopause.

Tinignan ko ulit ang uod na nasa loob ng garapon. Pagpasensiyahan mo na, talagang gipit lang ako. Naplano ko na talaga kung anong gagawin ko sa araw na ito kaya lintek lang ang hindi mahuhulog sa'kin.

Nang makarating ako sa harap ng pintuan ni Athena ay tumikhim muna ako bago ako kumatok.

"Pres? Yoohooo?! Are you there?" Gusto kong batukan ang sarili ko. Mukha nga akong tanga. Para akong si Anna na hinahanap si Elsa. Itinago ko ang garapon sa likuran ko.

"Pres? Yoooohooo!!!!" Sigaw ko sa labas ng pintuan niya. Kung makakapagsalita lang siguro ang mga ugat sa leeg ko ay baka minura na ako.

"Good morning, Hades," Nginitian ko na lang ang babaeng bumati sa akin. Imposible talagang hindi mapansin ang kagwapuhang taglay ko. Napangisi na lang ako. Tangina talaga Hades, pinagpala ka nga talaga.

"Pres-" Naputol na ang sasabihin ko nang makitang nasa harapan ko na si Pres na mukhang kagigising lang.

"Good morning, Pres," Bati ko saka ngumiti. Talagang ipinakita ko pa talaga sa kanya ang mapuputi at pantay kong ngipin.

"Ang aga-aga Madrigal pero nagmumukha ka ng butiki," Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Hindi ba nito naa-appreciate ang mukha ko na kasing kinis ng kalderong bagong bili?

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray  niyang tanong.

"Sinusundo ka," Deretsong sagot ko. Kapag nayaya ko 'tong si Pres na lumabas kasama ako ay talagang papangitiin ko to. Nagmumukha na siya matandang dalagang bitter sa pag-ibig.

In Love With Miss SSG President (ILW I) ~~COMPLETED~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon